Zaparta's POV "Not bad, Dragon." nakangising sabi ni Jak pagkapasok nya sa room namin. Binigyan nya kami ng isang minuto para magbihis pagkatapos nya kaming gising ng alas cuatro. Talagang maaga maggising ang mga 'to. "So, let's go." sabi nya at nauna sila ni Kade na lumabas ng kwarto namin. Nakalinya kaming sumunod sa kanila. Sila ang magtra-training samin ngayon. Ngayon pa lang ay tila pagod na ako dahil si Jak at Kade ang magtra-training samin. Hindi ko close ang dalawang ito sa lahat ng captain at vice-captain. Nakarating kami sa isang bahay. Pumasok kami sa loob at doon ko nalaman na isa pala itong pool gym. Nagtaka ako dahil ang babaw lang ng tubig sa pool. Nasa gilid ang mga seniors ng Wyvern. "Hubarin ninyo ang sapatos ninyo at bumaba sa pool." sabi ni Jak. Nakakatakot na mag

