Zandy's POV Nagawa naming manalo sa Zebra Jacks na wala ng iba pang naka-injury samin. Napipisikal kami ni Lee pero hindi kami pumalag sa kanila at pumuntos pa rin para manalo. Ngayon ay binisita namin si Kennie na sinugod sa hospital para doon matignan ng maayos. Naabutan namin sya kasama si Tita Kiwi. "Ate Kiwi, anong lagay ni Kennie?" tanong ni Tita Kill. Umiling si Tita Kiwi. "One month pa bago sya pwede makalaro." sagot ni Tita Kiwi. Tumingin kaming lahat kay Kennie. Napansin ko na nakayukom ang dalawang palad nya. "Nakakainis talaga sila." sabi ni Julia. Natahimik kaming lahat. Dismayang hindi makakalaro sa final si Kennie. Kahit na nag-away kami kahapon ay naawa at naghihinayang ako para sa kanya. Kung kailan nasa final game na kami, doon pa sya hindi makakalaro. "Sa final." t

