KRIS P.O.V
"Kris Paulo, let's talk. Karissa you go there. Aalis na yata sina Nico and Ailee" sabi ni nanay na hindi ako tinapunan ng tingin.
Naka alis na si Pau, kaya naman pinasunod ako ni nanay sa loob ng guest room. Nahuli ba kami ni nanay na magkayakap? Masama na ba yun?
"Ikaw nga Kris umamin ka sakin." Panimula nya.
"Ano po ba ang gusto nyong malaman?" Gusto ko din sakanya manggaling
"Bakit kayo magkayakap ng kapatid mo?" Ano naman ang masama don? Siguro sa iba mmasamakung may malisya.
"Nay kailan pa naging masama ang yakapin ang kapatid?" Painosente kong sagot kay nanay.
"Kris malaki ka na at alam kong alam mo ang ibig sabihin ko. Noon palang nahahalata ko na yun, akala ko dati napaka over protective mo lang talaga sa kapatid mo, kaya pinabayaan ko na lang. Kahit dumating sa point na hindi na sya magkaroon ng boyfriend kasi inisip kong mas pabor yun samin kesa pumasok agad sa isang relasyon ang kapatid mo. Ngayon gusto kong ikompirma sayo yun kung tama ba ang hinala ko noon." Masyado palang obvious kahit dati, nahalata din kaya ni tatay?
"Nay, my heart is so CONFUSE right now. I'm. so. so stupid. No. No. I'm not the one who's stupid. This Fcking Heart is." Hindi ko alam, masyado pa din akong naguguluhan.
"Ngayon alam ko na ang sagot. Gusto mo ang kapatid mo, higit pa sa pagiging kapatid. Hindi mo sasabihin sakin na naguguluhan ka kung wala kang nararamdaman para sakanya. Pero Kris, kapatid mo sya. Hindi pwede, kaya habang maaga pa tigilan nyo na to." Ganun ba talaga yun? Pag confuse?
"Pero nay, hindi. Hindi ko kaya. Ayokong may ibang lalaking nagpapasaya sakanya gusto ko ako lang. Hindi ko kakayanin na makita syang may kasamang iba." I am so damn jealous everytime i saw her with another man. Now i understand why i'm so over protective of her.
"Hindi maari Kris, tigilan mo na to kung hindi ipapadala kita sa Canada. Kapatid mo si Pau, kahit kailan hindi kayo pwede." Bakit ganun? Ang sakit pa din pero di ba sabi ko pag balik ko galing Singapore may aaminin ako sakanya at hindi ako magpapapigil kahit sa magulang namin.
"Nay alam natin pareho na hindi kami magkapatid ni Pau." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni nanay. Hindi nya siguro expected na sasabihin ko to pero wala na talaga akong choice.
"Itigil mo yan Kris. Magkapatid kayong dalawa kahit na ano pang mangyari. Sinasabi ko sayo Kris ipadadala talaga kita sa Canada." Pasigaw na sabi ni nanay alam kong galit na din sya, pero anong magagawa ko? Isusuko ko na naman ba to?
"Nay. Ayoko. Hindi ko ititigil to alam kong espesyal sya sakin. Kahit hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko hindi ko ito hahayaang itigil dahil dito ako masaya." Ayaw kong saktan ang mga magulang namin, pero hanggang kelan ko isusuko si Pau
"Gusto mo bang mawala satin ng maaga si Pau? Gusto mo ba syang nakikitang nahihirapan? Makakayanan mo bang hindi na sya makita kahit kailan? Itigil mo to Kris habang maaga pa. Sa palagay mo ba pag nalaman ito ng ibang tao mapipigilan mo ba silang hindi kayo pag usapan? Paano kung yun ang maging dahilan ng pagkawala ng kapatid mo? Alam mong bawal ang masyadong ma stress, mag isip ng kung anu-ano sakanya, tandaan mo hindi basta basta ang sakit nya. Kaya kung gusto mong makita pa sya itigil mo na yan Kris." Dun sa mga sinabi ni nanay para akong binuhusan ng malamig na tubig, pinagsasampalsampal, at inuntog ang ulo ko ng katotohanan. Bigla kasi akong nagising at natakot sa pwedeng mangyari kay Pau, at yun ang hindi ko makakaya ang mawala sya sakin.
"Anong gagawin ko nay?" Halos paiyak na sabi ko sakanya.
"After ng tour mo sa Singapore, wag ka na muna umuwi dito satin. Mag stay ka sa Canada dun sa bahay natin ako na ang bahala dito. Mag stay ka dun hanggang sa kaya mo nangharapin si Pau na wala ka ng nararamdaman para sakanya. Please anak, mahal ko kayo pareho ni Pau. Ayoko na isa sainyo ang mawala sakin." Hindi ko alam kung gagawin ko ba ang sinabi ni nanay. Pero kung sa ikabubuti ng lahat, hindi ako sumagot kasi pag nagsalita ako alam kong may tutulong luha sa mata ko.
Muling nagsalita si nanay. "No need to rush things Kris. If something is bound to happen, it will happen. In the right time, with the right person and for the best reason." Sabi nya, ibig bang sabihin nito.
"Nay kung pupunta ba akong Canada at mag stay dun at pagbalik ko dito sa tamang panahon na pareho parin ang feelings ko. Hahayaan nyo na ba akong gawin ang dapat gawin?" Tanong ko sakanya na hindi inaalis ang tingin sa mata ni nanay.
"Pangako. Pero sana sa pag alis mo Kris sabihin mo kay Pau na isang pagkakamali lang ang naramdaman mo." Napakunot ang noo ko.
"Bakit ko sasabihin yun nay? Parang sinabi ko na rin sakanya na kalimutan nya na lang ako at humanap na sya ng ibang lalaki na kaya syang alagaan." Masakit sakin na gawin yun. Ayoko.
"Hindi ka naging fair kay Nico. Aalis ka pero iiwan mo ang puso mo dito. Di ba sabi ko nga sayo If something is bound to happen, it will happen. In the right time, with the right person and for the best reason. Kaya mag start ka sa simula. Bigyan mo ng pagkakataon si Nico. Higit kahit kanino man malaki ang maitutulong nya kay Pau. Lalo na't magigi syang Cardiologist" Pagpapaliwanag ni nanay.
"Kaya ba ganyan kayo sakin Nay? Kaya ba ayaw nyong ituloy ang nararamdaman ko? Kasi hindi ako naging isang magaling na doctor? Na sa tingin nyo hindi ko kakayaning buhayin sya? Ganun ba yun nay? Hindi ba masyado kayong unfair sakin?" Ganun ba talaga? Kung kelan naman pwede ko nang sabihin ang nararamdaman ko ngayon pa to nangyari. Sana pala nag Doctor nalang ako.
"Sumunod ka na lang Kris. Ayokong may mawala sainyong dalawa. Kaya bukas na bukas ay sasabihin mo na kay Pau na mali lang ang naramdaman mo. Hayaan mong makalimutan ka na muna nya. At ikaw sa canada ka na mag stay at doon makakapag isip ka ng mabuti." Pag kasabi nya nun ay umalis na sya. Galit ako, bakit ganun ang unfair hindi ko naman sya tunay na kapatid pero bawal pa din mahalin? At hanggang sa huli si Nico ang pinili ni nanay para sakanya. Kung sinunod ko kaya sila dati? Kung kumuha kaya ako ng kursong medical ganto pa rin kaya ang mangyayari. Wala ba silang tiwala sakin?
"Hoy kuya, anong iniisip mo dyan? Anong sabi sayo ni nanay." Natigil ako sa pag iisip nang makita ko syang nakasilip sa may pintuan na ulo nya lang ang kita. Ganun na ba ako katagal na nag iisip kaya hindi ko sya napansin.
"Wala naman. May itinanong lang sya sakin about sa tour ko sa Singapore." At tuluyan na syang pumasok. Hindi ko kayang saktan si Pau.
"Bakit ang lungkot mo kuya?" Kasi simula bukas hindi na kita makikita.
"Pagod lang siguro ako. Bakit gising ka pa? Dapat matulog kana para tumangkad ka pa." Ayoko na pati sya malungkot kaya hangga't maari mapasaya ko sya kahit ngayon lang. Nagulat ako nung niyakap nya ako.
"Keeping emotions to yourself is always the safest way to hide pain. Yet, the fastest way to die insane." Niyakap nya pa ako ng mas mahigpit. and again it hits me. Those words. I really don't know what to do. I just hugged her back.
"When two hearts are meant to be, no matter how long it takes, time will bring them together, to share a life called forever." Ito na lang siguro ang panghahawakan ko sa ngayon. Hindi man kami ngayon pero sisiguraduhin ko sa pagbalik ko babawiin kita Pau.
"Huh? Anong meron kuya? At may pa two two hearts ka pa dyan." Lumayo sya konti sakin pero magkalapit ang katawan namin muka lang nya ang lumayo para makita nya talaga ako. Ang ganda nya talaga. Ang swerte namin at samin sya pinagkatiwala. Nasabi ko pala ng malakas.
"Nothing Pau. I'm still confused." Yun na lang ang sinabi ko.
"To forget all your worries, disappointments, unwanted emotions and behavior & all the terrible things that life brings you. Just do one thing...SLEEP!" Sabi nya at tatawa tawa pa sya. Tapos bigla ko sya hinalikan sa lips. Pero smack lang. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi nya. Lalo tuloy syang gumanda
"Tara na nga matulog na tayo. Gusto mo tabi tayo?" Inaasar ko lang naman sya pero lalo syang namula.
"Baliw baka makita tayo ni nanay ulit, pagalitan pa tayo" sabi nya
"Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama unless gusto mong ulitin natin." This time sobrang pulang pula na nya. At sobrang iwas ng muka nya sakin nahihiya pa din sya sakin. Ang cute cute talaga.
"Tara na nga. Kulay kamatis na yang muka mo." At dahil dun nakatanggap ako ng malakas na hamapas sa braso ko. Nagmamadali syang lumabas at tumakbo pabalik sa kwarto nya.
Paano ba ako magpapaalam sakanya. Mamimiss ko ang kakulitan nya, ang paglalambing nya sakin. Ang mga ngiti nya na ako ang dahilan. Kung wag na lang kaya ako umalis? Pero nangako naman si nanay sa pagbalik ko maari ko pa ding mabawi si Pau kung mahal ko pa din sya. Sana tama ang magiging desisyon ko.
Siguro tulog na si Pau. Mahigit isang oras na ang nakakalipas nung umalis kami sa guest room. Hindi ko sya kayang harapin at sabihin na mali lang ang lahat dahil siguradong traydor ang mga mata ko. Mabilis nyang masasabi na nagsisinungaling ako, kaya hinihintay ko syang makatulog ng mahimbing. Kasi isa din tong tulog mantika. Natawa nalang ako sa isiping iyon.
Naghintay pa ako ng mga 30 minutes pa para siguradong tulog na tulog na talaga sya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto nya, hindi naman kasi naka lock at bukas pa ang ilaw nya isa din kasing duwag to eh. Pinatay ko ang ilaw para if ever na makita nya ako hindi naman nya makikita ang mata ko. Napansin ko ang glow in the dark na mga stars na inilagay ko dati sa may kisame ng kwarto nya. Hangga ngayon duwag pa din.
Tulog na tulog na sya. Mami-miss ko talaga tong makulit na to. Tumabi na din ako sakanya at nahiga na din. Tinitigan kong mabuti ang muka nya. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag samin pero naaaninag ko pa din ang maganda nyang muka. Gusto ko itong peaceful na muka nya ang lagi kong maaalala sa pag alis ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sakanya dahil ayokong makita syang umiyak dahil sakin. At natatakot ako sa magiging reaction nya. Kaya tama sigurong sa letter ko na lang sabihin. Inilagay ko sa may table nya ang letter ko para makita nya agad.
Nahiga muna ako sa tabi nya at niyakap sya. Gumalaw sya ng kaunti kinabahan pa nga ako kala ko magigising pa sya buti na lang hindi. Hindi na rin naman ako magpapa umaga dito sa bahay aalis na din ako maya maya. Para hindi na ako makita ni Pau na umalis. For the last time i kissed her forehead then sa tip ng nose nya and lastly sa lips. I'll definitely miss everything and every part of her. Inayos ko na ang kumot nya at lumabas na.
"nay" Nagulat ako kasi paglabas ko nakita ko si nanay sa may hallway.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ni Pau?" May pagtatakang tanong ni nanay.
"Hindi ko po kayang kausapin si Pau. Kaya nag iwan na lang ako ng letter sakanya. At nay aalis na din po pala ako kasi ayaw ko na maabutan pa ako ni Pau dito." Sabi ko kay nanay na mukang nakahinga na naman ng ayos.
"Thank you son, don't worry ako na ang bahala. Mag iingat ka palagi. I'll call you na lang. I love you Kris. Tandaan mo yan." Sabi nga nila mother's knows best, kaya susundin ko si nanay. At pumunta ako kay tatay at nag paalam na. Naikwento na din pala sakanya ni nanay yung mga napag usapan namin. Tama daw ang naging desisyon ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko 4am ang flight ko papuntang Singapore kaya naman sinundo nalang ako ng mga tropa ko sa bahay at nagdaretso na kami sa airport. Dun nalang namin hihintayin ang iba pa naming classmates. Babalik ako Pau at babawiin kita.
Dra. Pauline Amy Fuentes P.O.V
Ako nga pala ang nanay nina Kris and Pau at asawa ni Dr. Karl Fuentes. masama ba akong ina sa ginawa ko? Para din sakanilang dalawa ang ginawa ko. Baka nabibigla lang si Kris kaya ganun ang mga sinasabi nya. Alam nya kasing hindi nya tunay na kapatid si Pau kaya nya siguro yun nararamdaman.
Nag iisang anak lang namin si Kris. masaya na kami kasi kahit nahihirapan akong magka anak biniyayaan pa din kami ng Diyos na magkaroon ng isang malusog na anak.
"Kris anak, wag ka dyan muna maglaro anak. Maraming patient si nanay." Takbo kasi nang takbo si Kris dito sa clinic. 4yrs old na sya.
"Magandang araw po Dra." Bati sakin ng isang magulang habang may dala dalang bata na babae, si Andrea at ang kanyang anak na si Abby. Lagi nyang pinapa check up si Abby samin simula kasi nang ipanganak ito madalas na sila dito sa clinic kaya naging kaibigan ko na din si Andrea. Isa kasi akong pediatrician at ang asawa ko ay isang Cardiologist. Dahil hindi naman ganun karangya ang buhay nila minsan kinukulang sila sa pera na instead sa pedia-cardio ipatingin si Abby ay naki usap samin si Andrea na kaming mag asawa na lang ang tumingin kay Abby. Naaawa din kasi ako kay Andrea pinabayaan daw ito ng asawa nya kaya hirap sila sa buhay at may sakit din si Andrea na Fibrillation or yung quivering heart, yung sakanya ay Ventricular Fibrillation ito yung life-threatening condition na namana naman ni Abby pero yung sakanya ay Atrial Fibrillation manageable yung condition nya, but still may abnormal heart rhythm pa din ang bata.
Lumipas ang ilang buwan pa, nag makaawa samin si Andrea na kupkupin daw namin si Abby dahil wala na daw maiiwan sa bata kung mamamatay daw sya. Dahil binigyan na daw sya ng taning ng kanyang Doctor, ang sabi nya Harold ang pangalan ng tunay na Ama ni Abby. Napalapit na din ang loob sakin ng bata kaya napag usapan namin ng aking asawa na ampunin si Abby, habang buhay pa si Andrea para mas mabilis ang proseso. Ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay na-confine si Andrea, ginawa lahat ng mga Doctor, maging ang asawa ko ay tumulong na rin ngunit hindi pa rin nailigtas nung araw na din na yun namatay si Andrea. Para bang hinintay nya lang na may kumupkop kay Abby bago sya mawala. Dahil ako na rin ang kinikilalang ina ni Abby nagpasya kami ng asawa ko na palitan namin ang pangalan nyang Abby sa Karissa Pauline. Simula noon itinuring namin syang parang tunay na anak. Masaya kami dahil nagkaroon pa kami ng isang napaka gandang anak.
"PauPau" Tawag sakanya ni Kris. Kasi walang tigil sa pag iyak si Abb--Pau.
"Kris sya ang little sister mo. please take good care of her." Sabi ng asawa ko.
"Popo taytay" sagot ni Kris. "Lablab ka ni tuya tris, paupau" bulol na sabi ni Kris at tumigil ng iyak si Pau. Sa tuwing umiiyak sya pag nilapitan sya ni Kris ay tatahimik na sya.
Nasa loob ako ng kwarto ngayon ni Pau. Matagal na panahon na hindi namin sinabi sakanya. Ayoko. Baka masaktan lang sya. Mahal na mahal ko silang dalawa ni Kris.
May napansin akong white envelope sa may table. Siguro ito yung letter. Agad kong kinuha 'yon. Hindi nya pa siguro dapat mabasa kung ano man ang nasa loob nito.
Ginawa ko lang naman silang paghiwalayin dahil natatakot akong mawala sakin si Pau, ang anak na itinuring kong parang sariling akin. Paano na lang kung isang araw matulad sya sa totoo nyang nanay? Hindi ko kakayanin. Kaya ginagawa namin ang lahat maalagaan at protektahan sya dahil sya lang ang princess ko, at ang bunsong anak ko.