Halos durugin na ni Ivo ang mukha ng traffic enforcer na tumangay at nag-uwi kay Violet sa bahay nito. At kahit anong pigil ang gawin ni Blue sa kanya at ng mga magulang nila hindi niya tinigilan ang lalaki. Ipinag sigawan pa nito kanina na wala na silang magagawa dahil inasawa na daw nito si Violet at kahit mapatay pa daw niya ito hindi mababago na possible daw na may nabuo na ang mga itong bata sa sinapupunan ni Violet. 4 days din ang inabot bago pa nila na tunton ng tuluyan si Violet kung hindi pa sila tinawagan ng isang babaeng umiiyak at nakiki-usap na kunin na daw si Violet dahil hindi na daw nito alam kung paano pa pipigilan ang lalaki sa mga susunod na mga araw. Ibinigay nito ang address ng bahay at doon nga nila inabutan si Violet na tulala lang sa sala ng bahay na parang bagong

