Napakunot noo ni Railey habang pababa ng hagdan na parang may na aamoy na nasusunog na hindi mo maintindihan. Salubong ang kilay na nag mamadali tinunton niya ang na aamoy na mabaho. "What was that smell?" takang tanong naman ni Megan na lumabas mula sa den na may bitbit na sketch pad. "I don't know__nandito ba si Raine?" tanong ni Railey ng makita ang berdeng bag na nasa may lamesita sa may living room. "Oo, kanina pa kasabay na dumating ni Ivo at Mikay." sagot ni Megan. "Tsk! Ano nanaman ginawa ng babaeng yun. Hindi ba kasama si Yuan?" "Hindi sabi nasa Singapore ang asawa niya." "Damn!" malalaki ang hakbang na nag tungo sa komedor si Rai na napasunod naman si Megs. "Bakit? Anong problema?" takang tanong naman ni Megan. - - - - - - - "Teka naman tirahan mo naman ako? Hin

