"Ano ba kasi meron dyan sa Future Husband na iyan?" Tanong ni Ida sa kaibigan na abala sa pag scroll sa kanyang cell phone.
"Hindi ba obvious? Sa words pa lng na future husband, alam mo na kung ano ang ibig sabihin," sagot ng kaibigan si Mary.
"Aysus nagpapaniwala ka Naman sa website na iyan, scam iyan girl, makatagpo ka pa dyan Ng manloloko sa iyo na lalaki,"
"Ganyan ka magsalita, palibhasa may boyfriend ka na, iyon nga lang Hindi ka niya maipakilala sa mga magulang na nobya ka niya"
Na Tahimik si Ida sa sinabi Ng kaibigan, kasi totoo Naman ito, three years na Silang may relasyon ni Nathaniel pero, Hindi pa siya dito ipinakilala sa pamilya nito bilang nobya
"I'm sorry girl, I didn't mean to hurt your feelings," hingin paumanhin ni Mary sa kanya. Though she's right nakaramdam pa rin siya ng lungkot.
"It's okay, Tama naman sinabi mo eh, mag boyfriend nga kami ni Nathaniel for three years now, pero until now Hindi namin masabi sa magulang niya Ang relasyon namin."
She feels a tight hug from her friend,"don't worry, baka kumukuha lang ng tamang Oras si Nathaniel para ipakilala ka sa parents niya."
"Oo nga iyon ang sinabi niya sa akin,"
Oras ng tanghalian, tulad Ng nakagawian niya ay hihintayin niya ang nobyo sa pinakamalapit na restaurant , kung saan duon Sila magkasabay na mag tanghalian.
Halos kalahating Oras na siyang naka upo duon, at nakatingin na ang waiter sa kanya dahil sa Wala pa siya naorder ng makarinig siya ng nagsalita sa kanyang tabi.
"Excuse me, are you waiting for someone, if not, pwede maki upo, while I'm waiting for my order," wika ng magandang babae.
"Oh sure, wala pa naman iyon hinihintay ko," sagot niya sa babae.
Hindi naman nagtagal ay umalis din Ang babae dahil sa Ang order nito for take away ay dumating na.
Nagdesisyon na rin siyang mag order kahit pa nawalang na siyang ganang kumain. At tiningnan Ang cellphone na wala pang reply nagmula sa nobyo, at kumain na lang siyang mag isa.
Natapos ang Oras Ng trabaho at Oras na ng uwian ng makatanggap siya Ng mensahe sa nobyo.
Nathaniel: Ida, pasensya kana busy kasi Ako maghapon, may meeting kasi kanina.
Mabilis siyang nag reply
"Ayos lang, sana nakapag tanghalian ka sa tamang Oras, hintayin na lang kita sa sakayan ng bus."
Duon niya hihintayin si Nathaniel tapos Sasakay siya sa sasakyan ng nobyo para ihatid siya nito sa kanilang Bahay
Nathaniel: naku huwag na mauna ka ng umuwi may gagawin pa kasi Ako.
"Okay sige Mauna na ako, mag ingat ka."
Nakatitig siya sa cellphone, at seen lang siya at Wala Ng reply sa nobyo. Kaagad siyang nagliligpit Ng gamit at humanda na rin sa pag Alis Ng tinawagan siya ni Mary.
"Ida, sabay na tayo sa paglabas,"
"Halikana, para may makasabay Ako, sa paglalakad papunta sa sakayan ng bus."
"Bakit Wala ba nobyo mo,"
"Mag overtime siya ngayon."
"Ganun ba, himala ata, for the first time na hindi mo siya kasabay sa pag uwi?"
"Mag overtime nga," sagot niya sa kaibigan.
Nakatayo sila sa harap ng elevator ng napansin niya ang paglabas ng babaeng nakita niya sa restaurant mula sa Isang silid ng building na pinapasukan niya.
Nakangiti ang babae sa kanya, na ginantihan niya rin ng ngiti.
"Hi,"
"Hello,"
Bati nila sa isa't isa. Hindi naman nagtagal ay bumukas Ang elevator and she's shocked to see Nathaniel with another woman inside of the lift. Magkahawak kamay ito, nakangiti ang babae sa kanila na halatang proud ito sa nakita nila. Bakit hindi, gwapo si Nathaniel at isa itong CEO sa kumpanya. Iyon nga lang walang nakaka alam na nobyo niya ang lalaki except Mary. Kababata niya si Nathaniel, at dito na rin sa building na ito nabuo ang kanilang relasyon na lihim sa nakakarami.
CEO si Nathaniel sa Isang company dito, samantalang siya ay Isang accountant naman, magkaiba ang kumpanya na pinapasukan nila ngunit sa iisang establishmento ito. Maganda din naman ang babae, at halatang may kaya sa Buhay base sa suot nito na halatang branded.
Pakiramdam niya at nanigas ang katawan niya sa nasaksihan, kung hindi pa siya hinila ni Mary nasa ganun na lang siyang sitwasyon, at baka saraduhan n lang siya ng elevator.
Nakatitig siya sa nobyo, na iniiwas ang tingin sa kanya.
"Miss, alam ko gwapo ang nobyo ko, baka matunaw siya sa kakatitig mo," wika Ng babae na kasama ni Nathaniel.
"Aba…" narinig niya nagsalita si Mary na kaagad niyang hinawakan ng mahigpit ang palapulsuhan nito.
"Pasensya na Miss, you was right, ang gwapo ng boyfriend, it's just that it reminds me of someone na kamukha niya,"
"Really…"
"Yes, someone I know na manloloko." She said couldn't hide a sarcastic tone.
She felt an anger rose inside her heart towards Nathaniel, Hindi niya akalain na niloloko siya Ng lalaki napapaisip tuloy siya, kailan pa kaya siya niloloko ng nobyo?
"Is that so… I'm sure he's not like my boyfriend," sagot ng babae.
"Hindi mo sure," biglang wika ni Mary na hinila siya kaagad palabas Ng elevator, na nagkataon Naman bumukas ito.
Iniwan nila ang dalawa at nakita niya ang babae na kasabayan nila sa elevator na nakangiti.
Ewan ba niya imbes na magalit siya sa babae dahil sa nakangiti ito, ay ngumiti na rin siya Lalo na ng tumingin ito sa direksyon nila habang papalabas sila Ng building.
"Did you know that woman?"Tanong nito sa kanya,
"Hindi, sino ba siya?" Sagot niya sa babae, she restrain herself to tell na Kilala niya Ang lalaki na kasama ng babae sa lift, that she is referring to the same man na manloloko.
"Siya si Ms Carolina Alonzo, anak ng may Ari ng Alonzo traveling agency."
Ngayon niya napagtanto na anak pala ng may ari ng pinagtatrabahuhan ni Nathaniel ang kasama nito, nakaramdam tuloy siya ng pang liliit sa sarili, Ano pa ang panama niya sa babaeng iyon. Siya ay anak mahirap at ulilang lubos na, nakapagtapos siya dahil sa scholarship na nakuha niya sa unibersidad na pinapasukan nila ni Nathaniel.