Chapter 17 - Exam Week

2077 Words
Last day of exam na. Naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria pero---"Miss Samaniego?" Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang sumulpot, Adviser namin. Si Miss Vane. May hawak hawak siyang papeles habang sinasabayan ako sa paglalakad. Tumigil ako at nilingon siya. "Yes, Ma'am?" Tanong ko. "Pumasok ka nung first day at second day ng exam diba?" Tanong niya sakin. Nagnodd ako. "It's kinda weird," Bulong niya. Napakunot ang noo ko. "Bakit po, may problema po?" Tanong ko. Tumango siya. "It's about your exams. Nawawala kasi ehh. Kumpleto naman yung sa iba, sayo lang ang nawawala." Bahagyang napakunot ang noo ko. Nawawala? "Nevermind. Try ko ulit irecheck." Sambit niya bago ako iniwan mag-isa. Sinundan ko lang si Ma'am Vane ng tingin. Napatingin ako sa female restroom ng may marinig akong nagtatawanan. Si Daisy at Zayriel. "Ohh, look. It's the ugly creature ohh." Turo ni Daisy sakin. Napatingin si Zayriel sakin. "Heyyy brielle~, can you call a janitor? I think something just got stuck in the toilet." May mapaglarong ngisi na sabi ni Zayriel at parang nandidiri pa. Parang may pinapahiwatig ang kaniyang mga binitawang kataga. Sinundan ko sila ng tingin hanggang mawala sila sa aking paningin. Nanlaki ang aking mga mata ng may marelize ako. Agad akong nagpunta sa female restroom at binuksan bawat cubicle. Pagkarating ko sa pang apat na cubicle, binuksan ko ang pinto... at hindi ako nagkamali. Itinapon nila Daisy at Zayriel ang testpaper ko sa toilet. Barado ito, at naglulutangan ang testpapers ko sa tubig. Napakuyom ako. Ramdam kong unti unting nagdilim ang mukha ko. Sumobra na sila ngayon. Third Person's POV "Did you see her face? Hahaha!" Tawa ni Daisy habang naglalakad sila ni Zayriel. Maarteng tumawa si Zayriel bago siya nilingon. "I bet she's crying right now," Muli silang tumawa. "Hahaha! Pero infairness, ang galing mo mag-isip ng plano ha, sigurado akong magd-drop out na yung nerd na yun." Nakangising sabi ni Daisy habang nakacross arms ang dalawang braso. "Ano ka ba? Hindi naman kasi ako kasing bobo kagaya mo. Kung naiisahan ka ng babaeng yun, ibahin mo'ko." Mataray na sabi ni Zayriel sa kaniya. Lihim na napa-irap si Daisy. *** Nasa loob ng Cafeteria ang mga estudyante. Ang iba sa kanila kumakain, samantalang ang iba ay nagkukwentuhan. Magkasama ngayon si Daisy at Zayriel. Si Daisy naglalagay ng make-up at blush on sa kaniyang mukha, samantalang si Zayriel nagcecellphone habang ngumunguya ng bubble gum. Nakaupo ngayon si Brielle sa isang upuan habang walang ekspresyon na nakatingin sa direksyon nila Daisy. Na kabilang banda, nakaupo si Liam sa pangatlong table habang may kalandian na babae. Napatigil lamang siya ng may tumawag sa kaniya. "Liam," Tumingala ang ulo ni Liam, at tiningnan si Valkyrie. "What?" Kaniyang tanong. Napansin ni Liam ang pagaalinlangan sa mukha ni Valkyrie, na mukha itong nagdadalawang isip. "Ano, kasi..." "Don't mind her, Liam. She's just trying to get your attention, like she did with the A4." Umiirap na bulong ng babaeng nakaupo sa kandungan niya, hindi niya ito pinansin. At tiningnan ng maigi si Valkyrie. "Si Brielle," Panimula ni Valkyrie. "Si Brielle kasi, kanina pa siyang walang imik. Hindi ko alam kung anong problema niya. Baka masusubukan mong kausapin. Nandun siya ohh." Turo ni Valkyrie kay Brielle na nakatitig parin kila Daisy. Nilingon ni Liam si Brielle, agad siyang namutla ng makita ang itsura ng dalaga. Agad siyang napatayo dahilan ng pagkalumpasay ng babaeng nakaupo sa kaniyang kandungan sa sahig. "Ouchh! Liam!" Inis na turan ng babae pero hindi niya ito pinansin. "Sh*t," bulong niya. Kaagad niyang pinuntahan si Brielle pero nahuli na ng tumayo si Brielle at nagpunta sa direksyon nila Daisy. Na nasa labas ng kanilang room. Tumigil siya sa harap kaya napatingin sa kaniya ang dalawang dalagita. "Hi~ nerd, napalinis mo ba sa mga janitors yung nirequest ni Zayriel sayo? *pretending to be shocked* O baka naman ikaw yung naglinis? Basura mo kasi yun ehh." Nakangisi at nangaasar na sabi ni Daisy habang nagcocross legs at tinatakluban ang bilog na salamin na hawak niya. Tinawanan ni Zayriel ang tinuran ni Daisy. Halos tahimik ang paligid at naghihintay ang mga estudyante sa susunod na mangyayari. Blanko lang na tiningnan ni Brielle ang dalawa bago nag-iwan ng tatlong kataga. "Come with me." Lihim na tinawanan ng dalawa ang itsura ni Brielle ng siya ay makatalikod. Nagsenyasan sila sa kilay na sakyan ang trip ng dalaga. Sinundan nila si Brielle hanggang makarating sila sa locker room kung saan walang tao, pagkatapos nila makapasok sinenyasan ni Zayriel si Daisy na isarado ang pinto na kaagad naman niyang ginawa. Nakangising nilingon ni Zayriel si Brielle. "Now, do you understand our difference, Brielle?" Nakangising tanong ni Zayriel. "My parents hold 10% of the shares in this school. Kaya kong gawin ang lahat, kahit pa ipa-suspend kita dito." Kaniyang dagdag. Pagmamayari ng mga Revamonte ang 10% of share sa school. Samantalang ang 38% ang sa A4. Hindi siya pinansin ni Brielle at nagpalagutok ng mga kamay. Nakatalikod ang kaniyang pwesto sa dalawa, "Earlier," Kaniyang panimula habang inistretch ang kaniyang ulo. "I keep thinking about how I will get back at you two." Hinarap ni Brielle ang dalawa ng may malamig na aura. Nakaramdam medyo ng kilabot si Daisy pero nanatiling nakakunot ang noo ni Zayriel. "Should I start with you?" Turo niya kay Daisy. "Or you?" Nilingon niya ng malamig si Zayriel. "Hahaha! Talagang hindi mo alam kung saan ka lulugar noh? Hmmm. I guess you never learned your lesson after all." Saad ni Zayriel habang nakapaskil parin ang ngisi sa labi. Naglabas ng maliit na kutsilyo si Zayriel, agad na napatingin si Brielle rito. "Daisy, hold her. We will film her n*ked. After releasing the video in the school platform, let's see if she still willing to stay in here." Nakangising sabi ni Zayriel habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa maliit na kutsilyo. Kaagad na sinunod ni Daisy si Zayriel. Hinuli niya ang mga kamay ni Brielle at inilagay sa likod bago pinilipit. Kalmadong tiningnan ni Brielle si Zayriel na papalapit. Astang sisirain na ni Zayriel ang damit ni Brielle gamit ang maliit na kutsilyo pero sinipa siya ni Brielle sa tiyan "Augh!" bago siniko naman si Daisy na nasa kaniyang likuran. "Ouch!" Kinuha ni Brielle ang maliit na kutsilyong nahulog sa sahig bago lumuhod sa harap ni Zayriel na nanlalaki ang mga mata. "I thought your just a brat, but you are like devil in disguise." Malamig niyang sabi habang iniikot ikot ang kitsilyo at ito ay pinagmamasdan. Bahagyang napalunok ng laway si Zayriel. Napaantras naman si Daisy papalayo sa direksyon nila. Napasinghap si Zayriel ng pinutol ni Brielle ang kalhati ng kanyang mahabang buhok gamit ang kutsilyo. "I wonder kung sino ang nagpalaki sayo? Kinaya kaya ng mga magulang mo ang kasamaan ng budhi mo?" Bulong niya bago tumayo. Nanginig ang mga kamay ni Zayriel. Nang siya'y tumayo, agad na lumayo si Daisy at iniwasan siya. Naiwang nakalupagi si Zayriel sa sahig habang kagat kagat ng mariin ang kaniyang labi. Napatingin siya sa kaniyang buhok na hindi pantay ang gupit. 4 inches ng kaniyang buhok ang naputol dahil sa pagkakagupit ng dalaga. Hanggang balikat na lang niya ang haba nito. Nagtungo si Brielle sa pinto, Pagkabukas ni Brielle ng pinto, bumungad sa kaniya ang mga estudyanteng mukhang tinitingnan ang naging kaganapan sa loob. Hindi niya pinansin ang mga ito at iniwan sila ng walang imik. Bahagyang nagulat ang mga estudyante ng makitang parehas na nakalupagi sa sahig si Daisy at Zayriel. Labis labis na insulto at hiya ang kanilang naramdaman dahil sa lakas ng pagbubulungan ng mga estudyante. *** "Did you hear what Brielle did to Daisy and Zayriel?" Tanong ni Vladimir pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kanilang headquarters. Kagagaling lang niya sa labas. Napatigil sa paggigitara si Dash. Gayun din si Caspian na nanonood sa cellphone. "What happened?" Tanong ni Xyvill sa kaniya habang ibinababa ang rubik's cube sa sofa. Umupo si Vladimir sa mini couch bago uminom muna ng tubig sa bote. "Nagpunta daw silang tatlo sa locker room. Tas ng lumabas si Brielle, nakita nilang putol na ang buhok ni Zayriel. At ang best part, nakalupagi pa silang dalawa ni Daisy sa sahig. Halos kalat na kalat sa buong school ang nangyari." Napuno ng kuryosidad ang mata ng tatlo sa kwento ni Vladimir. "She bullied her bullies?" Tanong ni Caspian habang umuupo ng maayos. "Ba't parang ang imposible nun." Bored niya dagdag. "They deserve it." Muli silang napatingin kay Vladimir ng magsalita ito. "From what I heard, Zyriel and Daisy threw all Brielle's exam papers inside a toilet, which is barado parin hanggang ngayon." "Wow, Vladimir! Chismoso ka na ngayon---But those girls really gone too far!" Dash. Agad na napatingin ang lahat kay Xyvill ng bigla bigla itong tumayo. "San pupunta yun?" Bulong ni Dash sa hangin. *** Brielle's POV Habang naglalakad ako, ramdam kong pinagtititigan ako ng mga estudyante pero hindi ko na lang ito tinuunan ng pansin. "Brielle," Lalabas pa sana ako ng gate para umuwi na pero biglang may tumawag sakin. Napatingin ako kay Ma'am Vane. "Me and the subject teachers decided to give you a special test. Hindi ko na talaga kasi mahanap ang papers mo." Saad niya. "Thank you, Ma'am." I said. "By the way." "Can you inform one of your classmates that I'm summoning Ms. Valencia and her friends (Daisy) to my office?" Nakangiting sabi ni Ma'am habang ako ay nginingitian. "Someone report that they're bullies." Nanlaki ang mga mata ko. Ma'am, sa tinagal tagal mo dito sa school. Wala ka ba talgang alam, o tsaka lang kayo umaaction pag may nagreport. *** Nakatambay ako ngayon sa student longue. Nasa sulok ng kwarto. Mag-isa lang ako. Busy si Valkyrie. Kasundo ko na ulit medyo si Liam. Nakipagbati sakin ang mokong. Syempre pinatawad ko na, para na din maging ayos kami. Five days na ang nakalipas simula nung mangyari yung insidente about sa testpapers ko. Ang pagkakaalam ko, nasuspend daw sila Daisy at Zayriel kasam yung mga kaibigan nila. Buti nga---buti na lang nga hindi ako nadamay ehh. Nakikinig ako ngayon ng music habang nakaubob sa table. Napamulat at nakatunghay ako ng may marinig akong tunog na parang may bote na nagpatong sa lamesa ko. Bahagya akong nagulat ng makita si Xyvill at Liam sa harap ko. Nagtititigan sila saglit. Tiningan ko ang hawak nila. Soymilk. Ang pinagkaiba lang ay flavor. Ang dala ni Liam, straberry milk samantalang ang dala ni Xyvill banana milk. Anong problema ng dalawang 'to. Astang tatayo na ko para umalis pero---"Brielle here" Liam. "Take this" Xyvill. Iniaro nila sakin ang soymilk nila. Agad akong napalunok. Kinuha ang soymilk na dala ni Liam bago sila iniwan sa student lounge. Kukulit eh. Kung maglolovey-dovey sila, wag nila ako idamay. Third Person's POV "Why did she..." Napatingin sin Xyvill kay Liam ng tumawa ito. "Pft. Hahaha!" Masamang tiningnan ni Xyvill si Liam. "Sorry, sorry. You're just funny bro!" Inakbayan ni Liam si Xyvill. "Kala ko ba wala kang gusto sa kaniya. Bakit kung makaasta ka ngayon, isang concerned bf, huh?" Tanong niya rito. Tinanggal ni Xyvill ang braso ni Liam. Bago siya inis na tiningnan. "How many times do I have to tell you that I don't like her?" Inis niya na turan. Tinaasan ni Liam si Xyvill ng kilay. "Oh, you're still in denial stage." Bulong ni Liam sa kaniyang sarili pero rinig ito ng binata. Hinila ni Xyvill ang kaniyang kwelyo. Itinaas ng binata ang kaniyang mga kamay at umastang sumusuko. "Alright alright, you win!" Saad niya. "Just be careful, you might lose her anytime, based on my observations, Caspian and Dash---those friends of yours are close to her." Nakangiti niyang sabi. Saglit na nagulat si Xyvill sa kaniyang natuklasan. Pero hindi niya ito pinahalata at iniling ang ulo. "Who the hell cares if they like her?" Malamig niyang sabi bago tinanggal ang pagkakahawak sa kwelyo ni Liam. Tumaas ang sulok ng labi ni Liam. Pinanood niyang umalis si Xyvill. Nakakalimang hakbang pa lang ito pero---"I never said that they like her." Napatigil si Xyvill, at nilingon ni Liam gamit ang kaniyang ulo. "Tsk." Astang aalis na siya pero napatigil siya ng nagsalita na naman ang binatilyo. "By the way, Xyvill. Brielle's choice of drinks depends on her mood. If she's craving banana milk, it could indicate that she's upset or feeling down. On the other hand, when she's drinking strawberry milk, it means she's feeling happy. She often has mood swings so don't be confused next time!" Sigaw ni Liam sa binatilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD