40. Wiped Out

2559 Words

NAPATALSIK si Beazt palayo nang bigla na lamang may umatake sa kanya mula sa kung saan. Kasalukuyan na siyang nasa gitna ng usok na likha ni Luke. Ngunit hindi naman ito naging problema sa kanya dahil noon pa man ay nagsasanay na siya sa gubat upang makipaglaban sa gitna ng dilim. Sa tulong ng kanyang mga kasamang hayop doon, dito’y sinanay niya ang kanyang sarili para sa pagpapalakas ng pakiramdam.   Muli rin siyang bumangon at inihanda ang kanyang sarili. Napansin din niyang wala siyang nararamdamang aura mula sa kalaban ngunit naririnig naman niya ang paghakbang ng mga ito kahit sa kabila ng malakas na tunog na nagmumula sa agos ng tubig sa ilog. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang magpokus dito.   Sandali siyang huminga nang bahagya. Naramdaman niyang may papalapit mula sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD