"Sinong may sabi sa'yo na ilagay mo ang mga gamit mo sa closet ko." turo pa ni Violet sa may pinto ng kuwarto. "Aba saan mo gusto kong ilagay sa ref?" tanong ni Ivo na siniko naman ni Blue. "You're not welcome here umalis ka na!" turo pa ni Violet sa pinto. "I'm staying sa ayaw at sa gusto mo." "No! Ayoko sa'yo." lumapit pa si Violet para ipag tulakan si Ivo paalis. "Should I call Dad and tell him everything para siya na ang kumaladkad sa'yo pauwi?" ani Blue na dinukot ang cellphone sa bulsa kaya natigilan naman si Violet na napakagat labi oo nga pala iyon ang kondisyon ng kuya niya. Hindi nito sasabihin sa pamilya nila ang kalagayan niya basta hahayaan niya si Ivo na tumira kasama siya. Dahan-dahan naman na napabitaw ng braso ni Ivo si Violet. "So, it's settle kelangan ko ng umalis

