Imaculate's POV: Nagising ako dahil sa kung anong tumatalon sa aking tyan. Ano na naman kaya ang nangyari? Nasaan naman kaya ako ngayon? Unti-unti akong nagmulat at inilibot ang tingin sa paligid. Napabalikwas ako nang bangon ng may makita akong palaka na tumatalon sa tyan ko. Madulas pa ito at parang malumot. "Kadiri!" Sigaw ko. Napasigaw pa ako at irit dahil ayaw ko sa palaka. Nagtatakbo naman ako palayo sa palaka kung saan ako nakahiga kanina. Nasa damuhan ako sa gitna ng isang malawak na palayan. Maputik ang paa ko dahil sa wala akong sapin sa paa at kanina pa ako tumatakbo. Amoy lupa na rin ako at maganit ang buhok. Nadapa ako nang matalisod ako sa isang malaking umbok sa lupa. Sungaba akong natumba, nalublob ang mukha ko sa putik. Napakaswerte naman oh! "f**k, ang alaga ko

