Nagkukuskos ng buhok si Blue na kakatapos lang na maligo ng makitang naka-ilaw ang cellphone niya na ikinatarak ng mata niya ng makita ang pangalan ni Ivo at Violet sa dalawang cellphone niya na nakapatong sa gilid ng kama. Ano nanaman kaya ang kilangan ng dalawang ito. Parang kinakabahan na siya anong oras na malapit ng mag 12 midnight at talagang natawag pa ang dalawa at parehas na cellphone pa niya. Ayaw sana niyang sagutin dahil na iinis na siya pero nakakaramdam naman siya ng awa kaya naman napabuga ng hangin si Blue na sabay ng sinagot ang dalawang cellphone habang binabasa na din ang mga text at chat ng dalawa. "Kuya, gusto ko ng Korean corn dog with mozzarella inside but not too cheesy." "Kuya, hanap mo nga ako ng instant ramen na mukhang nag-aral sa law school." basa niya sa mes

