Chapter 7 - Vending Machine

1996 Words
Nasa library ako ngayon. Nagtatago kila Stacey at sa minions niya. Nakaubob ako ngayon sa table at nakaidlip. Habang nakapikit ako. Ramdam kong may umupo sa dulo ng long table. Hindi ko na lang ito tinuunan ng pansin dahil baka nag-rereview o nag-aaral lang yung tao. Malapit na din kami ang exam. Habang natutulog, naistorbo ako ng may yabag na lumapit. "Xyvill," Rinig kong sabi ng pamilyar na boses. "What are you doing?" Daisy. Si Xyvill ang tumabi sakin? Kahit medyo nagtataka ako kung bakit siya nandito, hindi ko na lang ito tinuunan ng pansin. Ramdam kong hindi sumaagot si Xyvill. Sinilip ko sila. "Why aren't you with the A4? Do you remember me, I'm Daisy. We've been classmate since grade seven, so I probably think that you knew me---" Napatigil siya sa pagsasalita ng marinig kong binara siya ni Xyvill. "But I don't know, and I don't give a f*ck" Wow. That's harsh. Kita kong parang may kung anong dinadrawing si Xyvill sa sketch paper. "Pft.." Priceless yung reaction ni Daisy. Namumula siya sa hiya habang halatang inis na inis kay Xyvill. Pinikit ko ang mata ko ng mapalingon si Xyvill sa direksyon ko.*slaamm!* "You---You can't humiliate me like this!" Hinampas niya ang table kaya medyo nakuha ata nila ang atensyon ng ibang tao. "Don't act like this! I knew you for years!!" Inis na sabi niya. "Oh, really?" Bored at mukhang hindi interesado na sabi ni Xyvill. "Really! You become a famous child star model when you were 7. Then you mastered piano and violin when you were 12. Then you won a prize in the robotics competition when you turn 14---" Napatigil siya sa pagsasalita ng nagsalita si Xyvill. "You seem to have forgotten something about me." "What?!" "You forgot to mention that I was awarded the title of the most handsome face in the industry." Malamig pero mukhang nagmamahangin niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa sagot niya, biglang nag flashback sa utak ko yung sinabihan ko siya na 'Handsome'. Sinilip ko siya pero agad akong napapikit sa gulat ng makita ko siyang nakatingin sakin. "Y-you. You..." Daisy. Sinilip ko si Daisy. Are they flirting or something? Tsk. "Y-You're right... By the way, Xyvill. Are you free on Sunday?" Wow, ang bilis niya ibahin ang topic ah. Atsaka ba, kala ko ba si Caspian ang bias niya? Tsk. Hindi siya pinansin ni Xyvill bago tumayo sa pagkakaupo. "Heyy! Xyvil--" Umayos na ako sa pagkakaupo ng makitang wala na sila. Nag unat unat ako ng katawan. Kanina... Did I saw it right? Bakit parang ako yung pinatatamaan ni Xyvill eh. Iniling ko ang ulo ko. Hay, Brielle. Wag ka ngang assumera. Sa itsura mo ngayon, imposibleng isipin niya na ako yung babae dun sa timezone. *** "Class, good morning." Sabi ng teacher namin. "Before we started the class, let me introduce someone..." Panimula ng teacher. May hawak akong ballpen at ito ay pinaglalaruan. "He's late enrollee." Dagadag pa niya. "Mr. Mendoza, pasok." Mendoza? Halos mamilog na ang mata ko ng makita si Liam na nakangiting pumapasok sa classroom na para bang may hinahanap. Nang mapadako ang tingin niya sakin, kinindatan niya ako. Laglag panga ko siyang tiningnan. How did he---?! "Hi! My name is Francis Liam Mendoza. Please take care of me." Nakangiting pakilala niya sa gitna. Dahil sa pagkakanganga ko hindi ko narealize na nahulog na pala ang ballpen na hawak hawak ko. Bumalik ako sa reyalidad ng biglang nag-iritan yung mga babae. "Eykkkkk!" Girl 1 "He looks like an angel!" Girl 2 "His smiles melt my heart!" Girl 3 "Quiet, girls!... Take your seat, Mr. Mendoza" Sabi ng teacher sa harap. *** Recess na. Agad na akong lumabas ng classroom. Nakakalimang hakbang pa palang ako sa corridor ng marinig ko ang boses ni Liam. "Aza!" Rinig kong masiglang sabi niya habang isinisigaw ang pangalan ko. Agad akong nataranta ng unti unting nagtinginan samin yung mga tao. Agad kong tinakluban ang bibig niya. "Don't shout my name." Inis na sabi ko dahil kasunod lang niyang lumabas yung A4. Nagsalubong ang kilay niya, at tila ba'y nagtataka. "Wahhy---" Liam. "Call me Brielle here." Sabi ko habang nililingon ang direksyon nila Dash. Mukhang may iba silang ginagawa at pinaguusapan pero si Xyvill nakatingin samin, pero hindi ko mabasa ang expression niya. "Owkhay... Owkhay!" Binitawan ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad, ramdam kong nakasunod lang siya sa likod ko. "Gabrielle---" Liam (OvO) "Brielle... Brielle, Brielle!!" Inis kong bulong. Malawak niya ako na nginitian. "Okay, Gab." Ngingisi ngisi niyang sabi na tila ba'y nangaasar. Damn. Just damn. He's so damn childish. He's ruining my quiet life. Nagbuntong hininga ako bago siya nilingon. "But it wasn't that bad after all" Tumaas ang sulok ng labi ko habang pinagmamasdan siyang lumayo. I'm happy to have him on my side. *** *Someone placed a tray on the table* Napatingin ako sa kaliwa ng makita si Valkyrie. "Hi, Brielle~!" Nakangiti niyang bungad sakin. Napatigil si Liam sa pagkagat ng sandwich. Nilingon niya si Liam bago tinaasan ng kilay. "Sino siya?" Taka niyang tanong. "I'm Francis Liam Men---" Pinutol ni Valkyrie si Liam. "I know." Taas kilay na sabi ni Valkyrie. Napataas rin ang isang kilay rin Liam habang siya ay tinitingnan. Isinandal ko ang likod ko sa upuan para makapag-usap sila ng ayos. "Then why are you aski---" "Ikaw ba ang kausap ko?" Mataray na sabi ni Valkyrie. Medyo nagtaka ako sa ugali niya kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito. Napatigil sila ng may magbaba ng mga tray sa harap ng mesa namin. Medyo nagulat ako ng makita ang A4. "Do you mind if we sit here? There's no vacant seats left." Sabi ni Dash habang naghihila ng silya, si Vladimir nakatayo pero si Caspian at Xyvill nakaupo na sa harap namin. Bale nasa harapan ko si Xyvill at katapat ni Valkyrie si Caspian. Tumingin ako sa paligid, maraming nakatingin sa direksyon ng A4 habang kinikilig. Tiningnan ako ni Liam at kinausap sa mata. "Kala ko ba iniiwasan mo sila?" Senyas niya gamit ng mata. "Ala, pabayaan mo na" Senyas ko rin habang nakakunot noo. Nilingon ni Liam si Dash. "Yeah, sure. Seat." Maikli niyang sabi. Habang kumakain kami, walang nagtatangkang magsalita kasi ang A.W.K.W.A.R.D. "Brielle," Pambabasag ni Valkyrie sa awkward na atmosphere. Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. "Pupunta kami sa sinehan. Merong biniling tickets si Kuya, labis ng isa. I want us to spend time together! Can you come with us?" Tanong niya habang nagpupuppy eyes. Pinaglaruan ko yung straw na hawak hawak ko. "When?" Tanong ko. I also want to talk to Vaughn Angelo. I have to continue my conversation with him. I had to show him that I wasn't worthy to be Valkyrie's first and loyal friend. I have to make him Valkyrie stopped bugging me. Kita kong nagliwanag ang mukha niya. "Sa October 14!" Excited niyang sabi. "Sig---" Sasangayon na sana ako ng biglang magsalita si Liam. "October 14? We have plans to do that day, Gab." Nakangiting sabi sakin ni Liam habang pinagkakadiinan yung word na Gab para iremind na tine-threaten niya ako na wag sumangayon. Tiningnan ko si Valkyrie, tila naguguluhan siya dahil tinawag ako ni Liam na Gab. Pero ng makita niya ako, nginitian niya ako at hinintay ang sasabihin ko. "I can't come, Valkyrie. I'm sorry." Kita kong nadismaya ang ekspresyon niya. Bumalik yung awkward na atmospera. Tahimik parin na kumakain yung A4. Tapos masigla lang na kumakain si Liam samantalang matamlay naman si Valkyrie. Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Liam. To Liam: Childish. Pagkatapos ko maitype yun, agad ko itong sinend sa kaniya. Rinig kong nag *tweet!* yung cellphone niya. Ibinaba ko ang cellphone ko sa mesa bago kinain yung burger na binili ko. Nakakadalawang kagat palang ako ng marinig ko itong magnotif. *Tweet!* Tiningnan ko si Liam. Ibinaba niya rin ang cellphone niya sa table bago nagpatuloy ng pagkain. Binuksan ko ang cellphone ko. From Liam: Just reminding you. Malay ko ba't nakalimutan mo. (▰˘◡˘▰) Nagtype ulit ako sa keyboard ng cellphone ko bago sinend sa kaniya. *Tweet!* To Liam: From what I remember ang sabi ko sayo pagiisipan ko pa ahh. Ibinaba ko ang cellphone. *Tweet!* Tiningnan ko ito. From Liam: C'mon, Aza. It's been a long time since we hang out. o(╥﹏╥)o Tiningnan ko siya. Nagtatype parin siya sa cellphone habang umiinom ng chocolate drink. *Tweet!* Tiningnan ko ang message na sinend niya sakin. From Liam: Atsaka pag hindi ka umattend mawawalan ako ng partnerrr! Hindi ka na ba naawa sakin?! Sa gwapo kong 'to?!! Walang partner?! Pagti-tripan ako ng mga kaibigan koo! (╥﹏╥) (╥﹏╥) "Pftt." Tinakpan ko ang bibig ko habang tinitingnan yung sandamakmak na crying emojis na sinesend niya. "Edi pumunta ka sa mga babae mo" Bulong ko pero sapat na para marinig niya. Ramdam ko siyang napatingin sakin. "Ayoko ko, ikaw lang gusto ko." Pang-aasar din niya. Yuck, ulul! Sinipa ko ang paa niya ng malakas. Ramdam ko siyang napadaing. *Tsik! Tsik!! Tsik!!!* Napatingin ako sa harap ng makitang bored na tinutusok ni Xyvill yung salad. Medyo nagulat ako ng bigla siyang nag-glare sa direksyon ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkagoose bumps ako. *** Nasa cafeteria ako, lunch time na. Nasa harap ako ngayon ng isang vending machine. Kaiinsert ko lang ng pera ko sa cash validator. Gumalaw na yung chocolate bar, malalaglag na sana ito ng bigla itong tumigil bigla sa kalagitnaan ng proseso. Kumunot ang noo ko. "Tch... Malaglag ka..." Bulong ko habang pinepress yung button. Kahit anong gawin ko, ayaw pumatak nung chocolate bar. Tskk! Habang busy ako sa pagpress ng button. May nakita akong anino na nakatayo sa likod ko pero hindi ganon tinuunan ng pansin. Kasi baka nakapila lang sa likod ko. *BAANG!* Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may kung sinong sumuntok sa vending machine dahilan kung bakit nagpatak yung chocolate bar ko sa pick-up box with drop sensor. Huminga ako ng malalim bago napatingin dun sa kamay nung lalaki. Hula ko lang na lalaki siya. Matangkad, parang hanggang dibdib niya lang ako. Tapos malaki, maputi at ma-ugat ang kamay. Medyo napasinghap ako kasi ramdam kong lumapit siya, ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Tila pinutulan ako ng hininga ng tumuon siya papalapit para kunin yung chocolate bar ko sa pick-up box with drop sensor. Dahan dahan ko siyang hinarap. Si Xyvill... Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan ng magtagpo ang tingin namin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Unti unti na siyang lumayo sakin. Tumingin ako sa gilid, at huminga ng malalim. s**t, he gives me a scare! "Here," Inabot niya sakin yung chocolate bar. Kinuha ko ito, napatingin ako sa kaniya ng magsalita ulit siya. "That machine is broken, don't use it next time." Sabi niya habang nagi-insert ng pera sa katabing Vending Machine na gamit ko. Ng makuha niya yung chocolate bar niya, umalis na siya. Samantalang ako, naiwang nakatayo at nagtataka. What makes him seemed so angry? *** "Aza," Tawag ni Liam habang naglalakad kami pauwi. Ayaw umuwi ng lalaking 'to sa kanila. Nagdadrama siya sa harap ni mama kahapon na sa bahay na lang daw namin siya tutuloy dahil tinakwil na siya ng pamilya niya. Tsss. Maybe it's because of his sudden transfered to our school. Liam was Mama's nephew. However, we are not biologically related as cousins. "Bakit" Bored kong sabi habang nakahawak sa magkabilang tali ng bag. Kanina pa siyang patingin tingin sa likod namin na para bang may minamatyagan. "Why does she keep following us?" Nginuso ni Liam ang direksyon ni Valkyrie na ilang kilometro lang ang layo samin. Tiningnan ko siya, nakapout siya habang nakasuod. Hindi niya kasama ang kuya niya ngayon. Tumingin ako sa harap. "She's not following us... Katabi ng apartment namin ang apartment nila" Sabi ko para matanggal ang pagkaconfuse sa itsura niya. Unti unti siyang napatango. "Then is she your friend?" Tanong niya ulit. "I don't have friends, Liam." Bored kong sabi, ramdam ko siyang napatigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD