Flashback * * "Sh*t! Bakit hindi n'yo ako ginising mga gago ba kayo?" bulalas ni Ivo na nag mamadaling inayos ang kasuotan saka nag mamadaling tumayo. 3am na ng madaling araw at nasa bar pa din sila at mya kanya-kanyang kasamang babae ang mga kaibigan niya maliban kay Doel at Ian na kasal na halos hilahin na ng kanya-kanyang mga asawa patayo dala ng kalasingan. "Dito ka muna, uubusin lang natin ito." pigil pa ni Blue na hinila sa damit si Ivo na pinag papalo ang braso ni Blue. "Alam mo bang muntik na akong tamaan ng kaldero ng batuhin ako kahapon ni Violet." ani Ivo ng maalala ng umuwi siyang galit na galit si Violet dahil naiwan niyang nakasaksak nag rice cooker nila sa condo nito. Nauna kasing umalis si Vio ng umaga dahil may ka meeting itong kliyente. Ibinilin pa nito sa kanya na

