Imaculate's POV: Kumakain pa rin kami dito sa dining hall. Hindi ko maintindihan ang riddle at ang stage na 'to. Bahala na si batman. Basta ang gagawin ko, magpakabusog muna ako ngayon. "Sa tingin niyo, ano na naman kaya ang gagawin natin? Ano kayang klaseng pagsubok naman ngayon?" Tanong ni Xavier. Sarap na sarap si Xavier sa pagkain ng lechon. Grabe ang isang 'to, napakatakaw. Hindi halata sa katawan niya dahil maganda ito. "I don't know. Magpakabusog na lang muna tayo." Seryosong sabi ni Slick habang kumakain. "Ghad, ang sarap ng gulay." Sabi naman ni Megan. Nakangiwi kaming lahat habang nakatingin kay Megan. Vegetarian daw siya at hindi siya kumakain ng poultry and meat products. Para siyang kambing. Nabubusog ba siya r'yan? "Iw, Ate Megan. You look like a caterpillar na."

