" Ano ba naman tang*na mga pare... wala naman kayong matinong sinasabi e, dalawang beses na akong iniwan ni Violet pero kahit anong pilit ko kalimutan, siya pa rin hinahanap ko." maktol ni Ivo habang nasa isang VIP room sila sa isang bar at nag-iinom na magkakaibigan. "Alam mo kung anong kulang sa love story mo, bro?" tanong ni Storm na inakbayan si Ivo na sandaling lumingon rito sabay tungga ng beer na nasa bote. "Ano?" takang tanong ni Ivo na salubong ang kilay. "Kama, walang kawala. Harangan mo ng banig, laglag panty yun sigurado ako." nagtawanan naman ang mga kaibigan sa sinabi ni Ian. Sabay taas ng hawak nitong bote ng beer para sa isang toss. "Pag pusong babae ang may trauma, katawan ang gamot!" turan pa ni Ian na tinawanan muli ng lahat. "Hindi ‘yan joke, Ivo. Taktika ‘yan, sun

