Napatigil sa pag liligpit ng plato sa lababo si Ivo at na itukod sa labi ng lababo ang kamay ng gumapos ang braso ni Violet sa tiyan niya saka inihilig ang mukha sa balikat niya sa likod. "I love you." bulong ni Violet, hindi naman tumugon si Ivo kaya medyo pumadyak si Ivo na parang bata. "Sabi ko I love you." napabuga naman ng hangin si Ivo na umikot ng harap kay Violet pero tiningnan lang ito. "Asan na ang reply ko?" nakalabing tanong ni Violet. "Ikaw ba si Darna?" tanong ni Ivo na ikinakunot ng noo ni Violet. "May superpower ka ba?" "Wala." "Then why are you so insensitive?" inis na tanong ni Ivo na tatalikuran sana si Violet para iwan ito pero pinigilan siya ng dalaga. "Ano ba dapat ang gawin ko? Umiyak na parang nakakaawa, lumapit sa mga pulis at sabihin na meron gustong pumat

