MARK'S POV
Kakagaling ko lang sa girlfriend ko para suyuin at mag-explain. Pero imbis na magbati kami ay hindi niya ako pinansin, naka-upo lamang siya sa kanilang classroom at nakikipag-usap sa kanyang kaklase. Nasaunahan sila nakaupo habang siya ay nakatalikod sa pinto at nakaharap sa kanyang kaklase ang kaklase niya naman ay kaharap ang girlfriend ko at makikita niya rin ang pinto. Hindi naman sila malapit sa pinto, pero sakto lang upang makita ako ng kaklase niya kung sino ang dadaan sa labas. Kung kaya't nakita ako ng kaklase niya at ipinaalam na nandito ako sa labas, ngunit hindi manlang ako nilingon bagkus ay patuloy lamang ito sa pakikipag-usap. Ngunit hindi ko inaasahan na pariringgan niya ako, nilakasan niya boses niya para marinig ko ito.
"Meron talagang mga tao na hindi marunong makuntento, ano."
pasigaw niyang sabi. "Mali ang inaakala mo Therese." sambit ko sa kanya at humingi ng sorry habang nasa tapat lamang ako ng pintuan. Umalis na lamang ako, dahil hindi niya parin ako pinapansin, susuyuin ko nalang siya ulit pag-uwian na. Kaya't nag-lakad na ako papuntang room namin saktong-sakto nakita ko sina Belle at Jazelle na papuntang room kaya't gusto ko nalang sanang sumabay.
Habang nasa likod nila ako naka - sunod, nakita ko yung lalaki na parang sa-sagaan si Jazelle, kaya't dali-dali akong tumakbo para saluhin siya. Nong nasalo ko siya ay nakapikit ang kanyang magagandang mata at pag dilat niya ay nakita ko ang maamo at maganda niyang mukha. Ngunit dali-dali din itong tumayo at tila nahihiya.
"a-amh ... a-ang bilis mo naman ." utal niyang pagkasabi.
"kanina pa ko sumusunod sa likuran niyo hindi naman ako gaano kalayo. sasabay na sana ako sa usapan niyo, ng biglang dumaan yung lalaki na sumagasa sayo , kaya buti nalang at nasalo kita." ngumisi naman ako dahil sakanya. "Sa susunod kasi tingin-tingin din sa dinaraanan". dagdag ko pa sa aking sinabi. At nagdahilan pa ito na sinabing kasalanan ng lalaki, may point naman siya, dahil hindi tumitingin yung lalaki. Sinabihan ko na lamang siya na magpasalamat dahil sa pag-ligtas ko sa kanya.
Ngunit bigla na lamang siyang tumigil sa paglalakad at humarap sakin, inilapit niya sa akin ang kanyang mukha as in one inch na lang parang magkadikit na yung labi namin, tumingin siya sa aking mga mata ng deritso at ako naman ay umiiwas ng tingin dahil sa naiilang sa ginawa niya. Hindi ko alam kung pinag-t-tripan ba ko nito. Hindi ko alam pero parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kanya, tila nabibingi ako sa patuloy na pag-t***k nito, parang na froze yung katawan ko sa aking kinatatayuan.
"A-anong g-ginawa m-mo?" tanging nasambit ko na lamang ng bumalik na ako sa aking pag-iisip. Ngunit binalewala niya lamang ang sinabi ko at parang gustong ipagpatuloy ang binabalak. Hindi na natuloy ang kanyang gagawin dahil nag-salita si Belle na siyang nagpatigil sa ginawa niya. "hep, hep, hep!" sa room niyo nalang yan ipagpatuloy ang harutan niyo nakakahiya baka maraming makakita". saad ni Belle na natatawa. "Ohh tignan mo si Mark, tela namumula na yung pisngi, halatang kinilig ee". panunukso niya sakin habang tumawa. Nakita ko namang ngumisi si Jazelle. "ah -- huh? hindi naman aa, allergy lang yan kanina pa yan ee, ngayon mo lang na pansin." Pag-d-deny ko sa kanyang sinabi. "weh? sure ka ? bakit may allergy ka ba ? at saan kanaman na allergy aber ?" sunod-sunod na tanong ni Belle sakin. "ah basta ganun yun." tanging na sambit ko na lang sa kanila. Nakita ko naman na tila hindi kumbinsido si Belle sa aking sinabi, kung kaya't ay hindi ko na lamang iyon pinansin. "Bilisan niyo na nga ang paglalakad." Pagsambit ko habang nakakunot ang noo. "Galit ka, galit?!" Tanong naman ni Jazelle na medyo ng aasar.
"Baka gusto mong tuluyan nalang kitang halikan". saad niya. "Sige." seryosong sagot ko sa sinabi niya. "Anong sige?" Tanong ni Jazelle sakin ng may pagtataka. "Sige, bilisan mong lumakad papuntang room at dun natin gagawin sinabi mo". Saad ko. tumawa nalang siya sa sinabi ko. "HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA .... seryoso ka?" Tanong niya sakin. "Oo naman, bakit hindi?" ika nga grab the opportunity". Sagot ko sakanya ng pabiro. "G*GO. ikaw na ata pinaka harot sa classroom." malutong niyang pagkasabi. Kung kaya't ang ginawa ko ay kumanta at sumayaw sa kanilang sa kanilang harapan. Dahilan ng kanilang pagkatawa.
"ouch! it really hurtz ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili siya pang di makuha ng buo." "Napaka ano mo talaga". sambit niya sabay tawa. "Napaka?" tanong ko habang naka - kunot ang noo. "wala, lumakad kanalang ng lumakad hanggang makapunta ka na sa pupuntahan mo." sabi niya nalang sa akin. Patuloy ko pa rin siyang kinukulit hanggang sa room.
Ng umupo kami sa likuran ay dun kami nag-usap, tinanong niya kung okay na ba kami ni Therese. umu-o na lamang ako sa tanong niya, dahil ayaw ko nang isipin niya pa yun at baka sisihin naman ang sarili niya.
"Ahh. Oo naman, hindi naman mahirap suyuin si Therese." sagot ko. "Talaga? mabuti naman kung ganun." Sambit niya at naging maaliwalas ang kanyang mukha. "Bakit gusto mo pati ikaw suyuin ko?" pagbibiro ko sa kanya. "tanga. bakit nagtatampo ba ko?" saad niya. "edi kapag magtatampo ka". saad ko na medyo natatawa.
.
.
.
Uwian na, alas 5 na ng hapon, kaya't lumabas na kami ng room at ang natira na lamang dun ay yung maglilinis ng room. Susunduin ko ngayon yung girlfriend ko sa kanilang classroom.
At tamang-tama pagdating ko nakita ko siyang nagwa-walis doon kaya't hinintay ko na lamang siya sa labas ng kanilang room.