Zaparta's POV "Zap!" tumigil ako sa pag-jogging at nilingon ang tumawag sakin. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang towel na nakasabit sa leeg ko habang hinihintay na lumapit sakin si Lulu. "Good morning. Ang aga mo ah?" tanong ko sa kanya. Casual lang ang suot ni Lulu ngayon at sa pagkakaalam ko ay malayo layo ang bahay nila sa lugar namin kaya naman nagtataka ako na nandito sya. "Good morning! pupuntahan ko lang si Dite. Nandito daw sya ngayon eh." sabi nya. "Ah oo, dadamayan daw nya si Zandy na natalo natin kahapon." sabi ko. Napahalikgik si Lulu. "Sweet talaga ng Dite namin." sabi nya. Sabay na kaming naglakad pauwi samin. Tapos na rin naman ako mag-jogging. "Pero ang aga mo pa rin pumunta ah?" tanong ko sa kanya. Uminom ako ng tubig. "Kung hindi ko kasi aagahan, hindi ko sya maa

