Chapter 31 - Confession

2539 Words
Pagkatapos niya magkwento. Qinuestion ko siya. "Tingin mo bakit mo siya nagustuhan?" Tanong ko habang nagtutusok ng straw sa strawberry milk. Malawak na ngumiti sakin si Dash at puno ng excitement na nagsalita. "Do you have to ask that? First of all, her beauty. And her elegance, it captures me." Sabi niya at para bang nagdaday dream na kinikilig na parang kabute. Nababakla na 'to. Napataas ang kilay ko. Tumawa ako saglit bago weird ko siyang tiningnan. Ang OA neto. *Slurpp* Ininom ko muna ang strawberry milk ko bago tiningnan si Dash. "Do you know the types of love, Dash?" Tanong ko sa kaniya. Kunot noo niya akong tiningnan. "Types of love?" Kunot noong tanong niya. "The Eros, Phileo, and Agape." Sagot ko sa kaniya. Nang maramdaman kong mukhang nakikinig siya sakin. Nagsimula akong magkwento. "The term Eros typically refers to a romantic or s****l attraction based solely on physical appearance." Dash isn't inlove with me. He is only attracted to my looks. "Phileo is a brotherly or familial love, felt in the soul and based on friendship and loyalty." Saglit akong sumupsop sa straw bago nagpatuloy. "And the last is the Agape, a divine or sacrificial love, felt in the spirit and characterized by selflessness and unconditional care..." Tiningan ko si Dash. "What kind of love do you think you felt about my cousin, Dash?" Tanong ko sa kaniya. Nagkakamot ulo siyang sumagot. "Agape?" Tinitigan niya ako saglit bago nagbuntong hininga. "Fine! Eros!" Nakanguso niyang sabi bago lalong sumimangot, tinawanan ko siya. Tumawa ako. "Pero Brielle," Tumingin ako kay Dash. "What I feel about Azalea. It's serious. I love her unconditionally." Sincere niyang sabi. Nagtitigan kami. Napakagat ako sa labi ko, no you don't love me Dash. If you did, you would recognize me right away. Aand---you only love the Beautiful Azalea not the Nobody Brielle. It proves that you only love my appearance. *** Tatlong araw na yung nakalipas ng nagdate kami ni Xyvill. Nakatambay kami ngayon ni Valkyrie sa labas ng building. Sa school kasi may puno na pinalilibutan ng upuan na gawa sa samento, mango circle ata tawag dun. Ewan ko kung yun talaga, mangga kasi yung puno tapos pacircle yung mga upuan tapos may table. Kasama namin si Liam, pero nasa kabilang table siya nakatambay. Anong ginagawa? Malamang inaatupag yung kaniyang mga chicks. "Papalapit si Vladimir." Napatingin ako kay Vakyrie ng bumulong siya sa tainga ko. Napatingin ako sa likuran. Si Vladimir nga, papunta sa direksyon namin habang nakasuot ng salamin at may hawak hawak na libro. Napansin kaagad namin ang presensya niya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Nang siya ay makalapit, tumingin siya sa amin. Lalo na sa akin, kaya kala ko ako yung pinunta niya. Tumingin siya sa direksyon ni Valkyire bago siya yung tinawag. "Valkyrie," Umubob na lang ako sa table, si Valkyrie naman pala ang balak ehh. "Can you leave us for a minute?" Napakunot bahagya ang noo ko at tiningnan si Vladimir pero nanatili akong nakaubob. "Why?" Rinig kong tanong ni Valkyrie sa kaniya at para bang walang balak na iwan ako sa table. "I have to talk to her. It's important." Seryosong sabi niya. Itinunghay ko ang ulo ko at tiningnan siya. Ano naman kayang kailangan ng lalaking 'to? "Ohh. Okay." Turan ni Valkyrie bago kinuha ang kaniyang bag. Tumingin muna siya saming dalawa bago niya kami iniwan. Pinanood kong umupo si Vladimir sa tabi ko. Bakit parang alam ko na ang pakay niya sakin? "Anong kailangan mo?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin at binuksan ang kaniyang libro. "The scores of the exam week. It's out." Pagbanggit niya habang nakatingin pa rin sa kaniyang libro. Ahh. Hindi ko pa nakikita, alam ko nakarank yun tuwing quarter ehh. Ano relate ng pagpunta niya sakin? "So, ano?" Tanong ko sa kaniya. Inayos niya ang kaniyang salamin bago ako tiningnan. "You ace all the subjects." Seryoso niyang panimula. Ehh. Talaga? Napaantras ako sa gilid ng lumapit siya. "You rank higher than me, Brielle." Seryoso niyang sabi. So ano nga. Anong gagawin ko? Academic Rival na niya ako ngayon? "What are you trying to point?" Seryoso kong tanong. Nakakainis na siya ha. "Babawi ako sa next sem. Babawiin ko ang rangko ko." Seryoso niyang sabi habang nakikipagtitigan sakin. Pagatapos niyang sabihin yun. Tumayo na siya. Pinanood ko siya hanggang makatalikod, pinuntahan niya lang ba ako para sabihin yun? Lihim akong napairap. Iniling ko ang ulo ko. Ibang klase din ang lalaking yun. Kaya ko kaya niya ako pinuntahan, babantaan niya akong lumayo sa kanila ehh. Ewan ko ba para kasi may galit si Vladimir sakin eh. "Vladimir!" Napatingin ako sa hindi kalayuan ng may marinig akong pamilyar na boses na sumigaw. Si chloe? May dala dala siyang isang box ng cake habang pinupuntahan ang direksyon ni Vladimir. Oo nga pala. Miyembro si Chloe ng fanclub ni Vladimir. Pinanood ko sila. "Here, I bought you some sweets." Nakangiti niyang bungad. Nagcross ako bago umupo ng ayos. Close sila? Tumingin ako sa paligid, marami ng nanonood. "I don't need it." Turan ni Vladimir at astang aalis pero hinawakan ni Chloe ang braso niya. "Just take it. Alam kong bad mood ka kasi bumaba ang rank mo---" Napatigil si Chloe ng tinabig ni Vladimir ang cake na inaaro niya. "I told you I don't need it!" Sigaw niya. Medyo nagulat ako roon. First time to siyang makita na magalit. Kita kong natigilan si Chloe habang nakatingin sa cake na nahulog sa sahig. Umayos ako ng upo. I cupped my face and looked in Vladimir's direction. Talaga bang affected na affected siya na mas mataas ang rangko ko sa kaniya? First Quarter lang naman ehh. Iniwan ni Vladimir si Chloe sa gitna. Tiningnan ko si Chloe, tulala lang siya sa box ng cake na tinapon ni Vladimir. "Siya yung girl na nakafirst place talent search, right?" Napatingin ako sa gilid ng may marinig akong dalawang babae na naguusap. Nakaupo rin sila sa mango cirle pero malayo layo ng kaunti samin. "Yeah. Hindi naman ganon magaling eh pero nakafirst place." Sabi rin ng katabi niya habang nililingon ang direksyon ni Chloe. "Sabotage mga judge beh. Nabayaran siguro. " Nilingon ko si Chloe, nakatingin pala siya sa direksyon ko. Eto ba ang pinagpalit niya kay Zayriel? Pagiging first placer niya sa talent show? Dahil lang dun binaliwala niya ang pagkakaibigan namin? Malalim akong nagbuntong hininga. *** "Aren't you going to ask?" Napatingin ako kay Xyvill, ako ang tininatanong niya dahil sakin siya nakatingin. Parehas kaming nakaupo sa upuan, nakasandal siya sa silya habang nakatingin sakin. Napatigil tuloy ako sa pagcecellphone. Free time kasi namin. "About what?" Taas kilay kong tanong habang inaayos ang suot suot kong salamin. "What happened between me and Azalea," He said while looking directly into my eyes. Ibinaba ko ang cellphone ko bago sumandal sa upuan ko. "What happened?" Kunwaring curious kong sabi kahit alam ko naman. Habang hinihintay ko siyang magsalita, kinuha ko ang tubigan ko bago uminom. Kita kong tumingin siya sa harap. "We just flirt." maikli niyang sabi pero sapat na para muntikan ko ng maibuga ang tubig sa bibig ko. "I can't believe I'm hearing these words." Isip isip ko habang nag-pupunas ng bibig gamit ang panyo ko, tiningnan ko si Xyvill. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang naramdaman ko siyang napatawa sa reaction ko. Gumalaw kasi yung mga balikat niya. Timikhim ako bago nagsalita. "Yun lang?" Tanong ko sa kaniya habang tumitingin sa ibang direksyon dahil naalala ko ang mga kagagahan na nagawa ko nung araw na yun. Tinanguhan lang ako ni Xyvill. "Yeah, yun lang." Sagot niya, tumango na lang ako. Tumingin ako sa ibang direksyon at napapikit ng mariin, flirt? Nagflirt lang kami sa isa't isa, yun lang ang nasa isip niya? Grabe ha. Ramdam ko ang pangangamatis na naman ng mga pisnge ko. Oh no no, focus Brielle. You're losing your cool again! *** *Criingggg!* Labasan na ngayon, habang naglalakad ako sa corridor, medyo nagtataka ako dahil parang lahat ng estudyante nakatingin sa likuran ko. Hararap sana ako para tingnan pero nagulat ako ng may biglang naglawit ng stuffed toy sa mukha ko. Yung banana stuffed toy! Yung sinusubukan kong agawin kay Xyvill nung nagdate kami pero ayaw niya ibigay! Itiningala ko ang ulo ko. Si Xyvill na naman. Sinubukan kong kunin ang stuffed toy mula sa kamay niya pero tuwing sinusubukan ko itong abutin, itinataas niya ito. Aba, porke't matangkad ehh! Sinubukan ko itong talunin pero ayaw pa rin niya ito ibigay. Napatingin ako kay Xyvill ng marinig ko siyang tumawa. "Even you are obsess with this thing?" Tanong niya habang tinitingnan yung banana stuffed toy. "Why? It's cute!" Sabi ko at sunubukan ulit itong kunin pero ayaw talaga niya ibigay. Ngumisi lang si Xyvill sakin. "Fine. You have it." Inihagis niya ang banana stuffed toy sa dibdib ko. Agad ko naman itong kinuha para hindi magpatak. Tiningan ko si Xyvill habang nakakunot ang noo. Bakit biglang naisipan ng lalaki na'to na ibigay sakin ang stuffed toy. Nung nasa condo niya ako dati, kahit anong pilit ko ayaw ibigay ehh. Tapos ngayon bigla niyang ibibigay? Napatingin ako sa stuffed toy ng may maalala ako. "It's for my future girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa likuran ni Xyvill. Anong ibig niyang sabihin sa pagbigay niya 'to sakin? Ilang beses akong napalunok ng laway. Kiningina, nagooverthink na ako. Pinanood ko si Xyvill hanggang mawala siya sa paningin ko. *** "Class," Nakaubob lang ako sa table ko habang nakikinig sa teacher. Tangina kasi ni Xyvill, hindi ako pinatulog magdamag. Ang lalaki tuloy ng eyebags ko tskkk. "Our school is having exchange students." Napatunghay ako. Exchange Student? Meron sa Section namin? "Actually dapat ngayon siya papasok kaso nagkasakit siya kahapon. He texted me na baka hindi siya makaattend at sa monday na lang" Sabi ng adviser namin. Friday na kasi, sa monday na uli pasok namin. Nacurious ako, ano kayang school yun galing. "Ma'am lalaki o babae?" Someone asked. "Lalaki." Sagot ni Ma'am. "Ma'am, nakita niyo ba?" Girl 1 "Ma'am, gwapo?" Girl 2. Lakas rin ng trip ng mga 'to. Nag ingay at nagsigawan ang paligid ng sinangayunan ni Ma'am ang sinabi nila. "Oo, panglaban sa A4." Pagsakay ni Ma'am sa trip nila. Hindi ko na lang ito pinansin at natulog. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog. Bahagya lang akong nagising ng may tumapik sa balikat ko. "Brielle." Unti unti kong iminulat ang mata ko ng marinig ang boses ni Xyvill sa gilid ko. Marahan niyang niyuyogyog ang balikat ko para magising. Bumangon ako at nag unat unat. Napatingin ako sa paligid ng mapansin kong ang tahimik. Kami na lang pala ang tao sa room. "Let's go. It's lunch break." Saad niya habang nagsasakbit ng bag. Lunch break grabe si Valkyrie at Liam ha, iniwan ako. Astang lalabas siya ng room pero pinigilan ko siya. "Stop. I have to talk to you." Seryoso kong boses na sabi. Napatingin siya sakin at napataas ang kilay. "About what?" Mukhang naguguluhan niyang sabi. Lumapit ako sa direksyon niya kaya unti unti siyang napahakbang paantras. Cinorner ko si Xyvill sa pader. "About the stuffed toy you gave me..." Panimula ko habang nakatingala sa kaniya. Nakasandal siya sa pader ngayon habang nakatungo sakin. "Bakit mo yun ibinigay sakin? Nabanggit ni Azalea na sa girlfriend mo lang yun ibibigay ahh." Curious kong sabi habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Nagtaka ako ng biglang tumaas ang sulok ng labi niya. "Ohh. She mentioned?" Unti unti siyang lumapit kaya ako naman ang napaantras. Habang umaantras ako at naglalakad siya papalapit hindi parin naglalayo ang tingin namin... Napatingin ako sa likod ng makita kong wala na akong maantrasan. "If you knew, why still asked?" Nanlaki ang mga mata ko sa binulong niya sakin. What?! What does he mean?! Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng inis. "You're dating my cousin, Xy. Why are you doing this?" Tanong ko habang nakakapit sa table ng upuan. Yan na naman ehh. Yung ngiti niya, Tskk! "So? I don't see what's wrong." Inosente niyang sabi bago ako tinitigan... Is he serious right now?! He doesn't see what's wrong?!!! "Are you f*cking serious right now?" Dahil sa sobrang inis ko kay Xyvill hindi ko an napigilan ang sarili kong magmura. Nakakaiyamot siya ehh! Nililigawan niya ako as Aza ko pero lowkey siya sakin nakikipagflirt dito sa room! Napaawang ang labi ko ng tinawanan niya ang pagmumura ko. Aba, anong nakakatawa? Lalo pa siyang yumuko sakin hanggang sa mapantayan na niya ako. Nakipagtitigan siya sakin. "I don't really get what's wrong..." Husky na boses niyang panimula. Ilang beses akong napalunok, s**t. Masyado pala akong defensive. Iniwas ang tingin ko kay Xyvill pero nagulat ako ng hawakan niya ang panga ko at iniharap sa kaniya. "... After all, the two of you are the same person." Nakatingin na daresto sa mata ko na sabi niya. What? Wait, processing... processing... processing. Napatingin ako sa harap ng maramdaman kong may kung anong malambot na bagay ang dumampi sa noo ko. Parang tinadtad ng kamatis ang mukha ko sa kapulahan ng hinalikan ni Xyvill ang noo ko. "I had enough of your games, Brielle." Seryosong boses niyang sabi bago unti unting lumayo. Napalunok ako ng inilagay niya ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Tila maputulan na ako ng hininga ng unti unti siyang lumapit at bumulong sa tainga ko. "I'll court you for real." Nakangisi niyang bulong sakin. Ramdam ko na naman ang pangangamatis ng magkabilang pisnge ko. How did he find out?! Nakahinga ako ng maluwag ng dahan dahan siyang lumayo. Umantras siya papalayo sakin, nakataas parin ang sulok ng kaniyang labi. Iniwan niya akong tulala sa classroom. s**t, I'm screaming inside. What just happened? He finds out. Then he kissed me. Then he confessed to me?! Napahawak ako sa mukha ko ng maramdaman kong sobrang init nito. Hindi ako namumula. Hindi ako namumula, hindi ako kinikilig. Yes, yes. Hindi. Sign lang 'to nalalagnatin ako. Yes, yes. Lalagnatin ako. Kinuha ko ang bag ko at patakbong lumabas ng room. Sh***tttt! Xyvill knows my identity?! Hindi ko alam ang mararamdaman ko, matutuwa mahihiya ewan! Pano naman yung mga katangahan na pinagsasabi ko sa kaniya sa date namin?! Ahhhhhhh!! Ayoko na! Dumaretso ako ng restroom at inilock ang pinto. Tinanggal ko ang salamin ko at sinubukan kumalma. Huminga muna ako ng malalim. "Kalma, Brielle. Lalaki lang yan." Bulong ko sa sarili ko pero parang may sariling diwa yung katawan ko dahil nagtatatalon sa di malamang dahilan. All this time, alam ni Xyvill?! Pero... pero hindi niya pinahahalata! "Augh sh*t, ayoko na." Naghilamos ako ng mukha sa sink dahil baka mabawasan ang kapulahan ng mukha ko. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Tumutulo pa ang tubig galing sa baba ko. Tila nahimasmasan ako sa lamig. Malalalim akong nagbuntong hininga. "Kinikilig ba ako?" Parang tangang tanong ko sa sarili ko. "No, it's impossible. Sadyang gwapo lang talaga sa paningin ko si Xyvill pero hindi ko siya gusto. Hahaha." Parang tanga kong tinawanan ang sarili ko sa sinabi ko. "Puta..." Malutong kong mura. I find him cute?! Nagfacepalm ako. Mukhang kailangan ko talaga itong itulog, baka bukas lagnatin pa ako. Tumingin ako sa salamin. Makakatulog pa kaya ako sa lagay kong 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD