"Salamat sa pag-sama! Marami na akong utang sa'yo." ani Lina ng hampasin sa balikat si Ivo na tumango lang saka tumayo na saka nag paalam na uuwi na. "Teka!" habol naman ni Lina ng mapansin na kanina pa kakaiba ang kilos ni Ivo. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa nanahimik." "Wala, may iniisip lang ako sige na babalik pa ako ng Batangas." "Ang layo-layo bakit kasi ayaw mo pang dito nalang mag headquarters sa Makati at mag padala na lang kayo ng senior engr sa Batangas." wika ni Lina. "Wow! Kung makapag salita ka naman akala mo naman asawa kita." biro naman ni Ivo. "Ayaw mo pa kasi akong pakasalan para naman mag katotoo yan sinabi mo." ngiti ni Lina. "Ayaw nga kitang maging girlfriend asawa pa kaya, saka ayoko ng babaeng may sisiw na sorry." wika pa ni Ivo. "Ang sama mo talaga." ngitin

