Oh yeah two days absent na ako. Tapos ngayon Wednesday, wala naman kaming class.. two months na lang mag i-intern na ako. At two months na lang din graduate na si kuya..
Nagising ako sa malalim na pag-iisp nung nag ring bigla yung phone ko, si Ailee pala ang tumatawag.
"Yes hello?" Bakit kaya napatawag itong isang to.
"Karissa Pauline!! Kahapon pa ako text ng text sayo hindi mo naman ako sinasagot, alam mo bang alalang alala ako sayo. Pati si Nico hindi ka din daw ma contact. Ok ka lang ba?" Nako to talagang si ailee daig pa ang nanay ko kung mag alala.
"Yes po, okay na po ako. Nasa bahay lang naman ako maghapon, wag na nga kayo mag alala sakin. Ako pa." Okay na talaga ang pakiramdam ko. Feeling ko nakapag pahinga ako ng mabuti.
"Mabuti at nasa bahay ka. Bumaba ka na muna dyan at labasin mo ako dito sa may gate nyo." Nagulat naman ako. Ang aga naman ni Ailee para pumunta sa bahay.
"Ang aga mo naman. Sige wait lang pababa na ako." Then I ended the call, nagmamadali akong bumaba para puntahan si Ailee sa may gate. Naka salubong ko si tatay.
"Saan ang punta mo?" Salubong sakin ni tatay
"Dyan lang sa may gate Tay, si Ailee kasi nandyan daw." Tumango na lang si tatay bilang sagot
"Aba ang tagal ah, pinaghihintay mo na ako." Sumbat sakin ni Ailee nang makita nya akong palapit sa may gate.
"Kasi naman po, sino may sabing pumunta ka ng maaga, and pwede naming mag doorbell kasi." Kunyaring naiirita ako.
"Ito naman, ikaw na nga binisita nag aalala lang naman kami sayo kasi hindi ka pumasok tapos sasabihin mong-" Pinutol ko na yung litanya nya kasi for sure kukunsensyahin lang ako.
"Oo na nga po, tara na sa loob! Medyo antok pa nga ako." Pumasok na kami sa loob ng bahay this time si nanay naman ang nakita ko. Maaga din kasing naalis sina Tatay and Nanay.
"Ang aga mo naman hija." Bati ni Nanay kay Ailee.
"Kasi po itong si Pau, kahapon pa ako nag tetext hindi man lang po nag rereply nag alala tuloy kami ni Nico." Pagsusumbong pa nya kay Nanay.
"Ayan kasing kaibigan mo, nag papaka stress na naman kaya inaataki na naman ng sa-" May sasabihin sana si nanay pero pinutol ko na din.
"NAY!!" Awat ko sakanya.
"Oo na nga po, sabi ko nga. Halika na kayong dalawa at mag breakfast muna kayo." Sabi ni nanay, siniko siko pa ako ni Ailee na parang nagtatanong kung ano ba yung dapat sasabihin ni Nanay, umupo na kami sa may dinning area.
"Mabuti wala kayong class today." Nag angat ng tingin si Tatay kay Ailee habang nag babasa sya ng newspaper.
"Oo nga po Tito, nakakas stress na talaga sa school. Ang daming ginagawa." Sagot naman ni Ailee.
"Konting tiis na lang naman yan. Kaya kayong dalawa galingan nyo na, kanina parang narinig kong nag aalala daw kayo dito kay Pau, masyado na akong naiintriga kay Nico, gusto ko tuloy sya ma meet" Wika naman ni Nanay.
"Nako Tita, dapat ma meet mo na sya. At bagay na bagay po talaga sila ni Pau." Itong babaeng to talaga, pati sa parents ko sinabi pa talaga yun. At natawa na lang talaga si Tatay..
"Why don't we invite him for dinner tonight? What do you think Pau?" Ani Nanay at may pag angat angat pa sya ng kilay, natawa tuloy ako, si Ailee ang laki ng ngiti.
"Tama tita. Nako dapat iinvite nyo sya para makilala nyo na rin." Pag sang-ayon ni Ailee.
"May mga pasok ang mga bata bukas. Baka malate yang mga yan. Sa Saturday night na lang natin sila i-invite and one more thing wala ako mamaya dito may naka sched akong operation later." Sabi naman ni Tatay na ikinatawa ni Nanay at Ailee.
"Tita, pati po pala si Tito gustong ma meet si Nico." Natatawang sabi ni Ailee. Masyadong na cu-curious na taaga ang parents ko kay Nico.
"Oo nga, lagi kasi namin naririnig si Nico. Oo ngga pala Pau nasaan ang Kuya mo? Di ba may pasok yun bakit hindi pa bumababa yun?" Tanong ni Nanay. Hindi pala nila alam na sa dorm nag stay ang kapatid ko.
"Kasi Nay, sabi ni Kuya sa dorm muna daw sya mag stay." Totoo naman yun kasi ang sabi ni Kuya sa sulat na iniwan nya kagabi. Hindi ko na sinabi yung nangyari kagabi na sagutan namin ni kuya.
After namin mag-usap kumain na lang kami ng tahimik, pagkatapos ay nag paalam na din aangmga magulang ko. Maaga daw kasi sila ngayon at mag ro-rounds si tatay sa hospital, kaya pagka alis nilang dalawa si Ailee hindi na ako tinigilan mag kwento daw ako kung ano ba daw talaga ang nangyari.
"Wala naman talagang nangyari Ailee." Ayaw ko naman kasi madamay pa sila sa naging sagutan namin nina Kuya.
"Wala talaga Ailee. Sumama lang yung pakiramdam ko kagabi." Sinusuri nya ako nang mabuti kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"At bakit naman sumama ang pakiramdam mo? Syempre may dahilan yun, sabihin mo na. Alam ko kung kelan ka nag sisinungaling." Ayaw nya talaga ako tigilan.
"Wala lang talaga to Ailee." Ang kulit nitong babaeng to.
"Alam kong nag sisinungaling ka, una kinakagat mo yang ibaba mong labi, hep hep hep tigilan mo yan baka magdugo pa yan, second hindi ka makatingin sakin at ang likot likot ng mata mo, third yang pagkukutkot mo ng kuko, and last yang pagbubuntong hininga mo nang sunod-sunod. Kaya alam kong nag sisinungaling ka. Hindi mo sinasabi sakin yung totoong nangyari. Kaibigan mo ako, kung may problema ka hayaan mo akong tulungan ka para hindi lang ikaw ang nagdadala nyan mag-isa. Pero kung hindi ka pa ready mag share okay lang." Nakunsensya naman ako sa sinabi ni Ailee, tama sya ano pa ang pinagsamahan namin kung hindi ko man lang masabi sakanya yung mga nangyayari sakin. Kaibigan ko sya, sa ngayon siguro kailangan ko lang nang mapaglalabasan ng sama ng loob.
"Sige na nga Ailee. Hindi ko talaga kayang magtago ng secrets sayo. Kilalang kilala mo na talaga ako." Nakangiti alo sakanya. Bigla namang ngumiti si Ailee.
"And the best actress award goes to Ailee Colleen Chavez. Ang galing ko talaga mag drama. OMG!!" Tatawa tawa pa din. Loka loka talaga ang bff ko. Sabagay kung wala sya wala na din akong kakampi. At napapagaan nya ang mga problem ko dahil sa pagiging baliw nya.
"Oo na nga po, ikkwento ko na. Tara sa kwarto" Sumunod naman sya sakin paakyat sa room ko. Napatingin ako sa pintuan ng room ni Kuya pero nilagpasan ko nalang at bumuntong hininga.
"GRABE NAMAN PALA TALAGA YANG SI SAMANTHA ROSE TUAZON AT ISA PA YANG KUYA MO" Inis na inis na sabi ni Ailee after ko ikwento lahat ng nangyari kagabi. Ang sakit sa tenga ng sigaw nya.
"Iyak nga lang ako ng iyak nung isang gabi." Malungkot na sabi ko, nakita ko yung muka ni Ailee from anger naging soft yung expressions nya.
Tapos after a second nag salita na sya. "If you're rejected, ACCEPT. If you feel unloved, LET GO. If they choose someone or something over you, MOVE ON. Remember that, in every NO from someone, is a YES to someone better" Napaisip ako sa sinabi nya. How many times na ba ako na reject ni Kuya? Should I accept it? How many times na nga ba I feel unloved because of him? How many times na nga ba ako pinagpalit kay Samantha? Pero itong tanga kong puso hindi nakikinig sakin. Laging sya ang nasusunod, pero sa huli sya din naman ang nasasaktan.
"Karissa Pauline, hindi mo kailangan masaktan lagi, may mga taong ikaw ang gustong i-prioritize. Gusto ko lagi kang masaya, like what I've said a while ago in every NO from someone, is a YES to someone better, madali lang naman yun diba? Kung lagi kang nasasaktan ng Kuya Kris mo, tandaan mo there's always someone who is better than him. Like Nico, he may be a new friend but kitang kita naman natin kung paano sya mag alala sayo. Mas kinakampihan ka nya unlike dyan sa Kuya mo na hindi marunong makinig at inuuna lagi yang si Samantha." Yung mahabang paliwanag ni Ailee parang inuntog ang ulo ko at bigla na lang bumilis yung heartbeat ko. Naku ito ba yung epekto nun?
Ngumiti ako kay Ailee, ano na lang ang gagawin ko kung wala sya. Mas gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko naman kailangang malungkot habang sina Kuya at Samantha ay nag sasaya. "Basta thank you Ailee lee lee ko. Busy kaya si Nico ngayon. Should I text him na ba? For our Saturday dinner." Masayang sabi ko kay Ailee, na miss ko din yung isang makulit na yun.
"Ganyan Pau, magpakasaya ka naman, sulitin mo na. Naku matutuwa yun pag nag text ka." Bakit parang sobrang close nitong dalawa.
"Ikaw nga umamin sakin, may gusto ka ba dyan kay Nico? At bakit sya lagi ang bida, before gustong gusto mo si Kuya. Nag iba yata ihip ng hangin." Biglang namula si Ailee. Para kasing si Nico ang bukam-bibig nnyalagi.
"Ano ba. Wala akong gusto kay Nico, at kung sa issue naman ng Kuya mo. Ayoko na sakanya kasi lagi ka nyang sinasaktan, pero kasi-" Parang hiyang hiya pa sya.
"Ano? May hindi ka ba sinasabi sakin?" Ako naman ang sumusuri sakanya ngayon.
"Kasi ano. Kilala mo si Zylee Jullian Santos?" Medyo nahihiya pa syang sabihin yan.
"Ailee naman pano ko yun makilala, hindi mo naman pinakilala sakin. Duh?" At inirapan ko pa sya. Tapos natawa nalang ako sa kaartehan ko, ganyan lang talaga kami. "So anong meron dyan sa ano? Ano nga ulit name?"
"Zylee, ZY-LEE. Kasi crush ko na yata sya. Med student din sya sa school natin. Alam mo ba ang galing nya sumayaw, kumanta, mag guitar, piano, he can also rap." At nangingislap pa talaga yung mata nya. Pero hindi ko naman kilala yon.
"Aba, kaya siguro nung mga panahong nawawala ka nag stalk ka sakanya no." Mapang-asar kong sabi. Tama na nga ang drama ko sa buhay. Hindi ko na tuloy alam ang nangyayari sa buhay nitong bff ko.
"Pau, bilis open mo yung laptop mo tas hanapin natin si Zylee sa facebook." Hay nako ayan na naman ang pagiging stalker nya. Pero ano pa nga ba magagawa kon hawak nya na ung laptop ko.
"Ayan ayan yun Pau. Bilis i-click mo na. Tingnan mo yung picture nya ang gwapo diba?" Ang kulit ni Ailee, medyo masakit na sa tenga yung pag sigaw sigaw nya sa kilig.
"wait i-add ko ba??"
"Wait! Bakit may mutual friend kayo? Bilis tingnan mo kung sino." Excited na sabi nya.
"Wait lang ha. Natataranta lang? Syempre taga school nga natin diba kaya for sure may mutual kami nyan." Pero laking gulat ni Ailee ay pati ako rin pala nagulat kasi ang mutual namin ay si
"JASPER NICHOLAS MONTEVERDE??" Sabay pa naming sigaw..
"OMGGG PAU! BAKA KAKILALA SYA NI NICO OMG TALAGA" Nag sisigaw pa sya. Kulang nalang ay tumalon talon sya sa kkamako.
"Ailee. please ang ingay mo."
"Natext mo na ba si Nico? Yung about sa Saturday? Huh? Huh? Huh?" Parang baliw na sya. Hindi maalis sa muka nya yung ngiti.
"Oo, bakit ba? Kumalma ka nga dyan. Ganun mo ba talaga kagusto yung ano nga name?" Seriously di ko matandaan.
"Sabi na nga kasing ZY-LEE ZYLEE." Sabi nya na parang kinder ang kausap.
"Oo nga. Zylee nga. Wait tumatawag si Nico." Pag puputol ko sa asaran namin ni Ailee. Bigla kasing tumawag si Nico.
"Hello this is Pau, how may I help you?" Bakit ba ang saya ko kaya ngayon. Ang saya lang talaga.
"Base sa greetings mo, I can say na happy ka and okay ka na. Buti naman hindi tumatalab ang sakit sayo at agad agad na umaalis." Sabi ni Nico. Natawa naman ako dun.
"Ganun talaga. Bawal sila tumambay sakin eh. So napatawag ka?" Natatawa ako kay Ailee. Kung anu-ano kasi sinesenyas sakin.
"Sasabihin ko lang na pumapayag na ako sa invitation mo sa dinner date." At natawa sya sa sinabi nya.
"Baliw! Hindi date yun. Kasama natin si Ailee and ang parents ko." Dinner lang, wala pang date.
"Ang bilis mo naman Pau, hindi mo man lang ako niligawan at ipapakilala mo na agad ako sa parents mo." Mas lumakas yung tawa nya. Pati tuloy ako natawa na. So ang lumalabas ako ang nanliligaw dahil ako ang nag aaya sakanya.
"Hay nako Nico. Baliw ka talaga. Gusto ka kasi makilala ng parents ko, nakwento ka din kasi ni Ailee sakanila, ayun masyado tuloy silang naging interested sayo." Pag e-explain ko sakanya. Baka kasi magulat sya pag nakita nya parents ko at sobrang daming questions para sakanya.
"Ganun ba. Akala ko ipapakilala mo na akong boyfriend mo." Natahimik ako saglit. Boyfriend? Hindi pa yata ako ready para don.
"Sira ka talaga. Basta punta ka na lang sa bahay kahit mga 6pm na" Baka kasi may klase pa sila pag mga five pm ko sya pinapunta. Okay na yung six para sure.
"Oh Sige. Pahinga ka pa. Sabi ni Ailee wala daw kayong class ngayon." Tumango ako, kala mo naman nakikita nya ko.
"Okay. Goodluck." Then I ended the call. Napatingin ako kay Ailee ni hindi man lang ako tiningnan at ngingiti ngiti mag isa dun sa harap ng laptop ko. Sino nga kaya yung Zylee na yun ngayon ko lang narinig yung name nya. Talented naman pala bakit parang hindi ko sya napanuod sa mga event sa school.