NAKAUPO siya ngayon sa may gilid ng kama habang nakatayo naman si Parker at nakaharap sa malaking salamin sa labas habang nakikipag-usap ito sa kung sino man wala siyang ideya. "Are you hungry?" Napatingin siya sa gawi ng lalaki nakatitig na ngayon sa kanya. Naibaba na rin nito ang hawak na cellphone. Hindi niya maiwasang mapahanga sa angking gandang lalaki nito lalo pa't nag-relflect sa mukha nito ang sinag ng araw na nagmumula sa labas. Napakagat siya ng ibabang labi niya nang maramdaman na naman niya ang pamilyar na pakiramdaman, pananabik, pangka-uhaw sa labi ng lalaking nasa harap niya. Napalunok siya ng laway at ang mga mata ay natili lamang sa labi ni Parker. "I know that look." Napakurap-kurap siya at napaiwas ng tingin. "You want to kiss me, don't you, Ambi? Is that pang

