CHAPTER 54 Steph POV: ANG BILIS talaga tumakbo ng oras at araw. Parang kailan lang ay kasal namin ni Glen. Tapos ngayon ay araw na mismo ng lunes at may pasukan na naman kami. Kaya kahit gustuhin man naming mag-stay sa mismong hotel na aming tinulugan para sana i-enjoy ang honeymoon ay nagbago ang isip nitong si Glen. Gabi pa lang ng linggo ay naisipan na kaagad naming bumalik ng condo niya sapagkat naroon lahat ang aming mga gamit. Kaya maaga naman akong nagising para sana paglutuan si Glen. Talagang gumising ako ng alas-singko nang madaling araw para panoorin ang video tutorial sa mismong social media kung paano magluto ng macaroni soup. Tag-ulan na kasi ang panahon ngayon at maganda sa sikmura ang macaroni soup para mainitan ang kalamnan ng aming tiyan. Desidido talaga ako na mat

