“Anak, can we talk?” I turned to my mom and nodded. Saglit kong tiningnan ang direksyon kung nasa'n si DJ, at naabutan siyang nakikipag-usap sa isang grupo ng mga kalalakihan kasama si Tito Mattheo. I followed my mom hanggang sa nakarating kami sa balkonahe nitong hall. “Ma? May problema ba?” agad na tanong ko sa pagkakataong magkaharap kami. “You shouldn't be the one asking that. Leto, what's happening?” Huh? Anong ibig niyang sabihin? “You're losing weight, you look pale despite of your makeup. Nabalitaan ko pa kay Mrs. Salem na lagi ka daw walang ganang kumain. At 'wag mong gawing dahilan sa'kin na natural lang 'yan sa'yo, alam ko na 'yon anak, pero ni-minsan hindi naging ganito kalala ang epekto nun sa'yo.” I sighed, siguradong si DJ ang nagsabi kay Mama na ka

