Chapter 4 - Dodgeball

1868 Words
It's already my third day in SIS. Nakasuot kami ngayon ng PE uniform. At nasa gym. Nakaupo lang ako sa isang silya habang nanonood sa mga naglalaro. Napatingin ako sa harap ng may tumawag sakin. "Hey." Hinananap ko ang pinanggalingan ng boses. May isang magandang babaeng nakabun ang buhok at nakangiti sa direksyon ko. "Magdadodge ball kami. Kulang kami ng isang player. Join us." Nakangiti niyang sabi habang tinuturo ang mga kasama niya. Halata ang kaplastikan sa ekspresyon niya. Tiningnan ko yung mga kabarkada niya, nagsikawayan sila sa direksyon ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. "No thanks." Kahit hindi ako nakatingin, ramdam kong nabakasan ng inis ang ekspresyon niya sa pagtanggi ko. "Hey. I'm asking nicely." Kung hindi ko nahalata agad na plastic siya kumilos, aakalain kong anghel na hulog ng langit. Hindi ko sana siya papansinin pero napadako ang mata ko kay Valkyrie. Binabato siya ng bola ng mga katropa ng babaeng nagyayakag sakin ngayon, kita ko ang pagpipigil sa inis ng itsura niya habang nagtatawanan yung magkakaibigan. Wala sa oras akong napatayo. "Fine. I'll join." Bakit ba ako nagaalala sa babaeng yun? Tsk. Halata namang gulo ang pinasok ko eh. Naglakad kami sa left side ng gymanasium dahil sa right side naglalaro ng basketball ang A4. "Guys! She's here!" Nakangiting sabi ng babaeng nagyakag sakin na sumali. Tiningnan ko ang mga kasama niya. Yun isa, pamilyar sakin dahil isa yun sa nambully kay Valkyrie dati. Tumingin sakin yung babae. "By the way, Brielle was your name, right? I assume you already know who I am, so---" Pinutol ko siya. "I don't know you." Basag ko sa sinasabi niya. Natahimik siya at napahiya. Kita kong napanganga rin pati ang mga kasama niya. Nagtawanan yung ibang mga kasamahan niya kaya namula siya sa hiya. *clear throats* Tumikhim yung babaeng kausap ko. "I'm Stacey. Dash's childhood sweetheart and future wife." Pilit ngiti niya na pakilala sakin habang inilalagay ang bola sa gilid ng tyan. Kahit nakangiti siya sakin, kita kong inis na inis siya sakin. Dash? Yung madaldal? Napatingin ako sa gilid ng may nagsalita."Stacey, don't bother talked to that nerd. Let's start the game." Mataray na sabi nung babaeng nakaponytail. Inakbayan niya si Valkyrie bago hinila sa direksyon ko. Tinulak niya si Valkyrie papunta sakin. Wala akong nagawa kung hindi saluhin siya kasi tutumba siya sa sahig. "So, here are the rules: the two of you will team up against the rest of us." Nakangisi niyang sabi habang pinaglalaruan ang bola gamit ang isang kamay. I sighed. I know this won't be a normal game, tsk. "That sounds unfair." Maikli kong sabi. Lumawak ang ngiti niya bago kami pinalibutan. Bale anim sila ngayon at lahat babae. Tatlo ang pumunta sa harap namin at tatlo din sa likod. "It's not. We're just having fun." Demonyong ngisi na sabi niya. Go to hell. "Brielle, I'm sorry. Nadadamay ka pa sakin" Rinig kong nagaalalang sabi ni Valkyrie. Tiningnan ko siya. Kagat kagat niya ang labi niya habang papaiyak na. "Don't apologize. Wala kang ginawa." maikli kong sabi habang tumitingin sa harap. Nasa harap namin ngayon yung bully ni Valkyrie, yung nakaponytail. "By the way, my name is Daisy. I'm confident you won't forget it, Brielle." Pakilala nung nakaponytail. Ibinato niya ang bola sa direksyon ko. Puntirya niya ang mukha ko kaya agad akong umilag. Tiningnan ko kung paano tumalbog yung bola bago tiningnan yung babaeng nagpakilalang Daisy. Kung tumama yun sakin, paniguradong pasa ngayon ang mukha ko. Just what did I do to her? May galit kung bumato ehh. "Ouch...!" Napatingin ako kay Valkyrie ng dumaing siya. Agad na nagsalubong ang kilay ko ng nagtawanan sila. Binato kasi ni Daisy si Valkyrie sa noo, eh hindi naman counted yun kasi nililimot pa nung nasa likod namin yung bola. "HAHAHA look at her face. It's priceless!" Utas sa tawa na sabi ni Daisy habang tumatawa ng pagkakapangit. Hinawakan ko si Valkyrie sa kamay. "Ayos ka lang?" Tanong ko, pinagmasdan ko ang mukha niya. "O-Oo" Pula yung gilid ng noo nya at may kaunting bukol. Malakas siguro ang pagkakabato. Kuyom kamao kong tiningnan si Daisy. I don't get her. She's so childish. "Out Valkyrie" Seryoso kong sabi habang pinupuyod nang buhok ko. "H-Huh?" Confused niyang sabi. Nilingon ko siya ng seryoso, "You're out." Nagulat siya sakin at astang magsasalita pero may sumingit sa usapan namin. "What do you mean by out? Hindi ko pa nga siya nababato ehh!" Maarteng pagsingit ni Daisy habang kumukuha ng dalawang bola sa dalawang alipores niya. "Tanga ka ba? Kababato mo lang sa kaniya ahh." Pangiiyamot ko kay Daisy. Hindi naman ako nabigo dahil tumalim ang tingin niya sakin. "What did you say, filthy nerd?" Kunot noo at umuusok na ilong niyang sabi habang tinatapon ang isang bola sa inis. "Hindi mo pakinig? Tanga ka na nga, bingi pa." Namula ang mukha niya sa galit. "Beat that f*cking b*tch to death!!!" Malakas niyang utos. "Ay ay~!" Nakangising sagot ni Stacey. Inilagan ko ang malalakas nilang bato sakin. Buti at nakalabas na si Valkyrie sa formation ng dogdeball. Halos ang pinupuntirya nilang lahat sakin ay ulo. Ilag lang ako ng ilag dahil may bumabato sakin sa left side at meron din sa right side. Ilang minuto na ang lumipas wala parin silang tigil sa pagbato sakin. Puno na ako ng pawis sa katawan habang naghahabol ng hininga. Tangina, wala bang aawat sa mga 'to? Kahit kasi magpa-out na ko ngayon, hindi nila ako hinahayaan dahil ulo ko ang puntirya nila. At kung wawasikin ko lang ang bola gamit ang braso, pasa lang ang aabutin ko. Pinunasan ko gamit ang likod ng kamay ang gilid ng mukha ko habang may mapangasar na ekspresyon na nakatingin kay Daisy. "Tired, Daisy?" I asked. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa niya akong napatay. "Argh!! You're so f*cking dead b*tchhh!!!!" Sigaw niya bago ibinato ang huling bola na hawak hawak niya papunta sa direksyon ko. Iilag pa sana ako pero may tumulak sakin mula sa likod. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatingin dito. Isa sa mga alipores naman ni Stacey yung tumulak sakin, ng napatingin ako sa direksyon ni Stacey, she mouthed 'Your dead, b*tch' noted nakangiti pa ha. Ang plastic. Napatingin ako sa una ng maramdaman kong walang bola na tumama sakin. Ramdam ko rin na parang natahimik ang paligid. Napakunot ang noo ko ng may makita akong lalaki na nakatayo sa unahan ko. "Aren't you a little unfair, Daisy? one vs. six?" Nakangiting sabi ni Dash bago binitawan ang bola na sinalo niya. "Won't you mind if we join in?" Nakangiti niyang sabi. Napakunot ang noo ko. We? Napatingin ako sa gilid, nakita ko si Valkyrie na kumakaway habang hawak hawak ang ice pack sa kabilang kamay. Katabi niya ang tatlo pang miyembro ng A4. "N-no thanks, Dash. Tapos na naman din kaming maglaro... We're just having fun." Pilit ngiti na pagsingit ni Stacey habang nilalapitan ang direksyon ni Dash. I have no encounter against Dash. Why is she bothering me? Tumingin ako sa likod at nakita si Daisy na salubong ang kilay kay Caspian na parang nagtataka sa kilos nito. "Then, aalis na kami. It's lunchtime after all." Hinila ako ni Dash bago dinala sa mga kasama niya. "Are you okay, Brielle?" Valkyrie. Napatingin ako sa kaniya, agad kong niling ang ulo ko. Napatingin ako sa gilid ng may mabigat na braso na umakbay sa balikat ko. "Hey, i just saved your ass. Aren't you going to say thank you?" Nakangisi sakin na sabi ni Dash. Tiningnan ko siya. "Thank you." I said while looking plainly at his eyes. His eyes widen. "I'll excuse myself." Aalis na sana ako ng hawakan ni Dash ang kamay ko. "Wait!" pigil niya sa paglalakad ko. Taka ko siyang tiningnan. "Come with us, we're having---" Pinatahimik ko siya. "I'm okay. I'm good." putol ko. "......" natahimik siya at parang nadismaya. Naglakad na ako papaalis. Nasa may pinto na ako pero narinig kong dumaing si Valkyrie. "Hala ! Yung tuhod mo? Dumudugo ohh." Napatigil ako dahil sa sinabi ni Dash kay Valkyrie. Nilingon ko sila, dumudugo nga yung tuhod niya. "It's okay." Sagot niya. "Tsk... Pabida pa kasi." Pagpaparinig ni Caspian. Pabida? Tinawag ba ni Valkyrie ang A4 para tigilan ako nung mga babaeng yun. "Wow. Nahiya naman ako sayo. Ikaw ang rason kung bakit nabubully ako!" Inis na singhal ni Valkyrie. "It's your fault! Kababae mong tao, nananapak ka ng lalaki?!" Ganting singhal ni Caspian. "Eh ikaw ano!? Kalalake mong tao, naninigaw ka ng babae!!" Unuusok sa inis na ganti ni Valkyrie. "That's enough," si Vladimir. Inawat niya yung dalawa na nagsasamaan parin ng tingin sa isa't isa. Nilingon niya ako. "Para kayong aso't pusa ehh" Inis niyang sabi habang pinaglalayo yung dalawang nagbabangayan. "Tsk/Tss!" Sabay nilang singhal. *** Nakaupo ako ngayon sa mini couch, nasa headquarters ako ng A4. May lima na mini couch, pero dahil anim kami---ako, si Valkyrie, si Dash, si Vladimir, si Caspian at si Xyvill. Ang sososyal ng apat nato. Talagang may sariling tambayan ehh. May isang nawalan ng pwesto at si Dash yun. Nakasandal ngayon si Dash sa mini couch na inuupuan ko. Taka rin ako sa lalaking 'to sa lahat ng upuan na pedeng sandalan sa inuupuan ko pa. "Why did I end up coming here again?" I whispered while letting out a big sigh. Kumakain ng ice cream si Valkyrie at relax na relax lang. Samantalang si Caspian may hawak na cellphone, mukhang naglalaro dahil naka landscape ito. Si Xyvill naglalaro naman ng rubix cube na 10x10. Tuwing naaayos na niya yung mga kulay guguluhin niya ulit para buuin. Tapos si Vladimir---"Our food is here." umorder ng pagkain. Ibinaba niya ang pagkain sa table na gawa sa glass. Bale yung table ay pinaggigitnaan ng limang mini couch na pinag-uupuan namin. "Let's eat!" malakas na sigaw ni Dash bago pandaling binuksan ang inorder ni Vladimir na pagkain. Tumayo ako at tiningnan si Vladimir. "I think I need to go home. Again, thanks for earlier." Natahimik sila, astang aalis na ako pero "Kain ka muna, Brielle---" Pinutol ko si Valkyrie. "I'm not hungry" Napayuko siya sa sinabi ko at natahimik. "Hey..." Napatingin ako kay Caspian ng bigla siyang tumayo at nagsalita ng seryoso. Tumayo siya sa harapan ko bago lumapit sa mukha ko. Tiningnan niya ako ng masama. "She's your friend. Why are you like that?" Bulong niya sa tainga ko. "She's not my friend" Malamig kong sabi. Mukhang narinig ata nilang lahat. Tumalim ang tingin sakin ni Caspian. "Oh?" Ramdam ko ang inis sa boses niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko."Weren't you aware that nadapa siya kahaha ap samin para lang maligtas ka kanina?" He asked me seriously. "Did I asked for help?" Tanong ko. Ramdam kong nasaktan si Valkyrie sa sinabi ko. Tumalikod na ako at naglakad papalabas. Umalis na ko sa headquarters nila at hindi na sila tinapunan ng tingin. This is so annoying. I don't want to open my heart again. I can't open my heart again. That feeling is so unpleasant. Just like what they did to me. It's. It's so unpleasant that I can't get it out of my head. "Kalma, Brielle. Kalma..." Bulong ko habang sinusubukan pigilan ang sariling magluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD