Episode 2- Forgetful

1607 Words
Naitakip ni Vio ang kamay sa tapat ng mukha niya ng lumabas siya ng RTC pagkatapos niyang maipanalo nanaman ang isang kaso. Tiyak tuwang-tuwa nanaman ang lola niya. Inalis niya ang kamay sa mukha at napatingin sa maliwanag na kalangitan, saglit lang niyang tinapos ang kaso niyang hawak dahil wala naman kuwenta ang abogado ng akusado. Gagawa ng krimen tapos kukuha ng abogadong pipitsugin, hindi man lang siya na challenge. Presentation ng ebidensya, Cross-examination ng mga witness, Testimony ng forensic experts, CCTV footage, Autopsy report at Arguments lahat wala man lang inilamang sa kanya ang abogado ng akusado. Napabuga ng hangin si Vio na nagtungo na sa kotse niya pero nagulat siya ng makitang wala itong sa parking, pinindot niya ang remote key ng kotse pero wala siyang makita. Kaya kumunot ang noo niya at nag salubong ang kilay, saan niya iniwan ang kotse niya. Bakit wala sa parking lot ang kotse niya dun naman niya iyon iniwan kanina. "Atty. Chua." tawag ng isang MMDA na kaibigan na niya na laging naroon at nag babantay ng trapiko sa harapan ng RTC. Ngumiti nanaman siyang sinalubong ito. "Chief." birong tawag niya rito saka ngumiti na sinaluduhan pa ito na ikinakamot naman nito ng ulo. "Si Atty. naman, yung kotse mo ba ang hinahanap mo?" nahihiya pang tanong nito. "Oo e, nalimutan ko nanaman ata kung saan ko pinark." ani Vio na nag palingon-lingon pa. "Yung kotse mo po kasi na TOW kanina, dun mo kasi iniwan Atty." awang naman ang bibig ni Vio ng ituro nito ang tabing kalsada saka palang niya na alala na oo nga pala basta na lang siyang bumaba kanina dahil sa pag mamadali niya kanina na limutan na niya. Tinanghali kasi siya ng gising kaya nag mamadali siya. "Sinabi ko na kanina sa loob sa guard kaso nasa loob ka pa daw ng courtroom at naka close door kaya wala na kaming nagawa pasensya na attorney." Napakamot naman ng kilay si Violet at nag pasalamat na lang si Vio dito tumalikod naman na ito para bumalik sa post nito. Napabuga naman ng hangin si Violet na kinapa ang cellphone sa loob ng bag niya saka pumara ng taxi na na agad naman may huminto at sumakay na siya habang sakay siya ng taxi tuloy pa rin ang pagkapa niya ng wallet niya sa loob ng niya pero natigilan siya sandali. Cellphone nga pala ang hinanap niya hindi wallet ngunit parehas na wala doon ang hinahanap niya kaya napapamura na napapikit si Violet. Ang galing-galing niya kapag nasa loob ng trial court pero pagdating sa personal niyang buhay parang palala na siya ng palala sa ka clumsyhan niya. Pakiramdam niya may dimentia na ata siya dahil ang lakas niyang makalimot. Nakakairita na lang talaga kung anong ginaling niya sa mga kasong hawak niya siya naman kalokohan niya sa tunay niyang buhay. "Sa Lagdameo tower 4 po tayo." utos na lang niya sa driver ng taxi wala siyang ibabayad sa taxi kaya dun na lang siya papahatid sa Law office ng Kuya Blue niya na nasa 1st floor ng Lagdameo Tower. Pagdating sa sinabing lugar nalaman niya sa guard na wala pala dun ang Kuya niya umalis daw kaya naman nanghiram na lang siya ng cellphone dito para tawagan ang kapatid at sabihin ang problema niya. Napagalitan pa siya nito dahil nasa hearing din pala ito at mag sisimula na. Kaya napatingin siya sa taxi driver na galit na kaya naman napakagat labi na siya na napatingin sa security guard. "Kuya may 1k ka ba diyan," "Po?" "Pautang muna." "Ano kasi ma'am..." mabilis naman na hinubad ni Violet ang singsing na suot at inabot sa guard. "Tunay na diamond iyan kuya, i heard 60 million daw ang halaga niyan pautangin mo muna ako ng 1k tapos singilin mo sa kuya ko tapos ibigay mo yang sing-sing ko pakisabi itago muna niya kukunin ko sa kanya bukas." halata naman napipilitan lang ang guard na dumukot ng wallet at inabutan siya ng 1k. Ngumiti naman si Violet na inilagay sa kamay ng guard ang sing-sing niya saka tumalikod na muling nilapitan ang taxi driver at inabot ang 1k dito sabay talikod ng driver na sumakay na sa driver seat. "Hoy! Kuya Driver ang sukli ko." "Anong sukli tingnan mo nga ang metro ko. Ang tagal-tagal mo akong pinag intay dito tapos hihingi ka pa ng sukli. Ganda-ganda walang pera." "Kuya, ang layo po ng patong sa metro! isang libo piso para lang sa limang kilometro?" Matalim ang tingin ni Violet sabay tingin sa plate number ng taxi. "Sige po, LTFRB na ang bahala sa inyo. Overcharging is illegal, kuya. Hindi kayo pwedeng magpresyo ng parang isa akong turista lang dito sa Pilipinas, abogado po ako kuya." inilabas pa ni Violet ang ID niya at ipinakita rito. Napakamot sa ulo ang driver, halatang nataranta. "Ma'am, usapan naman natin 'yon eh..." "Wala sa usapan na dadayain mo ang metro, wag mo akong inisin kuya pare-pareho tayong nag tarabaho dito. Kunin mo lang kung anong napag-usapan natin pero ayusin mo yang metro mo." matalim niyang sagot wala naman nagawa ang driver kundi abutan siya ng 500 piso na sukli na kung tutuusin maliit pa rin yun sukli pero hinayaan na lang niya. Papara sana ulit siya ng taxi pero napaisip na siya baka tagain nanaman siya wala na siyang pera, kailangan niyang makabalik sa condo niya para kunin ang cellphone at wallet niya bago pumunta naman sa kasunod niyang client na kakausapin. Isang aircon bus ang nakita niyang padaan at sakto naman na dadaan iyon sa building ng condo niya kaya naman agad niya iyong pinara saka nag mamadaling sumakay. Sanay siyang sumakay ng mga pang publikong sasakyan dahil kailangan niyang humalubilo sa mga taong ordinaryo at pag-aralan ang galawan ng tao sa Pilipinas para maintindihan niya kung bakit maraming tao ang nakakagawa ng krimen. Gusto niyang maunawaan ang bawat hinaing ng mga akusado at na sasakdal at maiintindihan lang niya iyon kung mamumuhay siya bilang isang ordinaryong mamayan ng Pilipinas. Medyo puno ang loob ng bus pero hindi naman yun ganun kasikip kaya tumayo na lang siya sa gitna ng bus at kumapit sa bilog na hawakan na malapit sa kisame ng bus. Gusto pang mapapikit ni Violet dahil sa lalaking katabi niya na naka hawak din sa kapitan pero nanampal ang amoy ng kilikili nito. Agad siyang bumitaw para sana lumipat ng puwesto pero bigla nalang malakas na nag preno ang driver ng bus at dahil naka heels siya bigla siyang na out of balance at aksidente na napaupo sa kandungan ng isang lalaki ng na tutulog na may saklob na hoody. Nag-angat naman ng ulo ang lalaking nagising at nagkatinginan silang dalawa kaya tatayo na sana si Violet pero natigilan ng makilala ang lalaki na naupuan niya at kahit ang lalaki ay nagulat din ng makita siya. Inis naman na tumayo si Vio at sumigaw ng para na ikinapreno ulit ng driver kaya ang ending nagulat si Violet kaya bumagsak na ulit siya sa kandungan ni Randell Ivo Razon ang lalaking hinding-hindi na niya gustong makita after so many years na iniwasan niya itong makita o makasalubong man lang, ang lalaking puno't-dulo ng lahat ng sakit na naramdaman niya. Malakas na sampal ang binigay niya rito ng iikinagulat ng lahat dahil ang kamay ni Ivo nasa kaliwang dibdib niya habang yakap pa nito ang bewang niya. "Bastos! Manyak! Halimaw! Hayop!" sigaw pa ni Violet na ikinagulat ng mga tao sa loob ng bus lalo ng pag hahampasin niya si Ivo ng Prada bag niya. Pakiramdam ni Violet kung walang aawat sa kanya makukulong siya sa kasong murder, killing her ex husband is number one of her bucket list. Agad naman siyang siyang inilayo ng lumapit na conductor at sapilitan na inilabas ng bus ganun din si Ivo habang pinag titingnan sila ng mga tao sa bus na nagulat sa nangyari. Napagalitan pa silang dalawa ng conductor saka umalis, nagulat naman si Ivo na mabilis na hinabol ang bus ngunit hindi na huminto kaya galit na galit itong napasuntok sa hangin saka napamura bago bumalik. "You!" sigaw pa ni Ivo. "Tangi** mo!" sagot naman ni Vio sabay talikod at iniwan na ito. "Naiwan ko ang bag ko sa bus at kasalanan mo yun." "E ano naman kung naiwan mo ang bag mo, as if naman may importante sa bag mo?" "Nandun ang laptop ko, Damn it!" sigaw pa ni Ivo tumawa naman si Vio na huminto saka lumingon. "Laptop? Laptop kung saan ka nag lalaro ng ML at COD wow napaka importante talaga ng laptop na yun napaka husay!" sarkastik na wika ni Violet sabay talikod. "Bitter ka pa din hanggang ngayon? My God! Violet ang tagal tagal na nun hindi ka pa din nakaka move on," napahinto naman si Violet saka mapait na ngumiti. Oo nga napakatagal na nga naman nilang hiwalay at in somehow ginusto din naman niya iyon. Ang mag hiwalay sila pero ang masakit lang talaga pinag sawaan muna siya ng lalaking ito bago siya iniwan. Anong akala nito matutuwa siya? Sinong matutuwa sa ginawa nito magpasalamat ito at ni minsan hindi siya nag salita ng kahit ano dito. Na grant ang divorce nila ng tahimik at wala siyang hinabol kahit isang kusing dito. "Just go to hell saka pa lang ako makaka move on kapag patay ka na." mariin na wika ni Violet saka muling naglakad na papalayo kasabay ng pag patak ng luha niya. Ang dami na niyang bagay-bagay na nalilimutan pero yung sakit na dinulot ni Ivo sa kanya kahit konting detalye wala siyang nalimutan lahat yun naka baon sa memorya niya na pilit niyang kinakalimutan pero hindi nikya magawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD