45. Summon

1645 Words

MAKIKITANG hinihingal na si Luke dahil sa tagal na ng pagpapalabas niya ng steam mula sa kanyang katawan. Ang kanyang aura ay kasalukuyan na ring humihina pero patuloy pa rin itong nananatili sa kabila noon. Matapos kasi ang lakas na ipinakita niya ay isang malakas na taong-agila ang biglang humarap sa kanya. May kakayahan itong umatake gamit ang hangin. Sa tulong din ng malaki nitong mga pakpak ay nagagawa nitong magpakawala ng matatalas na hangin sa pamamagitan ng pagwasiwas ng bahagi niyang ito.   “Tila yata nauubusan ka na ng lakas,” wika ng taong-agila na kasalukuyang lumilipad sa itaas. May kataasan ito dahilan upang hindi ito magawang matamaan ni Luke. Isa pa, nagtataglay rin ng pambihirang bilis sa ere ang hayop na ito.   “Nakikita kong malakas ka, ngunit mas mautak ako sa iyo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD