Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay niyang nasa magkabilang braso ko at marahas itong inalis. I took a step away from him and looked at my sister.
“Sorry Ate, I can't,” maikling sabi ko at base sa gulat na ekspresyon sa kanyang mukha ay alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin – hindi ako maaaring mapabilang sa 'grupo' nila. Kinuha ko ang folder ko at tuluyan na siyang hinarap.
After 2 months I finally saw him again, and he's as breathtaking as the last time I did.
So out of my league.
“You should probably stop doing things like that. Baka kung anong isipin ng iba,” pilit na ngiti ko. “It was nice seeing you again Mr. Ford, but please, don't get too close again. I'm not worth it,” saka ako dali-daling naglakad palayo sa kanila – sa kanya.
Sa oras na makatapak ako sa loob ng building ay kumawala ang hiningang hindi ko alam na pinipigilan ko. What the f**k was that Leto!? My goodness. Baka kung anong isipin niya sa'yo, baka isipin niyang ang sama ng ugali mo. That was plain rude! Pero bakit ko ba iniisip 'to? Bakit ko iniisip ang magiging reaksyon niya? What I did was utterly right, tama rin ang mga sinabi ko, hindi ba?
May girlfriend na siya, and yes – kahit may pagka-masama ang ugali ng girlfriend niya, walang babae ang dapat makaranas na lokohin ng nobyo niya. Besides, I won't stoop that low just because the guy affects me in some way! I gotta be the bigger person in this story.
“Excuse me?” Agad akong napatayo nang maayos sabay harap sa direksyon ng boses. Pilit kong nginitian ang dal'wang babaeng kaharap ko. “Uhm... ayos ka lang Miss?” Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan silang dal'wa.
They're both pretty ladies, mestisa at halatang may ibang lahi. Yung isang nakikipag-usap sa'kin ngayon ay may suot na yellow sundress at white flats habang ang kasama naman niya ay naka-ripped jeans, plain black na hoodie at black Chuck Taylors.
“Ah oo, you really don't have to worry. Pasensya na kung—“
“No! No it's fine,” pigil naman sa'kin ng isa. “Kanina ka pa kasi namin tinitingnan at napansin naming you've been standing on the same spot for almost 5 minutes. Akala namin kung ano nang nangyari sa'yo.”
“Hindi, ayos lang ako, salamat. I just... space out a lot,” ngayon ay totoong ngiti na ang binigay ko sa kanila at masaya rin silang ngumiti pabalik.
“I'm Erin by the way, and this is my twin-sister Ina,” pagpapakilala nila.
“Leto Katherine, either Leto or Kath,” sabi ko pabalik. Pinanuod ko kung pa'nong nanlaki bigla ang mga mata nila ngunit kung gaano kabilis rumehistro ang reaksyon sa mga mukha nila, ay gan'on rin ito kabilis nawala.
“So you're new?” Excited na sabi ni Ina kasabay ng bigla nilang pagkapit sa magkabilang braso ko at paghila sa’kin sa isang direksyon. Wala na akong nagawa kundi magpatangay na lamang, alam kong mapagkakatiwalaan ang dalawa at pakiramdam ko naman mababait sila.
“Yeah, just got here last month actually,” sagot ko.
“Nice! Uhh... nakuha mo na folder mo?” Sunod na tanong ni Erin.
“Yeah, hahanapin ko sana yung locker ko.”
“Oh! We'll help you,” sabay palakpak pa niya. “What number?”
Binuksan ko ang folder sa mga kamay ko at hinanap ang locker number ko. “0826,” sagot ko, at lalo pang nagtaka nang bigla silang napahinto sa paglalakad. Tatanungin ko sana sila kung bakit, nang biglang magsalita si Ina kasabay ng pagpapatuloy muli namin sa paglalakad. Weird.
“That one was far...” kunot-noong sabi niya, “baka mahirapan ka ‘pag late ka na,” ngiti niya.
“I don't really mind,” sagot ko na nakapagpatango na lamang sa kanila.
Tama nga sila, malayo ang kinalalagyan ng locker ko, in fact it's one of the last ones. Pero nakatulong na rin ito dahil kasabay ng paglalakad namin ay tinuturo na rin sa'kin ng kambal ang mga classrooms ng subjects ko.
Nagtingin-tingin na rin ako sa buong ground floor, narito kasi ang lahat ng lockers. This school is very, very different from my former one, at siguro'y kahit sa ibang campuses na napuntahan ko na (which were only 2). Kung gaano ka classic-looking ang exterior facade nito ay gan'on rin ang loob.
Imbes na mga ordinaryong aluminum-sliding windows ang nakahilera sa isang pader ay mga steel and concrete arch windows ang narito, at imbes na mga metal lockers ay gawa sa oakwood at heavily-tinted glass ang narito. Base rin sa mga portraits at mini statues na nakatayo o naka-hang sa bawat kanto at dingding ng hallway, the university really was built with an eventful history.
Saktong pagkarating namin sa locker ko ay ang pagtunog ng bell. We compared our schedules earlier and found out that I got either one of them or both sa lahat ng classes ko. Kahit nakakapagtaka ay hinayaan ko na lang, atleast ay may kasama na akong kakilala ko sa lahat ng subjects ko. I'm thankful na may mga naging kaibigan na agad ako. They also took my mind away from a certain someone.
Sabay kaming naglalakad ni Ina ngayon papuntang cafeteria dahil magkasama kami sa previous class namin. Si Erin naman ay makikipagkita na lang sa amin doon. We're currently talking about their names because I just found out na mga nicknames lang pala nila ang sinabi nila sa'kin, halata naman dahil ang iiksi nito. Erin was actually short for Serendipity Marie habang ang Ina naman ay Destiny Anne. Nakakatuwa lang dahil may aktwal na mga meanings talaga ang mga pangalan nila.
Kapalaran.
“My mom is actually pregnant right now, and we're gonna name the baby either Fate Aliah or Chance Gabriel,” kwento pa niya at agad akong napangiti.
“Wow! Congrats ha, na-excite tuloy ako,” sabay hawak ko pa sa mga kamay niya. Nakakatuwang marinig ang mga gantong klaseng kwento, especially about babies. I love kids.
"Thanks! Oh heto na tayo," sabay kaming napatigil sa harap ng nakabukas na puting double-doors na may signage na ‘CAFETERIA’ sa taas.
Hindi pa kami nakakapasok ay rinig na ang ingay mula sa loob. Hindi naman ito sobra, the noise was bearable at malalaman mong disiplinado ang mga estudyante sa loob dahil sa maayos na pila sa concessions at food stands.
Niyaya ako ni Ina papasok at kasabay ng paghahanap namin kay Erin ay ang pagmamasid ko na rin sa buong silid. Iilan lang ang tables rito dahil mas malaking parte ang nasasakop ng mga bilihan ng pagkain. Agad akong nagtaka dahil sa pagkakaalala ko ay nasabi sa'kin ng kambal kanina na sabay-sabay raw ang lunchbreak ng lahat ng estudyante.
“Ayun!” Turo niya sa isang direksyon, saktong pagtingin ko rito ay nag-umpisa na ring maglakad papunta sa'min ang kapatid niya.
“Hey!” Masayang bati nito. “Let's go? Bili na tayo, anong gusto mong kainin Leto?” tanong niya. Tumingin ako sa menu board at nakitang may pitong pwedeng pilahan in total – based on the kind of cuisine.
“Italian? Kung okay lang sa inyo?” Tumango naman sila at doon na nga kami pumila sa Italian food stand. “Hindi ba kulang yung mga tables dito?”
“Nope, the students get to choose where they'll eat, kung dito or sa Circle. And dahil marami na mas piniling sa labas kumain, minabuti nilang paramihin na lang ang varieties ng stalls dito sa loob. And meron ding student lounge sa second floor, pwede rin dun if ever na masama ang panahon and unavailable ang Circle.” Tinanguan ko sila, buti na lang talaga ay may kasama na ako kundi ano na kayang mangyayari sa'kin?
You kept forgetting about your Ate Dione and Kuya Cairo, Leto.
They're probably busy anyway, at magkakaiba rin kami ng schedules, hindi naman convenient na palaging naghahanapan kami sa malaking campus na 'to. Mas mabuti nang may ka-close ako sa year ko. You're just making reasons. And they're reasonable so... they're acceptable. Wow Leto, nakikipag-usap ka na ngayon sa sarili mo? What a hopeless case.
Niyaya ako ng dalawa sa Circle at sinabing doon na kami maghanap ng mauupuan. When we got there, napatunayan ko ang sinasabi nila kanina at karamihan nga ng mga estudyante ay narito. Wala nang bakanteng table na pang-apatan kaya naman wala kaming choice kundi maupo sa isang eight-seater table kung saan may nakaupo nang apat na lalaki sa isang side.
“Hi, pwedeng makiupo?” Tanong ni Erin sa isa sa mga lalaki.
Agad na natigil ang usapan nila at nalipat ang atensyon sa amin, the guy was about to reply nang mapatingin siya sa direksyon ko at biglang natigilan. Lumipas ang limang segundo at hindi pa rin siya sumasagot kaya naman napayuko na ako, is there something wrong with me? Oh my God, paano kung makita rin nilang weird ako gaya ng sa dati kong school? I just had friends!
“Sige ayos lang,” sagot ng isa sa kanila. Napatingin ako sa kambal at tinanguan na lamang nila ako, they're trying to assure me that it's okay. Bahagya namang nawala ang pagtataka ko dahil rito. Umupo ako sa dulong upuan habang kaharap ko si Ina at sa tabi ko naman ay si Erin, who's obscuring me from the guy's view.
“Kamusta naman ang araw mo Leto? I hope it's well so far,” Erin said. Halos mapabuntong-hinga ako sa hindi pagpansin ng dal'wa sa nangyari, if ever na pag-usapan pa namin iyon ay tiyak na magiging awkward kami. The guys beside us are starting their conversation again na pinagpapasalamat ko.
“Ayos naman, nakakapanibago pero inaasahan ko na 'yun so, I'm trying to adjust.”
Erin nodded, “yeah it must be hard for you, iba kasi ang Raven sa ibang schools,” agad na nabalot ng pagtataka ang mukha ko.
“Raven?” tanong ko.
“Lykos Panepistimio Koraki meaning; Raven Wolf University,” paliwanag niya.
“The school is named after a wolf?” I unbelievably asked, sino namang gagawa nun?
“It's because of the school's history... mahabang kwento,” dahil ayaw ko namang mapagod pa sila sa kake-kwento, hinayaan ko na lang.
I mean, private school naman ‘to at may karapatan naman ang founder nito na pangalanan ang school niya however he/she wanted. At kahit naman weird ang pangalan, the school's considered an exclusive one so why bother? Napansin kong kanina pa tahimik si Ina, simula nang pag-upo namin kaya naman agad kong nilipat ang atensyon ko sa kanya.
“Is there something wrong Ina? Ayaw mo ba sa pagkain mo?” Tanong ko. Mabilis siyang napatingin sa'kin sabay iling.
“Ahh- uhm, kase...” bigla siyang napatayo mula sa upuan niya at lumapit sa'min. “Kanina pa nakatingin dito si Al—si ano, si Jebediah,” bulong niya habang nakatingin sa kanyang kapatid. Saglit silang nagtinginang dalawa at ilang sandali lang ay para bang may bigla silang na-realize. “I think we should transfer, baka may available nang four-seater na table.”
I frowned, "huh? Okay na dito, ang hassle pa kung lilipat tayo.” Bakit ba gusto pa nilang lumipat? Ayos na naman kami rito at wala namang kaso kung dito kami kakain or sa ibang table. Hindi ba mada-digest nang mabuti ang kinain namin kung dito kami uupo? Hindi naman 'di ba?
Nagulat ako nang bigla na lang akong hawakan ni Erin sa braso, “Ina's right Leto, siguro lipat na tayo.”
“Wait,” paghawak ko rin sa braso niya gamit ang kabilang kamay ko. “Ano bang nangyayari? What's with this table?” Subok ko muli pero nagtinginan lamang uli sila nang may pag-aalala sa mga mukha. Then I remembered what Ina said earlier – kanina pa nakatingin dito si Jebediah. Lalo pang kumunot ang noo ko, anong kinalaman niya rito?
Inalala ko kung nasaang parte ng Circle ang table nila at tumingin sa direksyong iyon pero wala naman akong naabutang nakaupo roon. The table is empty.
Then I tried again, “kung yung kanina, it's not a big deal guys.” Pagtutukoy ko sa nangyari sa lalaki kanina, hindi ko naman akalaing ganto pala ang nararamdaman nila do'n.
“Why? What happened earlier?” Tanong ng isang pamilyar na boses.
My head snapped towards the manly voice at nakita ngang nakatayo na sa tabi ng mesa namin si DJ – specifically on my side. Nasa likod niya sina Ate Dione, Kuya Cairo, Ares at dalawa pang 'di pamilyar na mga lalaki, what are they doing here?
“It's none of your business, Jebediah,” matigas na sabi ko.
His posture stiffened. I watched as his jaw clenched and his fists closed tightly causing his knuckles to nearly turn white. Matagal niya akong tinitigan na para bang nag-iisip ng susunod niyang gagawin. He should just leave, this is not even his problem. Bakit ba pati dito nangingialam siya? And what is this damn commotion for?!
“Moira,” biglang tawag niya. Naalala kong ito ang apelyido ng kambal kaya naman nalipat ang tingin ko kay Erin at naabutan siyang nakayuko, pati si Ina – pati nga ang mga lalaking nakaupo sa tabi namin! They look like they're scared... like they're submitting.
“I don't get this,” biglang sabi ko bago pa makasagot sinuman sa dal'wa. Siguro ay nagtataka na sila sa nangyayari, at ayoko na silang madamay pa rito. “Para sa'n ba 'to? I mean, we're just deciding if we're going to transfer to another table for Pete's sake! Akala ko wala nang mas wi-wirdo pa sa'kin. I thought I am the freak, but wow... half a day in this school and my head's about to explode!” Natigilan silang lahat at napatingin sa'kin.
“That! That look right there, I know there's something wrong with me but can you just say it to me directly? Hindi yung pinasasakit niyo pa ang ulo ko sa kaiisip.” Dali-dali akong tumayo at aalis na sana nang biglang mapatigil ako dahil sa isang boses.
“Jebediah!” Masayang tawag niya kasabay ng paglapit niya sa'min. Ngayon ko lang rin napansing sobrang tahimik ng paligid, lahat ng atensyon ay nakatuon sa direksyon namin. Great, first day of school and this happened. What a nice way to start the year Leto. "I finally found you," sabi ni Zanaya sa oras na makalapit siya at mahawakan niya ang braso ni DJ. Saglit akong napatingin roon ngunit mabilis ring inalis ang atensyon ko rito. "Oh Kath, hi!" Bati niya sabay bigay sa akin ng isang pekeng ngiti.
Tumingin muli ako kay DJ ngunit naabutan ko na siyang nakatingin kay Zanaya. I scoffed, it doesn't affect me at all. I mean, why will I be hurt from this? We're practically strangers. Well, I wish. Pero bakit parang hindi ako makahinga? Really Leto, really? Magpapa-apekto ka talaga?
Thump
Not this again. Please not now.
Mabilis akong napahawak sa mesa dahil sa halos panghihina ng mga tuhod ko – epekto ng paninikip ng aking dibdib. It was my heart beating abnormally again. Pero hindi tulad ng dati sa event, pati ang ulo ko ngayon parang nakikisabay na rin.
Thump
“Leto?” I heard my sister's worried voice, ngunit parang ang layo niya. My head started to spin as arms tried to steady me.
Thump
“Ahhh!” Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit at naramdaman ko na ang tila pag-agos ng likido mula sa ilong ko. I touched it and felt the hot liquid, saka ko unti-unting tiningnan ang mga daliri ko... red fluid stained them. Blood.
Thump
‘Mine. Mine. Mine.’
“Love? Katherine, shh... it's okay. I'm here, I'm here.” A piece of soft cloth carefully covered my nose as arms engulfed me into a tight hug. Hindi ko na ma-kontrol ang paghikbi ko, dahil sa kaba, sa sakit at sa takot.
“DJ...”
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang pangalan niya, basta ang alam ko, siya ang mahigpit na nakayakap sa'kin ngayon. Balikat niya ang sinasandalan ng ulo ko, mga labi niya ang paulit-ulit na humahalik sa noo at pisngi ko. Nag-aalalang boses rin niya ang bumubulong sa tenga ko ng mga magagadang salitang humihiling ng tiwala na magiging maayos rin ang lahat.
“I'm here Love, I won't ever leave you. Nandito lang ako, hindi kita iiwan. Hinding-hindi na kita iiwan uli.” The words were laced with finality, it wasn't even a promise but a mere statement.
But I'm scared. Hindi lang dahil sa alam kong maaaring hindi totoo ang mga sinasabi niya ngunit pati na rin sa boses na iyon. Mine. Mine. Mine. Nakakapangilabot. Isang boses na hindi pamilyar sa'kin at sigurado akong hindi nanggaling mula sa kahit na sinuman sa nakapalibot sa'kin ngayon.
It came from inside of me. And I'm afraid that maybe, they were right. I have definitely lost my mind.
“This is too much...” I unknowingly whispered as black spots slowly filled my vision.