Marceline's POV "Bonnie." tawag ko sa kanya habang nakahalumbaba na nakatingin sa dalawang tao na nakatingin sa dalawang nagkukulitan. "Oh?" sagot naman nya habang nagce-cellphone. "Bakit ba ayaw umamin ng isang tao na gusto din naman nya yung taong nagkakagusto sa kanya?" tanong ko. "Aba malay ko." tinignan ko sya na hindi inaalis ang pagkahalumbaba. "At hayaan mo nga sila. Bakit mo ba sila pinapakialaman?" "Nai-stress kasi ako sa kanila eh. Nilalayuan nila yung taong nagkakagusto sa kanila tapos kapag nilayuan naman sila, nagseselos naman." sabi ko at ibinalik ang tingin kanila Zap at Stace na naglalaro sa court. Silang dalawa lang ang nasa court habang kami ay nagpapahinga. Rest day namin ngayon pero sama sama kaming lahat dito sa blue team court. Kakatapos lang ng bagong taon nun

