Mabilis ang mga kilos ng lahat ng tauhan ni General Nelson Señerez habang patungo sila sa isang private jet na gagamitin ng general sa pag takas sa bansa. Napag-alaman niya na inaasikaso na ang warrant of arrest sa kanya ng gobyerno kaya bago siya mahuli at makulong sa patong-patong na kaso kailangan na niyang makapag tago. "Sir, we have ten minutes. Nakaayos na po ang ruta—walang record ng flight plan." wika ng isang tauhan. "Then what the hell are you waiting for?! Paandarin na!" galit na utos ng general habang paakyat na ng hagdan ng jetplane, madilim ang buong paligid at tingin ang ilaw ng SUV na sinakyan nila ang nag sisilbing liwanag ng paligid. Malapit na siyang makasakay ng bigla sumabog ang sobrang liwanag na ilaw mula kung saan. Ilang sandali pa sunod-sunod na lumapit ang mga

