“Pau buti dumating ka na. Malapit na mag start ang exam.” Yan agad ang salubong sakin ng bff kong si Ailee. Since first year college pa lang bff na kami nyan. Sabay kaming lumaban para makapasa sa mga exams namin.
“Oo nga, malapit na at bakit nasa labas ka pa din?” Nagtataka naman ako sakanya kasi wala ng masyadong tao sa corridor.
“Syempre hinihintay kita eh.” Malambing na sabi nya. Well ganyan talaga yan. Akala mo hindi sya makakapag-exam pag wala ako.
“Akala ko naman may hinihintay ka. Love you Ailee lee lee ko.” Sabi ko sakanya, bago niyakap ko sya. Kung lalaki lang siguro baka mapagkakamalan na mag bf-gf kami sa sobrang ka sweet-an namin ehh..
“Love you too Pau Pauu." Akala mo naman hindi kami nagkita ng matagal. Pareho kaming napatigil. Bigla ba naman kasing tumunog yung phone ko.
“Sabi ko naman sayo i-silent mo yung phone mo. Lagot ka na naman pag nahuli ka nyan.” Paalala nya sakin. Ang sweet talaga ni Ailee.
“At ano na naman yang ngini-ngiti mo dyan?” Tanong nya, kasi naman hindi ko na sya pinansin. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang tumingin ako sakanya. Pinakita ko yung message sakin.
“Good luck ulit sa exams nyo. I love you Pau” Kinikilig din at napangiti si Ailee nang nabasa yung text sakin ni Kuya.
“My God! Ang sweet talaga ng Kuya mo. Kahit ako ma-iinlove sakanya” Alam nya din kasing crush ko yung sarili kong kapatid! OO tama, crush ko nga yung kapatid ko.
“Pumasok na kayo malapit na mag start. Andyan na si Sir.” Sabi ni Alvin classmate din namin. Ewan ko ba dito bakit laging seryoso.
Pumasok na kami at nag start na nga ang exams! AFTER 2 HOURS natapos na din kami. Bakit kaya ang hirap, nag-aral naman ako.
Bigla namang dumaan sa harap namin si Samantha. Sasabihin ko sana yung pinapasabi ni Kuya. Kaya lang nadali nya yung mga hawak ni Ailee na mga books at nahulog, pero deadma lang sya. Di nya tinulungan o kaya mag sorry man lang. Nakakainis talaga yang si Samantha, bakit ba kasi nagustuhan yan ni Kuya.
“Napaka sama talaga ng ugali nyang si Samantha.” Padabog na humarap sakin ni Ailee. Hindi na maipinta ang muka nya. Attitude din kasi tong si Samantha. Kala mo kinaganda nya.
“Hayaan mo na, malalaman din ng Kuya ko ang tunay na ugali nyan.” Tinulungan ko na lang mag ayos at pulutin ang gamit ni Ailee.
Instead na sabihin ko yung pinapasabi ng Kuya ko. Hindi ko na lang sinabi. Sa ugali nyang yan. Napailing nalang ako habang tinitingnan na makipag usap sya sa ibang mga batchmates namin.
“Ailee. Let’s eat muna ng lunch, gutom na talaga ako! Mcdo?” Sobrang na drained yata ako sa exams namin. Kailangan ko munang ikain to para bumalik ang nawalang energy ko.
“Sure!” Ayan ang gusto ko sa bff ko! Mag kasundo talaga kami lalo na sa pagkain. Madalas kami mag foodtrips. Ewan ko ba kung dahil sa sobrang stress to.
Habang hinihintay namin yung order namin. Na ikwento ko na din sakanya yung about kay Jasper Nicholas Monteverde na hindi ko alam kung anong course nya kasi naman bakit hindi ko napansin yung suot nyang uniform kanina. Sa muka nya kasi ako nag focus.
“Ganto yan Pau, pwedeng RadTech sya? Or Nursing, o baka naman Physical Therapy or Occupational Therapy sya.” Sabi nya sakin. Habang nag-iisip din sya.
“Ailee naman! RadTech?? Nasa lower ground kaya ang floor nila and sa 2nd floor tapos mag e-elevator pa talaga? At kung PT or OT man sya makikilala ko yung muka nya. Syempre makikita ko din sya sa floor natin. And kung Nursing? Pwede din naman. Ano na kayang year yun? Crush ko na yata sya. Tapos ang bango nya pa!” Para lang talaga akong nag de-day dream dito sa loob ng Mcdo.
“Paano kung Med sya?? OMG! Bigtime!” Tuwang tuwa naman nyang sabi. Pati tuloy ako umaasa. Pero kasi bakit nasa building namin sya.
“Ailee naman! Sa Wang building ko nga sya nakasabay. Bakit naman napunta ang Med dun? Ang layo naman ng building nila satin" Wala naman kasing gagawing ang Med students dun sa building namin. Unless may pupuntahan talaga sya.
“Oo nga pala. Change topic. Diba graduating na ang Kuya mo?” Nalungkot na naman ako sa tanong ni Ailee.
“Ano ba naman Ailee! Pinaalala mo na naman yan. Oo, pero sure akong ihahatid pa din naman nya ako kahit na busy na sya pag nag ka work sya. At teka nga, bakit mo naman naitanong bigla ang kuya ko?” Kasi gusto ko pa sanang pag usapan si Jasper Nicholas Monteverde. Gusto ko sya ii-stalk.
Lumingon bigla si Ailee sa right side nya. sana hindi na lang pala ako lumingon. Pano sa di kalayuan nakita ko si Samantha and Kuya na magkasama. Ang sweet sweet nila, sinusubuan pa ni Kuya si Samantha, ano ba sya baldado para subuan pa? Muka namang kaya nya. Nakakainis na nakakawalang ganang kumain.
"Easy lang Pau. Remember kapatid mo yan. Kasi naman kung sinasagot mo yung mga nanliligaw sayo eh di sana naibabaling mo sakanila yung feelings mo na hindi naman dapat sa Kuya mo. 4th year ka na at hindi ka pa din nag kaka boyfriend.” Mahabang pangaral nya sakin.
“Ailee, alam mo namang hindi ko sila gusto. Si Kuya lang talaga.” Hindi ko naman kasi talaga mapigilan, pero sinusubukan ko naman.
“Kapatid mo yan. Hindi pwede. Incest lang friend? Baka kasi sya lang ang naging standard mo sa mga lalaki.” Tatawa tawa si Ailee ng biglang dumating na yung order namin. Kahit naman bff ko sya, hindi nya nakakalimutan na pangaralan ako.
“Excuse me!” Parang kilala ko yung boses na yon. Syempre hindi ako lumingon baka mamaya hindi naman ako kausap sabihin pang feelingera lang ako.
Kung maka ngiti naman tong si Ailee.. parang nakakita ng gwapo “Pau, excuse daw oh.” Sabi ni Ailee habang ngiting ngiti pa din sakin.
So no choice, lumingon na ako. Ako naman pala talaga yung kausap. OMG! Si JASPER NICHOLAS MONTEVERDE. Yung gwapo sa may elevator. Bakit nya ako kinakausap?
“Ano pong kailangan nyo?” Ang galang ko bigla. Grabe lang, bakit nya ba ako kinakausap. Nahihiya na din tuloy ako.
“May naka upo ba dito? Pwedeng-” Hindi pa man natatapos mag salita si JASPER NICHOLAS MONTEVERDE suminggit na naman si Ailee. Akala ko may sasabihin sya sakin. Yun pala makiki upo lang.
“May kasama ka ba Kuya? Since table for four naman to, pwede kayong sumabay samin.” Wow Ailee feeling close lang talaga. Ako tuloy yung biglang nahiya.
Napangiti na lang si JASPER NICHOLAS MONTEVERDE. “Wala akong kasama, okay lang ba talagang makisabay?”
“Oo naman” Itong babaeng to. Sinasamantala naman.
Naupo na nga sa tabi ko si JASPER NICHOLAS MONTEVERDE at kumain na kami. Medyo ang awkward lang kasi hindi kami nag sasalita.
“Hello. I’m Nico, Med student ako. Same University tayo.” Biglang nag salita si JASPER NICHOLAS MONTEVERDE. Nico for short nga daw!
“I’m Ailee and sya nga pala si Karissa Pauline. PT student naman kami.” Sya nalang talaga ang kumausap kay Nico.
“Oo, kaya pala namumukaan ko si Karissa.” Bigla syang humarap sakin. “Karissa right? Remember kanina sa elevator?” Sabi nya. Kaya naman bigla akong nagulat kasi naalala nya pala ako.
“Yes. Med student ka? Pero bakit nasa Wang building ka? Ano yun naligaw?” Ang awkward lang ng tanong ko sakanya. Wala ako maisip.
“Med student nga ako. Masama na bang pumunta sa wang building?” Nagtataka naman nnyangtanong sakin.
“Hindi naman masama. Pero bakit sa building nyo bawal kami pumasok? Ang damot lang? Pang mga Med lang yung building nyo.” Natawa sya sa sinabi ko.. Ohh Myy Holy Lord.! Bakit ang gwapo naman nito?
“Bawal ba kayong pumasok? Hindi ko alam yun ah!” Hanggang ngayon naka ngiti pa din sya ang gwapo talaga.
“Ang cute nyong dalawa.” Nagulat kami nang nag salita si Ailee.
“Baka may magalit sakin, tapos bigla na lang akong sugurin dito ah.” Sabi ni Nico. Tinutukoy nya siguro kung may boyfriend ako.
“Promise walang magagalit sayo. Single kaya yang bff ko! Unless, ikaw ang may girlfriend dyan.” Nakakahiya talaga yung pinag sasabi ni Ailee. Tiningnan ko sya ng masama sign na tumigil na sya.
“Wala naman ding magagalit sakin.” Single din sya. Siguro ay focus talaga sya sa pag-aaral. Kasi naman ang hirap kaya maging Med student.
Nagtatawanan kami, pero bigla naman kaming napatigil at napatingin ng sabay-sabay sa lalaking tumikhim sa gilid namin.
“Akala ko ba walang magagalit?” Natatawa tawang tanong ni Nico samin. Kaya kumunot ang noo ko.
“Kuya?” Nagtataka ako bakit sya nandito. Kasama nya yung girlfriend nyang mukang hipon kanina.
“Tapos na exams nyo diba? Halika na uuwi na tayo.” Ngayon na nga lang. Kainis naman, kung kelan nagkakasayahan na kami.
“Ailee, Nico. Mauna na pala ako. Sige thanks!” Pag kasabi ko nun, sumunod na ako kayna Kuya sa parking lot.
“Kuya, gusto ko sa passenger seat.” Pag iinarte ko. Muka kasi akong third wheel.
“Pau, sasabay natin si Samantha dun ka na lang muna sa likod.” Napangisi naman sakin yung isa. Ang sarap nyang tuktukan.
“Kuya naman!” Sabi sainyo ako lang talaga ang maarte sa pamilya namin. Pero syempre hindi naman ako mananalo sa Kuya ko.
“Karissa Pauline, later!” Hindi na ako sumagot. Kasi naman once na tinawag na ako sa buong name ko, warning na!
Habang nauuna si Kuya mag lakad. Sinangga ba naman ako ni Samantha at nag smirk pa sakin. Ang sarap sabunutan nung babaeng yun. Parang sinasabi nyang pag dating saming dalawa sya ang pipiliin ni Kuya.