Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at napabalikwas nalang ako ng bangon ng marealize ko kung nasaan ako sa mga oras na ito.Sa huling pagkakaalala ko ay kasama ko si Ford sa may tabing dagat at hindi naging maganda ang pag uusap naming dalawa.Sinabi ko na sa kanya ang nangyari sa akin two years ago at hindi ko alam kung naniniwala na sya sa akin. Nanlaki ang mga mata kong kinapa ko ang bandang leeg ko at ganun nalang ang pagkalungkot ng puso ko ng hindi ko na makapa ang kwintas ko kung nasaan ang pendat ko na singsing.Bumalik sa isip ko ang paghablot ni Ford sa akin nun at ang pagtapon nya sa kwintas ko sa dagat. Sobra akong nasaktan sa ginawa nya dahil parang may tinapon syang parte ng buhay ko.Hindi ko akalain na ganun kalaki ang galit nya sa akin dahil sa pag aakalang iniwan

