Nang magising si Brielle ng umagang iyon bigla ay kinapa niya ang sarili at pagkuwa'y kinuha ang thermometer na nakapatong sa side table at mabilis na itinusok sa kanyang klili kili. Maya maya pa ay tumunog na ito at nakita na niya ang resulta ng kanyang temperatura.
Nanlaki bigla ang kanyang mata dahil 38.6 parin ang kanyang temperatura dahilan upang lumiban muna siya sa kanyang trabaho. Ngunit bigla ay naalala niya ang mga deadline niyang proyekto ngayong araw kaya naman kahit masama pa ang kanyang pakiramdam pinilit parin niyang bumangon sa higaan upang makapag handa na sa trabaho.
Nang makita siyang bumaba ni Manang pacita dali dali ay inalalayan siya at pagkuwa'y sinalat ang kanyang noo. ''Maam Brielle ang init mo pa huwag mong sabihing papasok ka s trabaho Maam?'' Nakakunot noong tanong sa kanya. ''Manang kailangan ko hong pumasok ngayon sa opisina dahil ngayon ang deadline ng dalawa kong malaking project'' Paliwanag niya sa Matandang katulong.
''Pero Maam kabilin bilinan ni Sir na huwag kayong papasukin ngayon'' Paliwanag ni Manang. ''Manang pasensiya na ho at hindi ko talaga pwedeng hindi pasukan ang trabaho ko ngayon'' Pakiusap niya sa Matandang katulong. ''Pero Mam baka ho biglang dumating si sir ng maaga at hanapin kayo'' Paliwanag muli nang Matanda. ''Ganito na lang ho manang tawagan ninyo ko agad kapag dumating siya ng maaga tapos gagawan ko na lang ho ng paraan sandali lang naman ho ako sa opisina ngayon'' Paliwanang niya muli sa Matanda.
''Okay sige Maam, Basta ho huwag niyo nalang tagalan sa trabaho niyo kasi alam niyo na kami ang mapapagalitan ni sir'' Paliwanag muli ni Manang pacita. At pagkuwa'y pinanghain na siya ng maalmusal sa lamesa at pinabaunan siya ng sandamakmak na gamot.
Pagkatapos mag ayos ni Brielle dali dali ay lumabas na siya ng bahay. Ngunit tangkang bubuksan na niya ang gate upang makalabas ay tumambad naman sa kanya ang binatang si Johnny na papasok ng gate dala ang sasakyan nito. Bigla ay kinabahan siyang malaman ni Nathan na papasok parin siya sa trabaho kahit na may sakit.
Bigla naman bumukas ang bintana ng sasakyan ng binatang si Johnny at pagkuwa'y tinanong siya kung saan pupunta. Ngunit nang ipaliwanag niya dito ang kailangan niyang gawin at tapusin sa opisina ay agad itong nagprisintang ihahatid nalang siya sa opisina. Hindi na siya tumangi pa upang kahit papaano ay hindi siya mahirapan bumiyahe.
Nang makasakay na siya ng sasakyan ng binata biglang nagulat si Brielle ng salatin nito ang kanyang noo. '' You're still having a fever bakit kailangan mo pang pumasok?'' Tanong ng binata sa kanya. ''Hindi ba nasabi ko na sayo ang dahilan?'' Sagot niya sa binata muli. ''Okay I'll wait you there hangang matapos mo ang gagawin mo'' Suhestiyon nito.
Napabuntong hininga nalang si Brielle dahil tila dalawang lalaki pa ngayon ang kokontrol sa buhay niya. Kahit hindi sang ayon si Brielle sa sinabi ni Johnny agad nalang siyang pumayag para narin hindi magalala si Nathan sa kanya.
Nang matanaw na niya ang building na kanyang kumpanyang pinapasukan dali dali ay nagpaalam na siya kay Johnny na ibaba nalang sa tapat nito. Ngunit laking pagtataka niya ng ipasok nito sa loob ng parking lot ng building ang sasakyan. Dahil sa pagkakaalam niya ay tanging ang may ari at employee lamang ng building ang maaring mag park ng sasakyan sa loob.
Nagtataka man siya ay pinili nalang niyang huwag magtanong at baka malate na siya sa deadline na hinahabol niya. ''Thank you Johnny huh see yah later'' Paalam niya sa binata. Agad naman itong tumango at pagkuwa'y bumaba narin ng sasakyan. Hindi na tinignan ni Brielle kung saan pa ito tutungo dahil sa pagmamadali niya.
''Hi Brielle good morning'' Nakangiting bungad sa kanya ni Treena. ''Morning din Treena'' Bati niya rin dito. ''Brie, nga pala hinihintay na ni Mr. tan ang presentation mo today nasa meeting area na sila'' Paliwanag ni Treena sa kanya. Kaya naman halos talunin niya ang elevator sa pag sakay dahil bigla siyang nagalala sa kanyang presentation.
Hindi na ininda ni Brielle kahit na masama parin ang pakiramdam niya. Para sa dalaga mas importante parin ang presentation niya dahil dito nakasalalay ang mga project na ituturn over sa kanya. Nang marating na niya ang opisina dali-dali ay binuhay niya ang laptop at ikinabit ang flash drive na may lamang presentation niya.
Nang marevise na niya ang ipepresent sa meeting dali dali na niyang tinungo ang meeting area nila at pagkuwa'y huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob. Tumambad naman sa kanya ang ilang board member's ng kumpanya na nagsisimula na pala ng paguusap tungkol sa proyekto. ''Good Morning po'' Bati niya sa mga board member's at pagkuwa'y umupo na harapan.
Habang hinihintay ni Brielle matapos ang ilang discussion tungkol sa proyekto. Bigla ay nagring ang telepono ni Brielle na noo'y nakapatong sa ibabaw ng table. Nang sipatin niya kung sino ang tumatawag bigla ay nanlaki ang mata niya dahil rumehistro sa screen ng kanyang telepono si Number ni Nathan. Bigla tuloy nadagdagan ang alalahanin niya ng sandaling iyon.
Maya-maya pa ay bigla na siyang tinawag ng Board of director at pagkuwa'y inutusan na siyang ipresent ang kanyang proyekto. Bago pa man siya mag simula mag present sinilent niya ang kanyang telepono upang hindi siya madistract sa pagpapaliwanag ng kanyang proyekto.
Makalipas ang isang oras na pagtatalakay niya at pagpapaliwanag ng layunin ng kanyang proyekto. Tila naman naimpress niya ang mga board members at isa isa siyang kinamayan ng mga ito. Kaya naman ramdam na niya nang sandaling iyon ang tagumpay. Ngunit bigla ay naalala niya si Nathan kaya naman dali dali ay tinignan niya ang kanyang telepono.
Tumambad kay Brielle ang halos 50 miscalls ng binata sa kanya. Kaya naman nang matapos na niya ang kanyang presentation ay agad siyang nagpaalam na dahil wala na naman siyang gagawin sa opisina. Bigla ay naalala niya si Johnny na naghihintay pala sa kanya sa parking lot. Kaya naman dito na siya dumaan at pagkuwa'y inilibot ang paningin.
Hindi nagtagal at tila nakita na siya ng binata na naghihintay sa sasakyan nito at mabilis naman siyan nitong nilapitan. ''Kanina ka pa ba diyan?''Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. ''Ahm medyo lang ngayon lang kasi natapos ang presentation ko'' Paliwanag niya sa binata at pagkuwa'y pinasakay na siya sa loob ng sasakyan at pinaandar na ito.
Habang nasa biyahe muli ay sinilip niya ang kanyang telepono at muli ay nakareceive siya ng miscalls galing kay Nathan. Kaya naman sa sobrang pagaalala kinagat kagat niya ang daliri, tila kasi siya nakaramdam ng takot sa magiging reaksyon nito sa kanya pag uwi. ''Hey Brielle are you Okay? Kanina mo pa kagat kagat yang daliri mo bakas maubos yan'' Pagbibiro ni Johnny sa kanya.
Kaya naman bigla siyang nahiya sa binata at mabilis na ibinaba ang mga kamay. Maya maya pa at bigla nanaman nagring ang kanyang telepono at rumehistro muli ang numero ni Nathan. Nang magkaroon na siya ng lakas ng loob dali dali ay pinindot niya ang screen ng telepono at pagkuwa'y sinagot na ang tawag nito.
''Hello'' sagot niya sa binata. ''Ang dami kong miscalls sayo pero hindi mo sinasagot ang tawag ko and where the hell are you?'' Galit na tanong nito sa kanya. ''Nathan ngayon kasi ang deadline ko sa project kaya naman napilitan akong pumasok at magpresent ng project'' Paliwanag niya sa binata. ''So mas mahalaga pala sa iyo ang trabaho kaysa sa health mo you what your insane Brielle'' Singhal nito at pagkuwa'y binabaan na siya ng telepono.
Tila nawindang ang sistema niya ng sandaling iyon dahil sa sinabi ni Nathan sa kanya. Kaya naman bigla ay napayuko siya at napahawak sa ulo. Napansin naman agad ito ni Johnny kaya naman bigla nitong tinapik ang balikat ni Brielle upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam. ''Sensiya ka na Johnny kung pati ikaw naistorbo ko'' Malungkot niyang paliwanag sa binata.
"Sus Okay lang yun ikaw pa malakas ka sa akin'' Nakangiting biro ng binata. Makalipas ang isang oras na biyahe ay narating na nila ang bahay ng mga ito. Tila nagdalawang isip si Brielle na pumasok sa loob ng bahay dahil bigla ay nakaramdam siya ng takot kay Nathan. ''Hey tatayo ka nalang ba diyan? hindi ka ba papasok come on lets go inside'' Pag aya nito sa kanya.
Nang makapasok na sila ng bahay nadatnan nila si Nathan na nagpapahinga sa sala habang nakasuot ang head set nito sa tainga. ''Bro nandito na si Brielle'' Tawag ni Johnny kay Nathan. Ngunit tila wala itong naririnig kaya naman bigla ay tinampal ni Johnny ang balikat ni Nathan kaya naman bigla ay nagangat ng tingin sa kanila si Nathan.
Nang sipatin si Brielle ng binata bigla itong nagiwas ng tingin at pagkuwa'y hindi siya pinansin. Kaya naman nasisiguro ni Brielle na galit ito nang mga oras na iyon. Kaya naman dahan dahan niya itong tinabihan sa sofa at pagkuwa'y tinapik ni Brielle sa balikat. ''Nathan galit ka pa ba? Sorry na, ngayon kasi ang deadline ng presentation ko kaya kahit medyo masama ang pakiramdam ko kinailangan kong makapasok'' Paliwanag niya sa binata.
''Okay then go to your room and take a rest'' Mariin nitong wika sa kanya. ''Sorry talaga Nathan hindi na mauulit promise at saka nag leave ako nang ilang days para makapagpahinga'' Paliwanag niya kay Nathan. Kaya tila nakulitan ata sa kanya ang binata at pagkuwa'y inakay siya papuntang kusina. ''Ano ang gagawin natin dito?'' Tanong niya sa binata. ''Ofcourse kakain ka muna bago magpahinga'' Naiinis na wika ng binata at pagkuwa'y ikinuha na siya ng pingan at kubyertos at ininit muna ang pagkain.
Kaya naman muli ay tila tumalon ang puso ni Brielle nang muli ay asikasuhin siya ng binata. Titig na titig si Brielle sa bawat galaw ni Nathan habang nagaasikaso ito ng makakain niya. Kaya naman tila bumilis ang pagaling ng kanyang masamang pakiramdam at napalitan ng masarap na pakiramdam. Maya maya pa at sineserve na sa kanya ni Nathan ang ininit na pagkain.
Kaya muli ang puso ni Brielle ay tila tumalon nanaman. ''hey kumain ka na diyan'' Utos nito sa kanya at pagkuwa'y tangkang lalabas na ng dinning area ng kitchen ng bigla ay nadismaya si Brielle ''Hindi mo ba ako sasabayang kumain?'' Malungkot na tanong niya sa binata. ''No busog na ako ikaw kumain ka na at nang makapagpahinga ka na'' Sagot nito at tinalikuran na siya.
Malungkot mang kumain magisa pinilit parin ni Brielle na ubusin ang inihain nitong pagkain. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang biglang pumasok si Johnny sa kusina at pagkuwa'y naghanap ito nang makakain. ''Hey Johnny nagugutom ka ba? tara hatian mo ako dito madami kasi itong inihain ni Nathan'' Tawag niya sa binata at pagkuwa'y kumuha narin ito ng plato at sumandok na rin sa kinakain niya.
''Nga pala Johnny pwede bang magtanong?'' Tanong niya sa binata ''At ano naman ang itatanong mo?'' Nakangiting sagot nito. ''Magka ano ano ba kayo ni Nathan?'' Tila naiilang niyang tanong sa binata. ''Hindi mo parin ba alam? Half brother ko siya we're the same father'' Mabilis na sagot nito. ''Ah, so magkapatid pala kayo? Kaya pala'' Tatawa tawang sagot kay Johnny.
Kahit paano ay nagkaroon ng ganang kumain si Brielle ng makasabay kumain si Johnny. Naging palagay lalo ang loob niya dito dahil narin sa pagiging palabiro nito sa kanya. Bigla ay naalala tuloy nilang dalawa ng binata ang naging pagkikita nila sa hospital at ang iba pang mga eksenang kanilang pinagtawanan habang masayang kumakain.
Nang matapos na silang kumain ng binata nagpaalam na ito sa kanya at pagkuwa'y biniro pa muli siya sa pagiging amasona niya sa hospital at pagiging kaskasero niya sa pagmamaneho. Kaya naman hindi mapigilan ni Brielle ang humagalpak ng tawa sa pagbibiro ni Johnny sa kanya. Bigla ay nagulat nalang si Brielle ng tangkang aakyat na siya patungo sa kanyang silid na tila kanina pa nagmamasid si Nathan sa kanila.
''I told you to rest after you eat, but it seems you don't'' Tila galit nitong wika sa kanya. ''Magpapahinga na rin ako Nathan'' Naiilang niyang sagot sa binata. ''Yeah right,'' Singhal nito sa kanya at pagkuwa'y tinalikuran na naman siya. Inis na inis man si Brielle sa ginawa nito pinili nalang niyang umakyat sa kanyang silid upang hindi na magdamdam ang binata.