Chapter3

882 Words
Nagising si Loida sa tunog na nagmula sa kanyang cellphone. Kaagad niyang kinuha ang cellphone, at pinatay ang alarm, matapos ay tumayo na siya para makapag handa sa pagpasok sa trabaho, kahit masakit ang ulo dahil sa halos madaling araw na siya natulog dahil sa kaka scroll sa website, at dahil ka chat niya rin c Mary na siyang nagsabi sa kanya about sa app na "Future Husband," Kung hindi pa talaga siya inaantok at bibigay na ang mata hindi pa sana siya matutulog, Wala kasi siyang ibang ginawa kung hindi tignan ang mga upload na picture ng mga lalaki sa site. Minsan kinukumpara niya ang mga ito sa boyfriend na si Nathaniel, na kung minsan napapa tulala na lang siya at naiiyak sa sitwasyon niya. Napa Buntong hininga siya matapos buksan ang shower, Paano kaya niya umpisahan ang Araw na ito na hindi na maging katulad ng dati. "Ida…" tawag ng familiar na Boses sa kanya as soon as she stepped out of her house. Parang gusto niyang bumalik sa loob Ng Bahay, Hindi pa siya handa na makita at makausap si Nathaniel. "Ida, can we talk please," wika ng lalaki at buntong hininga siya matapos ay humarap siya sa lalaki, sa taas nito na 5'5 ay kailangan pa rin niya ng tumingala, since she's 4'11 in height, "Para saan, hindi pa ba sapat iyon Nakita ko," wika niya na kontrolado ang sarili, iniiwasan niya ang mag eskandalo, Lalo na napaka aga pa at maraming tao Ang dumaraan. Sa tatlong taon nilang relasyon, never pa silang nag away, kaya nga ay iniisip niya they're having a perfect relationship, kasi nga halos magkasundo sila sa lahat Ng bagay. "I want to say sorry." Napangisi siya sa sinabi ng lalaki habang, Ang Galit at sakit na kanyang nararamdaman at gusto niya ng sabihin sa lalaki. "Sorry… kailan mo pa pala ako niloloko, alam mo gago ka ehhh…"she said and couldn't restrain herself at binigyan niya ng malakas na sampal ang lalaki matapos ay mabilis siyang naglalakad palayo dito. Hindi niya na pinansin ang mga tao nakakita at nakarinig ng pagsigaw niya, nagpasalamat siya at may dumaan taxi at kaagad niya iyon pinara. Matapos sabihin ang Lugar na puntahan ay duon naman mabilis na nag unahan sa pagpatak ang kanyang mga Luha at tuluyan na nga siyang humagulgol lalo na ang inabot ng driver Ang tissue box sa kanya. "Miss ayos ka na po ba?" Kaagad niyang nilingon ang driver matapos punasan ang mga Luha. "Salamat po," sagot niya at ibinalik Dito ang tissue box. "Eh Miss, nandito na po kasi tayo, sa sinabi mo na Lugar," Kaagad siyang lumingon sa labas ng sasakyan, at humingi ng paumanhin,"ay sorry po," Kung hindi pa nagsasalita ang driver hindi niya pa malalaman na nakarating na pala siya sa pinapasukan kumpanya, at nakahinto na ang taxi sa harap ng building, kaagad siyang nagbayad at bumaba sa sasakyan, but before that kumuha Muna siya ng dalawang piraso ng tissue sa tissue box. At tuluyan ng isinara niya Ang pinto, matapos makababa. "Babe…" narinig niya ang tawag ng Isang babae na kaagad niyang nilingon at lalo lang parang dinurog ang puso niya ng Makita si Nathaniel na sina salubong ng may Ari ng Boses. Parang gusto niyang hilahin Ang buhok Ng babae at bigyan ulit ng sampal si Nathaniel, dahil sa pakiramdam niya ay lantaran pinapakita ng mga ito na they deserve each other, deserve ni Nathaniel ang babae na iyon kesa sa kanya. She swallowed a lump of her throat bago siya mabilis na naglalakad papasok sa building, hinihiling na lang niya na huwag sila mapang abot sa elevator baka kung ano pa ang magawa niya sa dalawa. "Huy… kanina pa kita tinatawag eh," hinihingal na wika ni Mary na nagsalita sa kanyang tabi habang nakatayo at naghihintay siya sa harap ng elevator. "Kaya ka hinihingal," sagot niya at tiningnan ang kaibigan. "Oo, ang bilis mo naman kasi maglakad, parang may humahabol sayo," Bago pa niya sagutin ang kaibigan, Kaagad niyang hinila Ang kaibigan papasok sa elevator, at pinindot Ang close button, "Okay ka lang?" Tanong ni Mary Ng tuluyan ng umandar pataas ang lift, kaagad niyang niyakap ang kaibigan at umiyak sa balikat nito, kung nuon nagdaan Gabi hindi niya magawan umiyak, kabaligtaran Ngayon dahil halos ayaw mag paawat ang mga Luha na naglabasan sa kanyang mga mata. Naramdaman na lamang niya ang haplos Ng kaibigan sa kanyang likuran, at nagsalita ito. "Halika duon tayo," na sumunod Naman siya matapos siyang bumitaw sa pagyakap sa kaibigan. "Bakit tayo nandito?" Tanong niya sa kaibigan, dahil hindi sa opisina nila Sila huminto, hindi niya maalala kung ito ba napindot niya kanina, sa nagmamadali sa pag pindot Ng close button Ng elevator. "Pinalitan ko ang floor level, kasi alam ko need mo ng time, para ibuhos ang anuman nararamdaman mo ngayon." Sagot ni Mary habang naglalakad sila papunta sa may upuan. Nasa rooftop Sila ngayon. Isinalaysay niya sa kaibigan ang nangyari sa harap ng kanyang Bahay. "Iyon na iyon, Basta na lang siya nag sorry sayo?" Tango ang tanging sagot niya, habang patuloy sa pag tulo Ang kanyang mga Luha. "Tarantado pa la siya eh," At lalo siyang napahagulhol, Tama tarantado si Nathaniel at Tanga Naman siya, dahil wala siyang kamalay Malay na ginagago, niloloko na pala siya ng nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD