Chapter 17

1865 Words
LETO KATHERINE   Nagising ako dahil sa pagkirot ng lalamunan ko. My eyes immediately opened at tumingin sa paligid. Agad akong napaupo nang makitang wala ako sa kwarto ko, heck! Ni-wala nga ako sa mansyon, panigurado.             s**t nakuha na ba 'ko nung mga lobo? Dito ba nila ako ikukulong habambuhay? Diyos ko po. Papatayin ba nila ko? What. Wait. They are wolves, they are not capable of doi— nanlaki ang mga mata ko nang bumalik lahat.             The bloody wolf turning into a... a man.             “Oh my God!” naalala ko sina Ina at Erin at yung dal'wang lobo na parang kasama nila. Naalala ko kung pa'nong parang wala lang sa kanila yung pag-iibang anyo nung mabangis na hayop.             Biglang bumukas ang pinto sa silid na kinalalagyan ko at niluwa nito ang isang magandang babae na may blonde na buhok. Napanganga na lamang ako sa ganda at puti niya pero ang kinagulat ko ay ang weird niyang pananamit. Nakasuot siya ng mahabang gray na bistida at kapa, natatakpan nito ang buong katawan niya maliban sa mga kamay at paa.             Mabilis akong umatras sa kama para makalayo sa kanya. Maganda man ay 'di ko siya kilala at baka kasama rin siya nung mga uhh– yung mga lobo este tao, basta 'yon!             “'Wag kang matakot, hindi ako isa sa kanila,” malumanay niyang sabi at naramdaman kong kahit papa'no ay nabawasan ang takot ko. Tumingin ako sa buong silid, nasa'n ako? Naalala ko sa silid yung mga sinaunang bahay. This is way too different from my room back at the Ford's man—             Jebediah.             “Sandali...” nasa'n sila?             Alam ba nilang nandito ako sa lugar na 'to? Hinahanap ba nila ako ngayon? Tiyak na papagalitan na naman ako ng lalaking yun! Huh? Bakit siya pa ang inuuna ko?! Tiyak na nag-aalala na si Ate nito. Nalaman na ba nila yung nangyari sa gubat? Nasabi na kaya nila kila Papa?             “Hey,” halos mapatalon ako nang maramdaman ang paghawak ng babae sa aking balikat at mabilis na lumayo sa kanya. Doon ko lang napansin ang nakabenda kong braso, kita ang bahagyang dugo na nanggagaling sa loob nito. Naalala ko ang matinding sakit mula rito bago ako mawalan ng malay. “Please, 'wag kang matakot sa'kin, hindi kita sasaktan. Alam kong ang dami mong iniisip ngayon, ang daming tanong d'yan sa utak mo. Pinapangako kong masasagot din 'yan lahat, pero sana paniwalaan mong kaibigan at kakampi mo ‘ko," hiling niya, bago iabot sa'kin ang isang basong tubig.             Unti-unti ko itong kinuha mula sa kanya, hindi sigurado sa ginagawa ko. Really Leto? You're gonna trust this stranger?             Matapos kong uminom ay tiningnan ko siya, “sino ka?” Pilit 'kong pinatapang ang boses ko, but I doubt it came out that way.             “I'm Maia Ceres, call me Maia,” simpleng sagot niya. Hinintay kong ipagpatuloy niya pa ito ngunit nang nanatili siyang tahimik ay nagtanong na lamang muli ako.             “Nasa'n tayo ngayon?”             “We're in Fengari Nao, or the Moon Temple,” nanlaki ang mga mata ko. Temple? Anong ginagawa ko rito? Paano 'ko napadpad dito? At nasa'ng dako ng Pilipinas 'to? Bakit parang 'di naman 'to nababalita sa TV.             “Alam ba ng pamilya ko na nandito ako? Uhm no... my parents are overseas, ayoko nang mag-alala pa sila. Yung Ate ko na lang, alam ba niya? Pati yung mga kaibigan ko, kasi nakikituloy ako sa bahay nung isa sa kanila.”             “'Wag mo nang alalahanin pa 'yon, you'll be safe here at makakauwi ka rin after a week. Well, after 4 days dahil tulog ka nang tatlong araw.”             “Tatlong araw?!” My jaw dropped, gano'n talaga ako katagal na nawalan ng malay? Anong ibig-sabihin niyang 'wag ko nang alalahanin kung alam ba ng Ate at mga kaibigan ko? “So alam naman nilang nandito ako? Natawagan niyo naman sila?” I hopefully asked.             “Leto— pwede ba kitang tawaging Leto?” Tanong niya – pa'no niya nalaman ang pangalan ko? Ngunit tumango na lang ako. “I'm sure anytime now, tatawag na sila,” nakahinga ako nang maluwag, buti naman alam nila.             “Pa'no ko napunta rito? Saka bakit ako nandito? Bakit hindi sa ospital?”             Ngumiti siya, “huwag na nating isipin pa ang maliliit na bagay na 'yan. Alam kong may mas malalaking tanong na bumabagabag sa isip mo ngayon at doon na lang natin ituon ang atensyon natin,” kumunot ang noo ko. She's talking in riddles! Parang sinasagot niya ang mga tanong ko na parang hindi, nakakasakit na ng ulo. Napahawak ako sa noo ko at agad na nagulat nang maramdamang nakabenda rin ito. “Iyan ang dahilan kung bakit tatlong araw ka ring walang malay, buti at hindi napuruhan ang ulo mo.”             Biglang may kumatok sa pinto at tumayo si Maia para buksan ito. Isang batang babae na siguro ay labing-tatlong gulang ang pumasok, pareho sila ng suot ni Maia ngunit kulay kayumanggi ang sa bata at walang kapa.             “Heto na po ang umagahan n gating bisita, Binibining Ceres,” sabi nito.             Ngumiti si Maia, “salamat Shilloh,” sabay kuha niya ng tray. Nang lumabas ang bata ay lumapit muli siya sa’kin saka pinatong ang tray sa kandungan ko. “Kailangan mong magpalakas. Kahit halos apat na araw na lamang tayong magkakasama, alam kong maraming bagay ang mangyayari sa mga darating na araw. Ihanda mo ang iyong sarili Leto,” pabugtong na namang sabi na niya.             Wala akong kaalam-alam kung bakit sa pagka-kataon na namang ito ay napakalma at napasunod niya ako. Hindi ko na rin nagawang magtanong pa.             I know someone who also does that to me often. And I miss him.   “Naghanda na po kami ng tubig panligo Binibini, narito po ako upang tulungan kayo sa pagbibihis,” sabi sa'kin ni Shilloh. Tumingin ako sa tanging bintana ng kwarto at nakita ang pa-sikat na araw. I'm not a morning person at ang nakapagtataka pa ay ang nagpapakalmang epekto sa'kin ng silid na ito. Para bang lagi akong panatag sa lugar na 'to.             “Salamat,” tanging sambit ko na lang at dumiretso na sa banyo. Ang tanging laman lang nito ay isang puting bath tub at isang maliit na mesa kung saan nakasabit ang twalya at nakapatong ang mga supplies na pampaligo. Tinapos ko agad ang pagligo dahil naalala kong naghihintay nga pala si Shilloh sa labas. Binalot ko ang twalya sa aking katawan saka biglang may naalala na ikinalaki ng mga mata ko – wala akong damit na pampalit! Bahagya akong sumilip sa kurtina na humaharang sa banyo at kwarto, at mabilis naman akong napansin ni Shilloh             “May kailangan po ba kayo?”             “Ah– eh... wala kasi akong damit?” nahihiya kong sabi sa kanya.             Ngumiti siya at nilapitan ako, at doon ko lang napansin ang under-garments at bistidang hawak niya. “Isuot niyo muna po itong mga panloob at tutulungan ko kayo paglabas niyo,” abot niya sa'kin.             Tinanggap ko naman ito at bumalik sa loob. Nang matapos ay kumunot ang noo ko sa pagtataka, yung dress na suot ko ngayon ay tan brown at umaabot hanggang sakong at may sleeves na hanggang siko. Pero ang sabi niya panloob lang 'to? Pero okay na 'to ha.             Lumabas ako at napansin agad ang dal'wa pang kasuotan na dala niya. Pareho itong puti ngunit ang isa ay may manipis na tela at isa nama'y hindi ko malaman kung anong klase ng damit pero kitang-kita ang kapal nito. Lumapit ako sa kanya at isusuot na sana niya ang isang may manipis na tela sa'kin nang pigilan ko siya, “ayos lang, ako na d'yan,” sabi ko.             Agad siyang umiling, “hindi po, trabaho ko po ito Binibini.”             Hindi na ako nakasagot pa dahil pinagpatuloy na muli niya ang kanyang ginagawa. Isinuot na niya sa'kin ang pangalawang bistida at doon ko lamang napansin ang magarang detalye na narito. May ibang parte itong gawa sa puting lace at iba ay see-through na material, long-sleeves rin ito na may cuff links. Saka niya sa'kin sinuot ang isa pa na may makapal na tela – na isang magarang kapa pala.             “This is too extravagant for a guest,” komento ko.             Ngumiti muli siya, “naaayon lang po ito sa ranggo niyo Binibini. Sa lugar pong ito, kapag may suot na kapa ang isang tao, sinisimbulo nito ang mas mataas niyang ranggo. At pinahahalagahan po namin ang aming mga bisita lalo na ang isang Luna na kagaya niyo.”             Kumunot ang noo ko, “anong—Hindi ko maintindihan...”             Mataas na ranggo? Ako? Ano bang pinagsasasabi niya? Luna? Ano na namang kinalaman ng salitang iyon rito?             “Nakasisigurado ho akong malapit niyo nang malaman ang lahat. Kakailanganin niyo rin po ang gantong kakapal na pananamit dahil sa oras na lumabas kayo ng silid ay mararamdaman niyo na ang pagbaba ng temperature,” paliwanag niya sabay upo sa sahig na ikinagulat ko ngunit 'di niya ito pinansin at nagpatuloy na sa pagsusuot ng sandalyas sa mga paa ko.             “Salamat... kahit nakakahiya.”             Bahagya siyang tumawa bago tuluyan na muling tumayo, “masaya po akong paglingkuran kayo Binibini,” sabay bow pa niya na lalong kinagulat ko. “Hinihintay na po kayo ni Binibining Ceres.”     Para akong batang dinala sa mall sa unang pagkakataon nung paglabas namin ng kwarto. Doon ko napatunayan na oo, nasa isang templo nga kami, pero mas mukha itong monasteryo kung titingnan ang istraktura. The building is made purely of bricks and mortar at maliliit lamang ang mga bintana nito ngunit meron itong napakalalaking espasyo. Sa ibang parte ng dingding ay may mga nakaukit na simbolo.             Pinanuod ko ang pagiba-iba ng tanawin sa bawat bintanang madaanan namin at napagtantong sa isang kabundukan nakatayo itong templo. 'Di ba may bundok na natatanaw mula sa bayan? Ibig-sabihin ba nito ay malapit lang ako? Agad akong napangiti, malapit lang ako!             “Nasa loob po ang Binibini,” turo ni Shilloh sa pintuang kaharap namin bago siya na mismo ang nagbukas nito.             Pumasok ako at naabutan ang isang malaking silid na merong mas marami at mas malalaking mga bintana at sa gitna'y isang mahabang mesa na napapalibutan ng mga upuan. Nakita ko si Maia na nakaupo sa isang upuan malapit sa dulo at sinenyas naman niya sa'kin ang katapat na upuan nito. Agad akong lumapit sa kanya at umupo.             “The traditional clothing suits you Leto,” nginitian ko siya at pabulong na nagpasalamat.             “Shilloh kept saying na nababagay lang ito sa may mataas na ranggong katulad ko. Hindi ko maintindihan.”             Tumango siya, “dahil tatlong araw na lamang ang natitira ng pamamalagi mo rito, didiretsahin na kita sa lahat at gusto kong lakasan mo ang loob mo sa mga malalaman mo. Kahit kami'y nagulat nang malamang wala kang alam sa...” buntong-hinga niya, “sa mundong ito.”             “Mundong... ano?” naguguluhang tanong ko.             “You grew up in the wrong side of the world Leto, you're supposed to be in our side... not the other,” hindi ako nagsalita dahil lalo lang akong naguluhan. “Iyong nakita mo sa gubat bago ka nahulog, 'yong lobo na—“             “Na naging tao,” bulong ko kasabay ng pagbalik ng alaala sa utak ko.             “Matalino ka Leto, alam kong alam mo na kung anong nakita mo. Hindi mo lang maamin sa sarili mo at pilit mo lang itong inaalis sa isip mo.”             Werewolf.             Tumingin ako pabalik sa kanya na may takot sa aking mga mata. “Totoo sila?” 'di makapaniwalang tanong ko.             “They are the other side. We are the other side.”             “You're kidding...”             “Then I have to start from the very beginning.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD