KRIS P.O.V “Hi! Did you miss me?” Ano naman kaya ang ginagawa nya dito? Hindi naman sya ang ine-expect kong dumating. “Hey hon, hindi mo ba ako papasukin?” Naiinip na tanong sakin ni Samantha. Nakita ko ang dala nyang maleta. Medyo binuksan ko pa yung door para makapasok sya. “Bakit ka nandito? Di ba start na ng internship nyo?” Cold kong tanong sakanya. Feel at home ang ex ko, kasi naupo na sya agad sa may sofa nang naka pasok kami sa sala. “Hon naman, dito na nga ako mag i-internship para makasama ka.” sabi nya, dapat si Pau ang nandito ngayon. “The last time I check my status, single na ako.” sabi ko. Medyo naguguluhan na ako sakanya. Makikipag break, tapos binigyan ako ng second chance nung nag dinner kami sa house namin, then hindi naman naging clear yun, kasi nakapag usap na

