Chapter 2 - Bullies

1998 Words
"St. Ivis?!" Sabay nilang sigaw habang napapatayo. Napatingin siloa sa paligid ng magtinginan yung mga tao. "Ibig sabihin kaklase mo sila? Yung A4?!" Tanong niya ng pabulong habang tumitingin sa paligid, hindi nalang ako sumagot. "W-wow. Ang galing..." Rinig kong awkward na sabi ni Yasmin. Sa totoo lang di naman talaga kami kayamanan. Napasama lang ako sa golden section dahil sa talino na aking taglay. *Crassshh!* Nawala ang tingin nila sakin ng may eksenang nangyari sa gitna, tinunghay ko ang ulo ko ng marinig na may tray na nagpatak. Gumawa ito ng nakakabinging ingay na umagaw sa atensyon ng mga estudyante. Nakita ko yung dalawang lalaki na member ng A4 na nakatayo sa harap nung babaeng nalaglag yung tray, from what I remember, yung isa sa dalawang lalaki ay si Caspian, yung bad boy type na maangas ang dating. Samantalang yung isa ay si Vladimir, yung nerd type na gwapo. Tiningnan ko yung babae na nagpatak yung pagkain sa sahig, si Valkyrie. "Move" Kunot noong tinabig ni Caspian ang balikat ni Valkyrie. Napataas ang aking kilay. Paalis na sana si Caspian but I saw Valkyrie grabbed his wrist. "Aren't you going to say sorry?" Hinarap siya ni Caspian. "Why should I be sorry? You're blocking my way" Seryoso din saad ni Caspian. Nanatiling tahimik ang paligid. *Thwack!!* Astang aalis na si Caspian ng hinila ni Valkyrie ang braso niya bago sinapak. "Oww" "Ohhh" "Awww" Kutyawan ng mga lalaki habang umuusok naman sa galit yung mga babae. Napatagilid ang ulo ni Caspian, kita sa reaksyon niya ang gulat, hinawakan niya ang kaniyang labi. Salubong na kilay niyang hinarap si Valkyrie na masama ang tingin sa kaniya. "That punch is for wasting my food" Seryosong sabi ni Valkyrie bago iniwan siya sa gitna ng Cafeteria. "That crazy bit--!!" He was about to follow Valkyrie when Vladimir stopped him. "Enough already," Pigil ni Vladimir. "She f*cking punched Me! Didn't you see that!" Caspian. "Yeah, yeah. The impact of a girl's punch, a challenge to one's pride, is indeed a multifaceted matter." Hinila ni Vladimir si Caspian sa table ng magtotropa. "Childish..." Bulong ko habang naglalayo ng tingin, sinandal ko ang likod ko sa silya at nag unat. Napatingin ako kay Yasmin ng nag "Tsk, tsk tsk..." sya. Kita kong bahala parehas ang mukha nila habang nakatingin kay Valkyrie na bumalik sa counter para bumili ulit ng pagkain. "Her first day will be living hell..." Yasmin. I frowned. "Kasalanan niya din. To all of the people, why messed up with the A4." Umiiling naman na sabi ni Chloe. *** Naglalakad ako sa corridor. Nasa may locker area ako, bakit? Kumuha ng gamit. Pabalik na sana ako ng classroom pero nakita ko si Valkyrie na nagbubukas ng locker. Ilang hakbang ang layo namin. Hindi ko na sana siya papansinin pero nang maisara niya ang locker niya nakita niya ako, kinawayan niya ako bago ngumiti. Hindi ko siya pinansin bago naglayo ng mata. Kita kong pupunta siya sa direksyon ko ng may tatlong babaeng humarang sa direksyon niya. "You bitch..." Sabi ng babaeng nakaponytail. Napatigil ako sa paglalakad, hinarang kasi nila si Valkyrie.. "How dare you seduce Caspian!" Mataray niyang sabi. Sumagot ng pabalang si Valkyrie. "I seduce who? From what I remember, sinuntok ko siya." Umusok ang ilong nung babae. May bulIies din pala rito? Now, I don't know if transferring here was a good choice. Naglakad nako papaalis dahil malalate ako klase. Ramdam kong napasulyap si Valkyrie sa direksyon ko pero hindi ko na lang siya tinapunan ng tingin, nilampasan ko ang direksyon nila. Nakakailang hakbang pa ako ng---*Pakkk!* Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong may sinampal. Nilingon ang direksyon nila, sinampal ng babaeng nakaponytail si Valkyrie. Kita ko ang gulat sa mukha ni Valkyrie. Napakapit ako ng mahigpit sa isang libro na hawak ko. Why don't she fight back? Ang lakas ng loob niya kaninang sumuntok ng lalaki tapos magpapabully siya ngayon? Iling iling na ulo kong tinanggal ang tingin sa kanila. Nagdaretso ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa Classroom umupo na'ko sa silya ko at inubob ang ulo sa table. I don't know why my heart is heavy. Maybe because I felt bad leaving her there? Napatunghay ang ulo ko ng may nagbukas ng palad ko at nagbigay ng isang pirasong candy sakin. Tinunghay ko ang ulo ko, nakita ko yung isa sa mga A4, si Dash. Yung madaldal. "Here, ayos ka lang?" Nakangiting tanong niya. Tumingin ako sa paligid ng maramdaman kong may pumapatay na sakin sa tingin, yung mga babae kong kaklase, parang lalapain na ko ng buhay dahil sa sama makatingin. I sighed. Tumayo ako bago sumagot, "No thanks, I'm fine." Maikli kong sabi bago siya iniwan at naglakad palabas. I better not talk to them. *** Papunta ako sa restroom. Wala pa naman yung next subject teacher sa room kaya hindi na ako nagpaalam. Pagkarating ko restroom ng mga babae, astang bubuksan ko ang pinto ng---*Splaaaaasshhh!!* Parang may binuhusan na tubig sa loob ng restroom, itinigil ko ang pagpihit ng doorknob. "Valkyrie, right~, Kamusta yung tubig? Mabaho ba? Kasing baho mo diba?? hahahaha!!" Rinig kong pamilyar na sabi ng isang babae mula sa likod ng pinto, hula ko siya yung babae sa locker kanina. Umantras ako papalayo. Rinig kong nagtawanan yung mga babae sa loob na parang lalo pang inaasar si Valkyrie. Why isn't she fighting back? Iniling ko na lang ang ulo ko bago bumalik sa classroom. Pagkabalik ko sa Classroom, nakita kong may teacher na sa loob, magtatago pa sana ako ng--- "You're late" Dahan dahan akong humarap, yung teacher namin sa gen math. Teacher din namin siya sa Pre-cal kaya may subject siya samin ngayon. "Care to explain?" Taas kilay niyang sabi, napatuon ang atensyon ng buong klase sakin. Kita ko na pati yung mga A4, kumpleto. Ibinalik ko ang tingin sa Teacher. "I have an upset stomach Sir, I just went to the clinic." Pagdadahilan ko. "Tsk. Take seat, I'll mark you as absent next time!" Aniya bago ako tinalikuran. Napanganga ako. Absent?! Grabe naman! *** It's already lunchtime. Nasa rooftop ako ngayon ng school. Nakahiga sa wooden chair na mahaba, it's finally quiet. "Hah. Fresh air finally." Bulong ko. Binuksan ko ang notebook ko bago tinanggal ang salamin na suot suot ko, inigalay ko yung notebook sa mukha para ito ang matamaan ng sinag ng araw. Pinikit ko ang mga mata ko bago inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo. St. Ivis School... One of the top schools here in the country. From what I know, this School is known for its prestigious reputation. Nonsense. "But from what I see, this school is just trash with trash people" First day of school ko palang, nasaksihan ko ng may binubully. People who saw the scene are not interfering, parang normal lang sa kanila yun. Walang tumutulong, walang nagsusumbong. At imposibleng hindi alam ng mga teacher yun. "Nevermind. As long as I can hide in here" Ngunat ako ng katawan. Huminga ako ng malalim at astang tutulog na ng---"... Heyy. May bagong victim na naman sila Daisy." Rinig kong sabi ng isang lalaki, may mga yabag ako narinig na nagpasukan. Parang lampas sa dalawang tao. "Caspian, that fan of yours is quite scary." Rinig kong sabi rin ng isang pamilyar na boses na para bang nangaasar. Ibinaba ko ng kaunti ang notebook na nakalagay sa mukha ko at sinilip yung direksyon nila. May nakita akong apat na lalaki at kung minamalas naman oh, yung mga A4 pa. Naguusap sila sa habang nakasandal sa railings ng rooftop. Bale hindi nila ako kita dahil nasa tabi ako ng storage room, Nakatago ang pwesto ko sa pwesto nila. "That girl is not a fan but a creepy stalker!!" Inis na sabi ni Caspian na sinuklian ng pang asar na tawa ni Dash. "Speaking of girl, yung babaeng nabangga mo kanina. She's Daisy's new victim. I did a little background check. She's in our class. Her name is Valkyrie Houston... Her family owns 20 businesses in cebu." Vladimir said while fixing his glasses. "Wow, you stalked her? Interested ka?" Dash asked. "Interested? Tsk. I just find it hilarious that Caspian got punch by a weak girl" Sigaw niya. "Shut up, if you don't want to be punch for real!" Inis na sabi ni Caspian. Hindi pinansin ni Dash ang dalawa. Bago tiningnan si Xyvill na tahimik na nakaheadphone habang nakadungaw sa baba, parang sariling mundo daw walang kainte interes sa usapan ng mga kaibigan. "By the way, Xyvill." Tinanggal ni Dash ang headphone niya. "Don't you think your seatmate is also interesting?" Si Dash. Napaawang ang labi ko. Likod lang nila ang nakikita ko dahil nakakapit sila sa railings habang naguusap. Medyo nagulat ako ng biglang sumandal si Xyvill sa railings, kaya napatalikod siya at napaharap sa direksyon ko. Agad akong umayos ng upo at tinanggal ang tingin sa kanila. Muntik na niya akong makita. "She's not." Xyvill replied, kahit hindi siya madalas magsalita, I'm certain that that's his voice. "But I think she's interesting." Dash's voice. Siya yung nagbigay ng candy sakin kanina pero tinanggihan ko. Really? Tss. "Pano mo nasabi?" Rinig kong boses ni Caspian. "The way she looked at me..." Ramdam kong natahimik yung tatlo na para bang nag-aabang ng sagot kagaya ko. "Her eyes are giving me an uncomfortable feeling. It's the first time." Natatawa niyang sabi. Huh? Weird. "Since you're not interested in her. Can we switch our seats then? Gusto ko siyang maging katabi!" Ngisi ni Dash, "......" Ilang minuto ang lumipas pero hindi sumagot si Xyvill. Nagtaka ako. After a moment of silence, nagsalita na siya. "Let's go. We still have next class " Xyvill said, sinilip ko sila. Nakapamulsang iniwan ni Xyvill yung tatlo. *** Naglalakad ako ngayon pabalik sa apartment namin. Pagdating ko sa apartment namin, may nakita akong mga taong nagdadala ng mga malalaking kahon ng box sa tabing pinto ng apartment namin. Nakita kong saktong lumabas si Mama. "Ma, may lilipat dito?" Tanong ko sa kaniya habang tinuturo yung tabi ng apartment namin. Matagal tagal na kasing bakante ang pwestong yun, bali wala pang kumukuha simula ng lumipat kami. "Brielle, anak oo. Patinginan nga pala nung niluluto ko." Aniya habang dumadaretso sa elevator. May bibilhin siguro yun sa labas. Pumasok ako sa loob at binaba ang bag sa sala. Pumunta ako sa kusina bago binuksan ang takip ng kaldero, luto na yung carbonara kaya pinihit ko na yung gasul. Kumuha ako ng mangkok at naglagay dito ng carbonara, sakto yung pagdating ni mama kaya inutusan niya ulit ako. "Brielle, pagkatapos mo magbihis, magdala ka niyang carbonara sa bago nating kapit bahay ha." Utos niya. "Sige Ma." Sabi ko bago naglakad patungo sa kwarto ko. Pagkapasok ko, tinanggal ko ang salamin ko bago nagtanggal ng damit. Nagpalit ako ng oversize black t-shirt na plain at nagsuot ng grey na black panjama. Pagkalabas ko ng kwarto ko, kinuha ko ang carbonara na nilagay ko sa mangkok bago lumabas ng apartment namin. Tumayo ako sa gilid ng apartment namin bago nagdoorbell sa pinto nila. *Ding! Dong!* Habang nakatayo sa pinto, bigla itong bumukas at iniluwa ng isang lalaki. "Hi---" Masasalita sana ako pero napatigil ako ng makita ang mukha niya. S-Shit... Ang gwapo. "Do you need something?" He asked. Iniling ko ang ulo ko para maalis ang pagkatulala sa mukha niya. Bakit ang gwapo niya? No, no, no, focus... "Uh Hi... Here." I said habang inaaro ko ang yung carbonara. I want to slap my face right now, kelan pa ko natutong mautal ng ganito? Nang kinuha niya yung mangkok sa kamay ko, muli siyang tumingin sakin bago kumunot ang noo. Shit... That's illegal, kahit nakakunot noo siya----ang attractive parin. "Kuya, what's that?" Sabi ng isang boses babae. Hinawi niya yung kuya niya papunta sa gilid bago ako tiningnan, medyo nagulat ako ng makita si Valkyrie, gulat din siya na nakita ako. "Brielle? Is that you?" She recognizes me... that fast?! Unti unting siyang ngumiti pero nag-iwas ako ng tingin. Why is she here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD