"I-I'm not..!" Nag-iwas ako ng tingin. Napasinghap ako ng hinawakan niya ang baywang ko at hinila papalapit. "Don't move. He'll notice." Magkadikit ang mga balat namin dahil hinila niya ako papalapit. Why do I feel that he's smirking? Tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sakin. Nagsimulang mamawis ang noo ko dahil sa sobrang init. Kulong kasi kami sa makapal na kumot. I flinched when Noah talked again. "Are you with someone, Xyvill?" Nanlaki ang mga mata ko. Sensitive kasi 'tong si Noah. Kumpara sa normal na tao, mas matalas ang six senses niya. Tiningnan ko si Xyvill, at inantay ang kaniyang isasagot.
Pero hindi siya umimik. Hinampas ko ng mahina ang dibdib niya kasi pag hindi siya umimik, parang inamin na din niyang may kasama siya sa kama. "Hngg!" He grunts in pain. Napalakas ata. "Sumagot ka." He confusedly looked at me. Mukhang hindi ako narinig. Ang sarap sapakin ng lalaking 'to. "Xyvill," Ibinaling ko ang ulo ko sa likod ng marinig kong magsalita si Noah. "I'm not planning to watch a live p*rn." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko rin ang pag-init ng aking pisnge sa sinabi niya. "If you're planning to make out. Don't do it here." Dagdag pa niya. Napatingin ako kay Xyvill ng gumalaw ang kumot.
Naniningkit ang kaniyang mga mata at mahina siyang tumatawa habang nakatingin sa reaksyon ko.
Kinurot ko ang abs niya. Sh*t, ang tigas. Siguro ang dating sa kaniya, pinisil ko lang yun. Namula ako saglit dahil sa aking iniisip. Napasinghap ako at halos hindi na makahinga ng lumapit si Xyvill sakin. "How's my abs, is it firm?" He asked in a sexy voice, I can feel his hot breath. Lalong naging kamatis ang kapulahan ng mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago kinurot ang dibdib niya, "Ingg!... Easy baby." Bulong niya habang nakataas ang sulok ng labi. Kinagat ko ang labi ko at ibinaba ang aking tingin, damn this man. Inaasar niya ako. Napatingin ako kay Xyvill ng sumagot siya sa sinabi ni Noah.
"Don't mind us. We will do our best to keep quiet." Nanlaki ang mga mata ko, ano raww?! Nagsalubong ang aking kilay at confuse siyang tiningnan. Nginisian niya lang ako at tinaasan ng kilay. Nilapitan ko siya at bumulong. "What are you doing." Napatingin ako sa adams apple, gumalaw kasi eto. Kita ko kung paano ito bumaba at tumaas. Napatitig ako rito, parang ang sarap hawakan. Napaantras ako ng kaunti ng lumapit siya. "Wait" He said in a faint voice. Napatingin ako sa likod ng maramdaman kong gumalaw si Noah. "Fine. Since the two of you don't want to adjust. I will adjust myself." Mukhang inis na turan ni Noah.
Humarap ako sa likod at binuklat ng kaunti ang kumot bago siya sinilip. Ginulo niya ang kaniyang buhok bago lumabas ng kwarto. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Anong gagawin nun? Sa labas matutulog? Nang maisara niya ang pinto. Tinanggal ko ang kumot na nakataklob sa katawan namin ni Xyvill bago nakahinga ng maluwag. I thought mahuhuli niya kami. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang hininga ni Xyvill sa batok ko. "Why did you climb on my bed?" Nanlalaking mga mata ko siyang tiningnan. "A-Anong climb climb? Kamalayan ko bang may nakahiga, nagtago lang ako ehh!" Nakabusangot kong paliwanag.
"Don't pout" Seryoso niyang sabi pero hindi ko siya sinunod, pake mo ba? "Hahalikan kita ehh." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Sumandal siya sa headboad ng kama habang titig na titig parin sakin. Napatingin ako sa katawan niya. Yan na naman ko, yung walo niyang pandesal, nakaflex ehh ano. Ramdam kong nangamatis ang magkabilang pisnge ko. "... Eh-Ehh sorry! Kanina kasi, nasa kwarto kasi ako nila Liam. Ang pagkakaalam ko 30 minutes pa before checking sa mga rooms pero napaaga pala." Pagiiba ko ng topic habang nagiiwas rin ng tingin.
Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. "What are you doing in their room?" Kaniyang tanong na para bang pagalit. Hindi ko alam pero napalunok ako wala sa oras. Bakit mo tinatanong? Boyfriend kita? T__T "W-wala lang, tumambay." Maikli kong sabi, lalong nagsalubong ang kilay niya. Tinitigan niya ako saglit pero nag-iwas ako ng tingin. Parang gusto akong lapain ng buhay ehhh. "Don't do that next time." Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "Bakit naman? Kaibigan ko naman yun." Pagdadahilan ko habang salubong ang kilay. Tumaas ang kanang kilay niya sakin.
"Kaibigan mo nga. Pero lalaki yun." Kunot noo niyang saad. Para siyang tatay na nanenermon sa anak na wag pumunta sa bahay ng jowa, tsskk. "Ang OA niyo naman. Pati sila Liam, ganan din reaksyon ehh. Eh wala naman kaming ginawang masama ahh. Nag-usap lang nga kami ehh." Actually, si Vladimir talaga ang kinausap ko ehh hindi si Liam pero syempre hindi ko na sasabihin yun kasi lalo siyang magagalit, tskk. "Atsaka tayo ohh. May ginagawa ba tayo? Nag-uusap lang tayo ohh." Dagdag ko pa. Napalunok ako ng ilang beses ng tumaas ang sulok ng labi ni Xyvill. Nag-iwas ako ng tingin, bakit parang may sinabi akong mali?
Atsaka yung killer smile niya---I mean yung sulok ng labi niya. Tsaka lang yun tumataas pag may naiisip na kalokohan ehh. "Then gusto mo... may gawin tayo ? Dito sa kwarto?" What? Nanlaki ang mga mata ko. Napaantras ako ng lumapit siya. Nakaupo kasi ako sa gilid ng kama habang siya naman nakasandal sa headboard pero unti unti niya akong nilapitan. Napalunok ako ng makitang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Gusto mo ba? Para naman... worth it din ang pagbigay satin ng oras ng ex mo." Bulong niya ng may nakakalokong ngisi sa labi. Namula ang mukha ko,
"En-Enough! Inaantok na ako!" Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama niya. "Babalik na ako sa room namin," Napapalunok kong sabi habang pinagmamasdan siyang tumayo. Napatingin ako sa katawan niya, tanging white panjamas lang ang suot niya at mukha walang balak magsuot ng pang itaas na damit. Iniwas ko ang aking tingin sa walo niyang pandesal bago kaagad na inayos ang salamin. Agad na akong nagdaretso sa pinto ng kwarto. "Wait, Brielle. I forgot to tell you something." Pigil sakin ni Xyvill habang nagbubukas ng pinto pero saglit ko lang siyang hinarap bago sumagot.
"Bukas. Bukas na ulit!" Mabilis kong sabi. Pagkabukas ko ng pinto. Napataas ang tingin ko ng may pigura ng tao na nakatayo. Agad na nalaglag ang mga panga ko ng makita ko si Noah na nakatayo. Umiinom siya ng tubig pero napatigil siya sa paginom ng makita ako. Mukhang binabalak na niyang pumasok. Nanlaki ang aking mga mata. Habang siya ay pinababalik balik ang tingin sakin at kay Xyvill. "......" Walang ni isa sa amin ang umimik. Nanatili kaming tatlo na tahimik. Nag-iwas ako ng tingin ng dinaretso na ni Noah ang tingin sakin.
Dahan dahan kong nilampasan ang direksyon ni Noah. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto namin pero nakalock parin. *Bang! Bang!* Kinalabog ko ang pinto namin. Sinilip ko ang direksyon nila Noah. Nagtititigan sila. Ilang beses akong napalunok. Halos makahinga ako ng maluwag ng magbukas ang pinto. "Where have you been?! Nagkachecking kanina! Kung hindi ko smart at hinayaang bukas ang shower kanina baka napansin nila na wala ka! Kung gusto mo madetention, wag mo ko idamay---Ohhh hey there Xyvill! Damnnn. I love your abs---"
Nawala ang pagiging tigre sa mukha ni Daisy ng makitang hubad si Xyvill habang nakasandal sa pinto at nakikipagpalitan ng tingin kay Noah. Kagat kagat niya ang kaniyang labi habang itinataas baba ang tingin sa katawan ni Xyvill na para bang gustong kainin. Tusukin ko kaya mata ng babaeng 'to? Agad kong tinulak si Daisy papasok. Talagang ang talas ng mata ehh ano? Pagkapasok namin, agad kong inilock ang pinto. Agad kong hinarap si Daisy. "Ba't ba nakalock ang pinto kanina?" May halong inis kong tanong. "Duh! Nagbibihis kaya ako." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pigilan niyo ko... sasapakin ko talaga ang babaeng 'to.
"Ehh ikaw?!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumigaw si Daisy sa akin. "Bakit mo ko tinulak papasok?! Ni hindi ko pa nga napipicturan ang katawan ni Xyvill ehh! Nakakabad trip ka!" Mataray niyang sigaw. Seryoso, muntikan na akong mahuli kanina sa checking ng dalawang beses dahil hindi niya binubuksan yung pinto tapos yung concern niya katawan ni Xyvill? "Aishhh! Ang unreasonable mo, bahala ka jan. Matutulog na ako!" Inis kong sabi, inirapan niya lang ako. "Talagang matulog ka! Pasalamat ka, pinagbuksan pa kita ng pinto ehh." Napapairap sakin niyang saad bago pumunta rin sa kama niya. Lihim ko rin siyang inirapan. Kininginang maldita ng babae 'to. Talagang expert sa pagpapainit ng dugo ko ehhh.
***
Third Person's POV
Nanatiling nasa ganong posisyon si Noah at Xyvill. Pero, naputol lang ang kanilang pagtitigan ng unang nag-iwas ng tingin si Noah. Astang papasok na si Xyvill pero napatigil siya ng magsalita si Noah. "You're with her?" Kunot noo niyang tanong. Xyvill tilted his head in Noah's direction. "Why?" Hinarap niya si Noah at tinaasan ng kilay. "Is there a problem?" Inosente niyang tanong gamit ang seryosong boses. Saglit na natahimik si Noah bago napatingin sa sahig. Hindi niya napansin na nalukot na pala niya ang bote na gawa sa plastik habang iniisip ang mapulang marka sa dibdib ni Xyvill. "What did you two do in the room?" Kaniyang tanong habang pumapasok at inilolock ang pinto. Napatigil si Xyvill sa paglalakad ng hawakan ni Noah ang braso niya.
Umaktong confuse si Xyvill. "What do you think?" Unti unting tumaas ang sulok ng labi ni Xyvill ng nagsalubong lalo ang mga kilay ni Noah. "Ohh yeah, I owe you one. Thanks for giving us time." Nakangisi niyang sabi bago tinanggal ang kamay ni Noah na nakakapit sa kanang braso niya. Hindi namalayan ni Noah na nalukot na niya ang bote na gawa sa plastik. Pirat pirat ito at gumagawa rin ng tunog. "Man, I need to take a shower." Pinanood ni Noah si Xyvill sa kumuha ng itim na towel sa cabinet at pumasok ng banyo. Nag-igting ang mga panga ni Noah. Iniyuko niya ang kaniyang ulo at walang nagawa kung hindi tiningnan ang bote ng plastik na kaniyang nilukot.
Brielle's POV
Nasa may dalampasigan kami ngayon. Ginagawa ang first activity. Beach cleaning. Dinampot ko gamit ang grabber tool yung green na bote na natatabunan na ng buhangin. "Ugh! It's so hot in here---" Pinutol ni Liam si Daisy sa pagsasalita. "Nye nye nye, it's so hot in here~ Caspian, how about we move to the retreat house~" Panggagaya ni Liam sa sinasabi ni Daisy. Sumama ang timpla ng mukha ni Daisy. Tiningnan ko si Caspian, hindi niya pinapansin yung dalawa at nagpapatuloy sa paglilinis. Ramdam kong nagpipigil ng tawa yung iba. Magkakasama kasi kami ngayon, ako, si Valkyrie, si Liam at syempre hindi mawawala ang A4. Di namin kasama si Noah, buti na lang.
Tinanggal ni Daisy ang kaniyang shades bago naniningkit ang mga mata na tiningnan si Liam. "Don't mock me!" Inis niyang sabi. Sumabat si Valkyrie. "Ehh kamock mock ka naman talaga ehh! Kami, pawis na pawis tas panay ng linis dito samantalang ikaw, nakatambay lang jan habang may hawak na payong?!” Reklamo ni Valkyrie habang tinuturo si Daisy gamit ang kaniyang hawak na grabber tool. Grabber tool ang ginagamit naming pangdampot sa mga basura. "The hell you care ba?" Inirapan ni Daisy si Valkyrie bago tinalikuran.
Iniling ko lang ang aking ulo at nagpatuloy sa pagdampot ng basura. Kita kong ganon din ang ginawa ng iba. Saglit akong napatingin sa direksyon ni Daisy dahil natahimik na rin siya sa wakas. Dahil dinededma siya ni Caspian kala ko lulubayan na niya kami pero napakunot ang kilay ko ng makitang nilapitan niya ang direksyon ni Xyvill na tahimik rin na naglilinis. Napatigil ako saglit sa pagdampot ng basura. Naningkit ang mga mata sa direksyon nila.