Chapter 25 - Never I have ever

1717 Words
Pinuntahan namin sila Dash na nakaungkot sa hagdanan ng pool habang umiinom. Hindi tirik ang araw kaya masarap tumambay rito. "Hoy, sali!" Natigilan yung apat at napatingin samin. Dumako ang tingin ko kay Xyvill na umiinom ng alak sa isang baso, agad akong naglayo ng tingin ng mahui ko siyang nakatingin sakin. Unang nagsalita si Dash. "Wag naa, mamaya malasing ka pa at magkalat rito." Pangangatwiran ni Dash. Iba rin 'tong si Valkyrie. Carefree sa apat na'to. Nakaramdam siguro ng awkwardness si Dash dahil opposite s*x kami. "Mataas alcohol tolerance ko. Ako bahala dito." Turo ko kay Valkyrie na nakasimangot. Nagliwanag ang mga mata niya sakin. From what I know, Angelo said that I'm the first friend that Valkyrie treated with sincerity. "Pft." Halos lahat kami ay napatingin kay Xyvill ng marinig namin siyang nagpipigil ng tawa. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "You? Are you sure?" Tanong niya sa akin. May ilang butil parin ng tubig ang tumutulo sa buhok niya habang titig na titig sakin at hinihintay ang magiging response ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naalala yung nangyari sa party na pinuntahan namin ni Liam, yung masquaerade party. Yung time na nalasing ko sa padalawang shot. "Yes, I'm sure. At kahit naman malasing kami, tirik na tirik ang araw ohh." Pagdadahilan ko bago hinila si Valkyrie paupo sa gilid ng pool. Bali ang pwesto namin, si Xyvill nakasandal sa gilid ng pool habang nakalagay ang dalawang kamay sa samento, samantalang si Vladimir nakaupo sa tabi ni Caspian sa gitna ng hagdan kaya hanggang bewang ang tubig sa katawan nila. Tumabi kami ni Valkyrie kay Dash na nakaupo rin sa hagdan ng pool na hindi masyadong abot ng tubig. Kinuha ni Dash ang glass pitcher. "Then if you insist," Nagsalin siya ng alak sa baso. "The four of us are playing a game called never I have ever. So ganito yung game..." Nakinig kami ni Valkyrie kay Dash. "May questions na sasagutin about sa mga bagay na hindi niyo pa nagawa. If ever na nagawa niyo yung bagay na yun, iinom kayo." Nagnodd ako, madali lang pala. "Ahh sige, pano pipili, paikot?" Tanong ni Valkyrie, nagnodd si Caspian. "Pano naman yung Questions? Sino gagawa." Tanong ko. May kinuha siyang maliit na box sa gilid. "Bubunot dito." Sagot niya. Tumango ako. "Let's start with you Caspian, since you're the birthday boy." Saad ni Dash. Ibinigay ni Dash ang baso ng alak kay Caspian. Wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin ito. Atsaka niya inabot ang maliit na box na may laman na mga papel na itinupi sa maliliit na piraso. Nang bumunot si Caspian, binuksan niya ang papel at kunot noong binasa. "Never I have ever... watched p*rn?---Puta, sinong nagsulat nito?!" Hindi ko alam pero bigla na lang kaming napahagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ni Caspian. "Okay lang yan pare. Kami lang 'to. Wag ka mahiyang uminom." Nakangising asar ni Dash kaya lalo kaming naghagalpakan ng tawa. Pulang pula ang kaniyang mukha habang umuusok ang mga ilong sa galit. "Gago!" Inis niyang turan. Ng makarecover kami sa pagtawa, nagbuntong hininga ako. Hayyy. Ang saya pala ng game na'to. Itinapon ni Caspian ang laman ng alak sa samento bago patapon na ibinigay ang bago kay Vladimir na walang kahirap hirap na nasalo. Nang makuha rin niya ang mini box, agad niya itong binunot at binasa. "Never I have ever been in a relationship." Basa niya. Vladimir, tumingin siya samin bago buntong hiningang ininom ang laman ng baso bago ipinasa kay Xyvill, "Woah, Ikaw Vladimir, single since birth?? Kahit fling wala?!" Nage exaggerate na sabi ni Valkyrie. "Kawawa ka naman, ang lonely mo." Dagdag pa niya. Napabungisngis ako dahil halata sa mukha ni Vladimir na namula siya sa hiya. Wow, first time yun ahhh. Hindi kaya may gusto 'to kay Valkyrie. "Never I have ever..." Napatingin kaming lahat kay Xyvill ng sinimulan na niya basahin ang sunod na tanong. "... kissed a friend's ex." Hindi alam pero biglang natahimik yung atmosphere. Parang panandalian lumamig. Pinanood ko si Xyvill, ininom niya yung laman ng alak. Ibig sabihin, ginawa niya yun? Yun ba yung issue niya kay Caspian. Tinitigan ko siya, halos hindi ko siya mabasa basa, hindi ko alam kung totoo niya yun talagang ginawa o pinaninindigan niyang magmukhang walang kwentang kaibigan sa harap ni Caspian. Tiningnan ko ang reaksyon ni Caspian, wala siyang pakialam sa paligid at para bang hindi apektado. Tahimik lang si Dash at Vladimir. Si Dash, pinaglalaruan ang kaniyang mga kamay habang si Vladimir, nagtatampisaw lang sa tubig. Ipinasa ni Xyvill ang baso kay Valkyrie na mukhang naguguluhan sa atmosphere. "Bunot na'ko," Paalam niya. Pero tahimik parin yung apat. "Never I have ever... Never have I ever cheated on someone?" Confused niya kaming tiningnan. "Wala nga akong jowa, makapagcheat pa kaya?!" Naglighten na medyo ang atmospera dahil sa tinuran ni Valkyrie sa amin. Iniling ko ang aking ulo. Buti na lang nandito siya. "Bakit ba ganan mga tanong ha? Sinong nagsusulat niyan?" Curious niyang saad. Si Vladimir ang sumagot sa tanong niya. "Kaming apat. Nakalagay 'tong mini box sa hideout namin sa SIS. Tuwing naiisipan namin magsulat ng question about sa isa't isa. Isinusulat namin." Seryoso niyang saad. Ahhh, kaya naman pala. Napatingin ako kay Valkyrie ng ibigay niya sakin ang mini box. Kinalog ko muna ito bago bumunot. Binuksan ko ang pirasong papel na aking nakuha at binasa. "Never I have ever... have an unrequited love on someone?" Kunot noo kong tanong. Wow, ha. Kinuha ko ang basong ipinatong ni Valkyrie sa samento. Bago sinalinan at ininom. Bakit parang sakin talaga yung tanong? Pero gagi, ang tapang! "Woahh" rinig kong react ni Valkyrie habang nanlalaki ang mga mata. Tiningnan ko silang lima. Mukhang gulat na gulat na I have been in a relationship before. Ipinasa ko ang baso kay Dash. "Wait wait," Kinuha ni Dash ang baso sa kamay ko bago nagtanong. "Si Liam ba yun?" Tanong niya, kinunutan ko siya ng noo. "Yuck, no way!" Agad kong response. "Then sino?" Sabay na saad nila ni Valkyrie. Saglit ko silang tiningnan, bago nagbuntong hininga. "Kilala siya ni Liam." Tanging sabi ko. "Brielle, gwapo ba?" Halos magulat naman ako sa tanong ni Valkyrie. Muntik na akong napafacepalm sa tanong niya. "Uhh, Oo? Actually, Ex ko." Sagot ko ng bored na tono. Astang magrereact siya pero inunahan siya nung tatlo. "Oo?" Reacted ni Dash. "Bakit parang hindi sure?" Saad naman ni Vladimir. "Baka naman magmukhang hampas lupa yang Ex mo pag itinabi sakin, Brielle?" Tanong naman ni Caspian habang nakapaskil ang nakakalokong ngisi sa labi. Minsan. Ang sarap topakan ng lalaking 'to. Hindi ko alam pero napadako ang tingin ko kay Xyvill. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng pool habang seryosong may kinakalikot sa cellphone. Tiningnan ko ulit si Caspian at tinampisawan ng tubig. "Ulol! Mas gwapo pa siya sayo." Nakangising saad ko. Iba talaga ang takbo ng mundo noh, nung kelan lang magkaaway kami netong si Caspian. Ngayon sinong magaakalang kaya pala namin magbiruan ng ganito? "Anong reason ng break-up niyo?" Napatingin kaming lahat kay Dash ng magtanong siya ng inosente. "Ouch!" Lihim siyang binatukan ni Vladimir. Mukhang curious sila dahil nakatingin sila sakin. Malalim akong nagbuntong hininga. "Just like a normal break-up..." Maikli kong saad. "Then... Susunod na'ko!" Pagiiba ni Dash sa topic para tanggalin ang awkwardness na sinimulan niya. "Never.. Never I have ever had a wet dream?" Patanong na basa niya. Itinapon niya ang papel at inis na tiningnan yung tatlo. "Seryoso mga Dre, anong mga trip niyo? Bakit mga ganito yung question? Hindi na kayo nahiya sa mga babae ohh!!" Reklamo niya habang ibinababa ang baso. Tumawa ako, ramdam ko ring nagsitawanan sila. Understandable naman na ganan yung mga tanong, never naman nilang inexpected na sasali kami sa laro nila ehh. Boys talk kasi yung kanila. Atsaka kahit ganon, hindi naman ganon awkward, kakatuwa lang yung mga reaksyon nila kapag naiinis sa isa't isa. "Boys," Napatingin kami sa gilid ng may tumawag sa likod. Isang babae na mukhang kasing edad ni Mama. Nakasuot siya ng salamin at formal dress. "Eat first, mamaya na ulit kayo maglangoy." Mahinhin na boses niyang sabi, tiningnan ko siya. Medyo nahahawig siya kay Caspian. Napatingin siya sa direksyon namin ni Valkyrie. "Ohh. Would you mind introducing these two ladies?" Tanong niya sa A4. Si Caspian na ang nagkusa. "Brielle and Valkyrie. Our friends." Maikli niyang pakilala habang umaahon sa pool. Sumandal ako sa gilid ng pool. Nakakapanibago na kay Caspian mismo nagmula yung salitang friends tapos kami pa ni Valkyrie ang kaniyang tinutukoy. Nanlaki ang mga mata nung babae at para bang hindi makapaniwala. "That's new!" Tiningnan kami nung babae. "Hi, girls. I'm Claustine Suarez. Caspian's mother. Nice to meet you." Nakangiti niyang saad samin habang malawak ang ngiti sa aming dalawa ni Valkyrie. Nginitian lang namin siya. Tiningnan niya kaming lahat. "Children, get out of the pool. It's time to eat." Utos niya samin. Pagkadating namin sa loob, may mga bisita pero hindi ganon karamihan. Ang pagkakaalam ko, relatives lang nila Caspian ang invited tapos kami. Nasa loob kami ngayon ng bahay nila Caspian. Inililibot ko ang aking mata sa loob ng bahay nila Caspian. At talagang deserve nga ang title ng pagiging A4 dahil bahay pa lang, halatang mayaman talaga sila. Habang naglalakad kami sa Dining Hall, may nakabunguan ako. "Ohh. It's you again," Nakangiting sabi sakin nung nagpakilalang Max kanina. Napatigil ako sa paglalakad, pati sila Valkyrie at yung A4. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Suot suot ko ngayon ang hoodie na ibinigay sakin kanina ni Xyvill. Hindi naman kasi ako ganon nabasa kaya sinuot ko muna. "Fate brings us together again, cute nerd." Hindi ako sumagot. Ano na naman trip ng lalaking 'to. Tumuon siya papalapit sakin bago bumulong. "How about giving a second thought about my offer?" Bulong niya. Nakakainis talaga yung mga ganitong lalaki. Yung tipong tinanggihan mo na nga pero para sa kanila, challenging at nagpapabebe lang yung tao. "My answer remains the same." Bored kong sabi. *growls* Hayy. Gutom na ako. Astang aalis na ako pero hinawakan ni Max yung balikat ko, "Hey." Napatingin ako kay Xyvill. Hinawakan kasi niya ang braso ni Max na nakahawak sa balikat ko. "Let her go. She already rejected you." Seryoso at malamig na boses niyang sabi. Rinig kong nag'Ohh' sila Dash sa likod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD