Chapter 3

1112 Words
Nakatayo silang dalawa ni William sa gilid ng mahabang lamesa kung saan nakalagay roon ang mga groceries na ibibigay sa mga tao. Ang mga kasamahan ng ama nito sa pangangampanya ang nag-aabot ng mga groceries. Sa kabilang dako naman ng campaign area ay ang mga nurse at doctor na nagsusuri ng libre sa kalusugan ng mga taong nandoon. Matamis pa rin siyang nakangiti sa harapan ni William habang ang isang braso nito ay mahigpit na nakapulupot sa beywang niya. Tingin ng lahat ay masaya sila at tunay na nagmamahalan. Masakit na ang panga niya pero todo ngiti pa rin siya. Ang anak niya naman ay nasa mga magulang ni William. "Talagang modelo kayo ng isang masayang mag-asawa." Nakangiting turan sa kanila ng matandang babae. "Salamat po," usal niya. "Ano ba ang sekreto sa pagiging masaya?" tanong pa nito. Gusto na niya itong umalis sa harapan nila dahil ayaw niyang sagutin ang tanong nito at baka may kasunod pa. Si William ang sumagot. Nakangiti pa ito at masuyong hinaplos ang beywang niya. Pagkatapos ay dumako ang kamay nito sa balikat niya. "Kailangan lang po intindihin ninyo ang isa't isa at syempre panatilihin ang pagiging malambing." Masigla ang boses nito at hinalikan pa siya sa pisngi. Natawa siya pero iyong klase nang tawa na animo'y nasisiyahan siya sa sagot nito, pero ang totoo ay nang-uuyam talaga dapat ang tawa niya. "Ganoon nga po, Manang. Tama ang sinabi ng mabait at mapagmahal kong asawa." Pinisil niya pa ang tungki ng ilong nito. "Nakakainggit naman kayo. Ang anak ko at asawa nito ay panay ang away." Napailing si Manang. "Minsan po talaga hindi naiiwasan sa isang mag-asawa ang pagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan. Kaya dapat kaming mga lalaki ay may mahabang pang-unawa." Paliwanag ni William dito. Wow! Best actor na talaga, usal niya sa isipan. "Ang galing mo talaga, hijo. Tama nga ang ama mo na p'wede kang tumakbong Mayor sa susunod na eleksyon o kaya ngayon ka na mag-file ng candidacy for Mayor sa bayan natin." May excitement sa boses ng matanda. Nawala naman ang ngiti niya. Napag-usapan na nila noon pa na hindi nito papasukin ang mundo ng pulitika. Ayaw niya sa politics dahil masyadong magulo at marumi. Naramdaman niya ang mahinang pagpisil nito sa balikat niya. Muling bumalik ang ngiti niya sa labi. "Pinag-iisipan ko pa po," sagot nito. "Aba! Huwag ka nang mag-isip, hijo. Sundan mo na ang yapak ng ama mo. Sigurado ako na magiging mabuti ka ring Mayor sa bayan natin." "Excuse me," aniya. Mabilis siyang kumawala sa pagkakahawak ni William at naglakad siya palayo sa mga ito. Patungo siya sa kung saan nakaparada ang kotse nila. Bago pa siya makarating ay may humila na sa kanya. Ang madilim na mukha ni William ang nalingunan niya. "Ano ang ginagawa mo, Diana?" usal nito sa galit na boses. "Gusto ko lang lumanghap nang hangin at pagod na rin ang panga ko sa kangingiti, William!" asik niya. Iwinaksi niya pa ang kamay nito. "Nakakahiya sa matanda kanina dahil bigla ka na lang umalis." Mariin nitong hinawakan ulit ang braso niya, napangiwi siya sa sakit. "Bakit ka mahihiya? Nag-excuse naman ako?" nang-uuyam na sagot niya. "Huwag kang bastos!" pigil ang galit na asik nito, mas lalo pa nitong diniinan ang pagkakahawak sa kanya. "Malakas ang loob mo na sagot-sagutin ako ngayon dahil maraming tao. Hintayin mo lang na makauwi tayo." Nakaramdam siya nang takot pero hindi niya pinahalata. Sanay na siya sa mga pahirap na ginagawa nito sa kanya pero hindi niya pa rin maiwasan na hindi matakot. "Ano ba ang maling ginawa ko, William? Sa tingin mo ba hindi ko nagampanan ang pagiging ulirang asawa mo sa harapan ng lahat?" Gusto niyang pumikit dahil sa sakit nang pagkakahawak nito sa braso niya. Alam niyang mag-iiwan na naman iyon ng malaking pasa sa balat niya. "Ang maling ginawa mo? Iniwan mo ako sa harapan ng matanda! Pinahiya mo ako!" Ang tingin ng lahat ay parang hindi sila nagtatalo dahil magkadikit ang katawan nilang dalawa. Para pa nga silang naglalambingan lang at nagpapalitan ng mga matatamis na salita. "Umalis ako dahil ayaw kong magsalita sa matandang iyon na hindi ka tatakbo bilang Mayor sa bayan natin!" inis na asik niya. "My God, Diana! Ang liit ng issue pinapalaki mo lang." Mapait siyang napatawa sa sinabi nito. "Ikaw lang naman ang nagpapalaki sa issue, William. At hindi ba napag-usapan na natin na hindi ka papasok sa pulitika?" Pinilit niya na maging mahinahon ang tono nang pananalita niya. Tumawa ito nang nakakaloko. "At sino ka ba para sundin ko, Diana?" nang-uuyam nitong saad. Nagpumiglas siya para makawala rito pero mas lalo lang siyang nasaktan dahil bumaon ang kuku nito sa balat niya. "Asawa mo ako, William. At ilang beses kong sinabi sa'yo na makakagulo lang ang pulitika sa buhay natin!" asik niya. Napangiwi na naman siya sa sakit dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak. "Huwag mo akong pinapangunahan sa kung ano ang gusto kong gawin, Diana! Huwag mong inuubos ang pasensya ko!" Pabalya siya nitong binitawan, muntikan pa siyang mapasubsob. Nangilid ang luha niya sa mga mata pero hindi niya hinayaan na tuluyan siyang mapaiyak. Hinaplos niya na lang ang braso niya na kanina lang ay hawak nito. Alam niyang binitiwan siya nito dahil papalapit ang ama nito sa kanila at may kasama ito. Nakangiting sinalubong ni William ang ama at ang kasama nitong lalaki. Mabilis niya namang inayos ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng father-in-law niya na parang wala sa sarili. "Dad," ani ni William. "Hijo, nakilala mo na ba ang kumpadre ko? Isa siya sa mga ma-impluwensyang tao rito sa lalawigan natin. Kadarating niya lang galing Amerika." May pagmamalaki sa boses ng ama nito. Tumawa naman ang kasama nito. "Kumpadre, masyado mo naman akong pinagmamalaki sa anak mo. Nakakahiya." "Aba! Dapat lang kumpadre na ipagmalaki kita. Sa loob ng tatlong taon ngayon lang tayo nagkita ulit." Masayang turan ng ama ni William. "Alam mo, kumpadre, may ipakikilala ako sa'yo na makakatulong sa kampanya mo ngayong eleksyon." Seryosong saad nito. Nakita niya sa mukha nito ang pagiging interesado. "Sino ba iyan, kumpadre?" Bago pa ito maka-sagot sa tanong ng daddy ni William, may dumating na sasakyan, halatang mayaman ang nagmamay-ari dahil sa klase ng sasakyan nito. Napatingin silang lahat, hinihintay na bumaba ang sakay. Parang huminto ang ikot ng mundo niya nang bumaba ang sakay. Nagbago man ang hitsura nito ngayon, nagbago man ang pananamit nito na noon ay parang basahan, nagbago man ang lahat dito pero kilala pa rin ito ng puso niya. Kilala niya ang lalaking minahal niya noon at hanggang ngayon ay ito pa rin ang tinitibok ng puso niya. He was dangerously devastating. "D-Darius..." usal niya sa paos na boses. ***

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD