"Putsa naman Ivo!" Bulalas ni Blue na napasabunot sa buhok ng makatanggap ng tawag galing sa presinto kung saan naka detain ang kapatid dahil hindi sila umabot sa cut-off para sa bail nito kaya walang choice kundi sa kulungan matulog si Violet habang mag papa-file siya ng bail para dito. Na asikaso na niya ang lahat at titiyakin niya na bukas na bukas makakalabas is Violet. Wala pang alam ang parents nila pero tiyak bukas na bukas laman na ng pahayagan at balita si Violet sa TV. Naki-usap si Violet na wag na munang sabihin sa pamilya nila ang nangyari dahil hindi daw naman ito big issue dahil wala itong kasalanan. Magagawa daw nitong malampasan ang problemang yun. "Sir, nanggulo po siya. Nagwala, sinubukang pumasok sa restricted area. Kahit pa may dahilan siya, hindi po namin puwedeng pal

