Panay ang lingon ni Violet sa paligid hindi niya makita si Ivo, kaya naman niyang umuwi na mag-isa at mag commute ulit pero mas kampante siyang umuwi ng may kasama. Kinuha niya ang cellphone sa bag saka pasimpleng tinawagan si Ivo pero hindi ito sumasagot. Nag riring naman ang phone ni Ivo pero hindi ito sumasagot, hindi naman siguro siya nito iniwan. "Is there a problem?" tanong naman ng ginang ng tabihan siya sa upuan, ngumiti naman siyang umiling. "Nakita nasa labas ang asawa mo ayaw ba niyang pumasok?" "Ngayon po ba nasa labas pa din siya?" "Oo, may kausap at mukhang kaibigan ang kausap niya dahil tumatawa siya habang kausap e." tumango naman si Violet, "Ang galing naman pong kumanta ng anak n'yo." puri ni Violet sa anak ng client niya na ngayon ay inaawitan nito ang celebrant

