Episode 05

4544 Words
Nakarating ako sa bahay na ginugulo ni Ford Rosales ang isip ko.Hindi ko maintindihan kung bakit naapektuhan ako sa mga sinabi nya.Naguguluhan pa ako kung bakit nasabi nya sa akin ang mga iyon eh nasisiguro ko naman na ngayon ko lang sya nakaharap ng personal. Bakit kung magsalita sya sa akin ay parang kilala nya ako at parang may nagawa akong atraso sa kanya.Ang hindi mawala sa isip ko ay ang mga mata nyang nakitaan ko ng sakit at galit. Bakit kasi nagpunta ako sa Sky Garden ng di ko alam ang dahilan?!Aishhh!!!Ano bang nangyayari sa akin?Ngayon lang kumilos ang katawan ko na hindi inuutusan ng utak ko,parang may sariling pag iisip ang katawan ko kanina at talagang pumunta ako sa lugar na yun na ngayon ko lang napuntahan. Oo,kilala ang Sky Garden dahil sa ganda ng tanawin dito lalo na at kitang kita doon ang kalangitan at ang mga bituin pero kahit isang beses ay hindi pa ako nakakapunta doon.Pero kanina pakiramdam ko galing na ako sa lugar na yun. Arrrghhh!!!Ano ba itong naiisip ko!!Ngayon lang nangyari sa akin ito!! "Saan ka galing Ericka Geronimo?" Natigil ako sa pag iisip ko ng makita ko si Kuya Erick na nakatayo sa labas ng pintuan at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.Hindi pa pala ako nakakapasok sa bahay at nakatayo lang ako sa tapat ng bahay namin.Masyado kasing ginugulo ng Sky Gardeb at ng Ford Rosales na yun ang isipan ko eh. "Magandang gabi Kuya.Kanina pa ba nakauwi?" ngiting bati ko sa kanya habang itinatabi ang bike ko kung saan ko ito iginagarahe. "Im the one who ask you first.Saan ka galing?Gabi na at nasa labas ka?" tanong nya na dahan-dahan kong ikinalapit sa kanya. "Uhmmm. .sa 7/11 Kuya namiss ko kasing tumambay dun eh!" sabi ko na ikinasalubong ng kilay nya. "Don't lie to me Ericka.Nagpunta ako doon pero hindi naman kita nakita doon.Saan ka talaga nagpunta?" seryosong pahayag ni Kuya na ikinanguso ko. Pinuntahan pala ako ni Kuya doon. "Kasi Kuya. . ." "Answered me honestly Ericka." "Sorry Kuya,sa Sky Garden ako galing." sagot ko sabay yuko. "Sky Garden?Galing ka dun ng nakabike lang?Ericka alam mong malayo-layo ang Sky Garden dito sa lugar natin.Pinauwi kita para makapagpahinga ka hindi yung papagurin mo ang sarili mo.What did you do in Sky Garden?" Sermon at sabay na tanong ni Kuya sa akin. Alam kong masesermonan ako ni Kuya dahil dito. "Hindi ko alam Kuya basta nung narinig kong pinag uusapan ang Sky Garden nakita ko na lang ang sarili kong nagbibike papunta doon.Para kasing nakapunta na ako dun Kuya." paliwanag ko na ikinatahimik ni Kuya kaya nilingon ko sya. "Galing naman talaga ako sa 7/11 Kuya eh tapos may biglang pumasok sa isip ko na isang lugar at ng marinig ko yung Sky Garden nagpunta ako dun.Yung lugar na biglang naisip ko at yung Sky Garden ay parang iisa.Parang napuntahan ko na yun,parang pamilyar kasi ang pakiramdam ko sa lugar na yun eh.Sabihin mo nga Kuya nagpunta na ba tayo doon?" naguguluhang tanong ko kay Kuya na seryoso lang na nakatingin sa akin. Gusto ko ding ikwento kay Kuya yung tungkol kay Ford Rosales na parang napagkamalan ako sa isang taong may atraso sa kanya pero hindi ko na ginawa dahil baka mas lalo syang mag alala.Ang gusto ko munang malaman eh kung isang beses ay nagpunta na kami ni Kuya doon. Bigla akong natigilan ng may pumasok sa isipan ko.Hindi kaya ang lugar na yun ay may kinalaman sa mga alaalang nakalimutan ko?Kaya ba pakiramdam ko pamilyar yun kasi baka nga nang galing na ako dun nung hindi pa ako naaksidente. Hindi kaya may kinalaman din si Ford Rosales sa akin?Napailing naman ako sa naisip ko.Hindi naman siguro,kahit siguro hindi nawala ang alaala ko malabong mapansin ako ng isang Ford Rosales,mayaman at kilalang tao yun eh. Ano ba itong mga naiisip ko!Lalo akong naguguluhan. Bakit ba iniisip ko pa ang mga nawala kong alaala eh sinabi ko na sa sarili ko na hindi na yun mahalaga sa akin. "Sumasakit ba ang ulo mo?" biglang tanong ni Kuya na ikinailing ko nalang. Lumapit si Kuya sa akin at inakbayan ako bago iginaya papasok sa loob ng bahay.Mukhang wala pa sina Mama at Papa ah. Iniupo ako ni Kuya sa sofa at umupo naman sya sa lamesa paharap sa akin at seryoso lang na nakatingin sa akin. "Kuya.  . ." "Hindi pa tayo nakakapunta sa Sky Garden pero yung naisip mo tungkol sa mga sinabi mo,baka may kinalaman yun sa nawala mong alaala." sabi ni Kuya na ikinatahimik ko. Tama ako,kung ganun parehas kami ng iniisip ni Kuya? "Wag mo ng masyadong isipin ang tungkol dun.Sa susunod na may maisip ka na parang pamilyar sayo ay sabihin mo agad sa akin.Baka dahan-dahang bumabalik ang mga alaala mo." sabi ni Kuya na ikinailing ko. "Pero bakit ngayon lang Kuya?Nung mga nakalipas na dalawang taon simula ng magising ako sa pagcocomatose ko ay umaasa akong babalik ang mga alaala ko.Bakit ngayong ok na ako at kuntento sa kung anong meron ako bakit ngayon pa bumabalik ang mga nakalimutan ko na " pahayag ko na ikinahawak ni Kuya sa dalawang kamay ko. "Ericka we don't know kung ang mga naiisip mo ay mga alaala mo o kung sign yan na bumabalik na ang alaala mo.Don't stress yourself about that,okay.Just let me know kung may mga pamilyar na sitwasyon o pangyayari kang naiisip." malambing na sabi ni Kuya na ikinatango ko. "Nakapagluto na ako ng hapunan natin,tumawag sina Papa at Mama bukas na sila makakauwi dahil hindi nila na close ang pirmahan ng client nila.At bukas may bago tayong photoshoot." sabi ni Kuya sa akin na ikinangiti ko. "Talaga?Sino ang client natin bukas?" Tama si Kuya,hindi ko muna dapat iniisip ang mga bagay na gumugulo sa akin ngayon.Ang Sky Garden na yun at si Ford Rosales. "Isang magazine na ang features ay mga young billionaire in Asia sa bansa natin.Bukas apat sa kanila na kilala sa buong mundo sa larangan ng bussiness ang makakasama natin.Gusto nila na pumirma tayo ng contarct sa kanila para tayo ang kukuha ng mga shoots nila." sabi ni Kuya na biglang ikinabilis ng t***k ng puso ko. Young Billionaire Asia?Ibig sabihin may posibilidad na kasama doon si Ford Rosales?Bakit bigla naman akong kinabahan? Kung kasama sya,ibig sabihin magkikita kami bukas.Siguro naman naisip nun na magkamali sya ng taong sinungitan nya kanina.Bakit ba naba-bothered ako na magkikita ulit kami. "Ga-ganun ba?Ang galing Kuya noh!In-demand na ang grupo natin." sabi ko kay Kuya na ikinangiti nito. "Yeah!Sige na magpalit ka na ng damit mo at kumain na tayo.I think that magiging busy ang sched natin tommorrow.Gumising ka ng maaga dahil malayo-layo ang venue ng photoshoot natin." sabi ni Kuya sabay tayo sa lamesang kinauupuan nya na ikinatayo ko din. "Saan ba Kuya?Para maaga palang pumunta na ako dun." tanong ko kay Kuya "Sa Knight's Advertising Company.Sikat at kilalang Magazine dealer ang kumpanyang iyon." sagot ni Kuya na ikinatango ko. "Okay!Another big work and victory for our team!" masayang sabi ko na ikinatawa ni Kuya. Hahayaan ko nalang muna kung anong nangyari ngayon sa akin.Kung bumalik man na ang mga alaala ko,hindi na naman siguro importante yun dahil kung nakalimutan ko iyon ibig sabihin wala yung halaga O kaya may masakit na nangyari sa akin noon na kinalimutan ng isip ko para hindi na ako masakatan.Yun na lang siguro muna ang iisipin ko. Tulad ng sinabi ko kuntento na ako sa kalagayan ko ngayon.Masaya ako sa pamilyang meron ako ngayon at kung may pamilya ako siguro hindi ako mahalaga sa kanila dahil dalawang taon na hindi man nila ako hinanap. Hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan dahil im sure wala na namang naghihintay sa akin na bumalik ako. Im sure of that. Sabay kaming kumain ni Kuya at nagkwentuhan ng mga bagay-bagay.Sa dalawang taon na kasama ko kasi si Kuya Erick eh parang Kuya na talaga ang turing ko sa kanya. "Tell me Kuya,kailan mo balak ayaing pakasalan si Ate Max?" ngiting tudyo ko kay Kuya na ikinatigil nya sa pagkain at lumingon sa akin. "Wala pa sa balak ko ang pagpapakasal Ericka." sagot nya sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Seryoso Kuya?Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na pakasalan si Ate Max?" takang tanong ko na ikinabalik nya sa pagkain. "Kuya. . . " Tumigil sa pagkain si Kuya at bumuntong hininga bago seryosong tumingin sa akin.Alam kong minsan may pagka serious type si Kuya pero iba ang dating ng pagkaseryoso nya ngayon eh. "May mga bagay pa akong dapat gawin Ericka,hanggat hindi ko pa natatapos yun hindi ko muna iisipin ang pagsettle down with Max.Your Ate Max understand me." seryosong sabi ni Kuya na hindi ko naman maintindihan. "Ano naman yun mga bagay na dapat mong gawin?Ano yung mga hindi mo pa natatapos?" tanong ko na ikinatitig nya lang sa akin May dumi ba sa mukha po para titigan ako ng ganyan ni Kuya. "Ericka may pagkakataon ba na pakiramdam mo may kulang sayo?" seryosong tanong ni Kuya na mas ikinakunot ng noo ko. "Syempre Kuya hindi ko naman maiiwasan na hindi maramdaman yun.Wala akong maalala sa pagkatao ko kaya parang may kulang sa akin." sagot ko nalang na ikinatango nya. Weird? "Matulog ka na Ericka at maaga pa tayo bukas." sabi ni Kuya bago tumayo sa pagkakaupo nya dala ang pinagkainan nya at dinala sa lababo Anong meron kay Kuya? "Kuya paano nyo ko nakita ni Mama?Gusto ko lang malaman?" biglang tanong ko na parang ikinatigil ni Kuya sa ginagawa nya.Hindi nya siguro inaasahan na itatanong ko ulit ito sa kanya. Humarap sa akin si Kuya at sumandal sa sa lababo habang nagpamulsa sa kanyang pants. "Bakit bigla mong naitanong?" "Hindi ko alam Kuya para kasing gusto kong malaman?" kibit balikat kong sagot sa kanya na muli nyang ikinaupo sa harapan ko. "I don't know what happened to you two years ago, papunta ako sa isang photoshoot na naka assign sa amin ng humarang ka sa daraanan ko full of blood in your body.Natigil ko ang kotse ko inches from you ng bumagsak ka sa kalsada.Binabaan kita and that's i saw you pale at nanghihina,dinala kita sa isang malapit na Ospital, may malay ka pa nun at may sinasabi sa akin bago ka ipasok sa Emergency room.Pag labas ng doctor they announced you comatose dahil sa laki ng damage sa katawan mo lalo na parteng ulo mo." kwento ni Kuya na sa kanya lang nakatutok ang atensyon ko hanggang sa mapansin kong tumayo si Kuya at lumapit sa akin bago ako niyakap. "Dapat hindi mo na tinanong ang tungkol sa nangyari sayo.Look at you umiiyak ka na." sabi nya na dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay ko para hipuin ang pisngi kong basa ng luha. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, ang alam ko lang parang sumikip ang dibdib ko sa mga narinig ko.Paano nangyari ang ganun sa akin? "K-kuya a-ano yung mga sinabi ko sayo bago ako ipasok noon sa E.R?" humihikbing tanong ko na hindi agad ikinaimik ni Kuya Erick "K-kuya. . ." "Don'y stress yourself Ericka, huwag mo munang alamin.Darating ang panahon babalik ang mga ala-ala mo but for now please don't think too much about what happened to you two years ago." sabi ni Kuya na hindi ko na ikinaimik. Hindi mawala sa akin ang mga sinabi ni Kuya, pero tama sya hihintayin ko nalang na bumalik ang ala-ala ko para masagot na lahat ng katanungan sa utak ko. "Go to sleep na My Princess malayo-layo ang pupuntahan natin." sabi nya bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Tumayo na ako at nagsimula nang lumabas sa kusina ng tawagin ako ni Kuya na ikinalingon ko. "Bakit Kuya Erick?" "Bukas after ng photoshoot natin sa KAC umuwi ka kaagad, malalate ako ng uwi bukas may pupuntahan lang ako." "Saan Kuya?" "Wag ka na magtanong basta deretso ka lang ng uwi bukas after ng work natin.Understand?" Ngiting tango nalang ang isinagot ko kay Kuya bago tumuloy na sa paglabas ng Kusina at pag akyat sa kwarto ko. Mag aayos na sana ako sa pagtulog ng mapatingin ako sa human size mirror ko,naglakad ako palapit doon at hindi ko alam kung bakit tumayo ako sa harapan nun at itinaas hanggang tyan ko ang damit ko upang makita ang isang mahabang peklat sa may tiyan ko at sa may tagiliran ko.Hinaplos ko ito habang nakatingin ako sa salamin. Ang mga peklat na ito ang tanging palatandaan ng nangyari sa akin.Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha.Ano kaya talagang nangyari sa akin noon Bumuntong hininga nalang ako bago ayusin ang damit na itinaas ko pabagsak na humiga sa kama ko.Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Bakit pakiramdam ko maraming magbabago sa paligid ko pag gising ko bukas.Ang gulo. . . Kinabukasan ay maaga akong nagising,maaga akong naligo at nag ayos ng mga dadalhin ko sa photoshoot namin sa Knight Advertising Company.Bumaba na ako sa sala at nagpunta sa kusina para magluto ng umagahan.Tulog pa si Kuya pero dahil nakabike lang ako ay kailangan mauna na ako sa venue para hindi na mahassele ang byahe ko.Ipinagluto ko nalang si Kuya ng umagahan nya. After kong kumain ay lumabas na ako at inilabas ko ang bike ko.Inilagay ko ang backpack ko sa basket ng bike ko at isinukbit ko na ang camera ko sa balikat ko bago sumakay sa bike ko. "Okay!Another job,another success!Whoo kaya ko ito,kaya ng team 'to!" pagpapalakas na sabi ko sa sarili ko bago magsimulang tahakin ang daan papunta sa bago naming trabaho. Hindi na ako nagpaalam kay Kuya na mauuna na ako sa venue ng Photoshoot,mas maganda kasing mauna ako dahil nakabike lang naman ako.itetext ko nalang si Kuya pag nakarating na ako sa K.A.C. Lumipas ang ilang oras kong pagbibike ay nakarating ako ng maayos sa tapat ng malaking building ng sikat na Advertising Agency ang K.A.C.Napapatingala ako sa taas ng building nila at masasabi kong maganda ang pagkakadisenyo ng building nila.Ipinarada ko ang bike ko sa may gilid ng company nila,dito ko nalang hihintayin sina Kuya.Nakakahiya naman kung ako lang ang papasok sa loob eh wala pa ang mga kasamahan ko. Nakatayo lang ako sa tabi ng bike ko habang tinetxt si Kuya naandito na ako sa K.A.C.Hindi ko na hinantay ang reply ni Kuya dahil tinago ko na ang phone ko sa bulsa ko.Tumitingin ako sa mga nagpapasukan sa loob ng K.A.C,mga empleyado siguro. Napatingala naman ako sa langit at ngumiti.Ang ganda ng panahon ngayon.Napaisip tuloy ako,sino ba ako nung hindi nawala ang mga alaala ko?May pamilya pa kaya ako kasi kung meron bakit hindi man lang nila ako hinanap? "Ang ganda ng kalangitan nuh!" Nawala ako sa pagtingin sa kalangitan at gulat na napatingin sa isang lalaki na sa tingin ko ay  mukhang nasa mid 40's na ang edad.Gwapo ito at hindi halatang may edad na pero bakit hindi ko napansin ang presensya nya?Kanina pa kaya sya dito? Nakatingin lang ako sa gwapong manong na katabi ko ng lingunin nya at biglang ngitian. "He-hello po." bati ko kay gwapong manong na malawaka akong nginitian. "Anong ginagawa mo dito sa labas ng K.A.C?Ngayon lang kasi ako may nakitang nakatayo sa tapat ng building na ito na parang may hinihintay." magiliw na tanong nito sa akin. Sa tingin ko isa syang empleyado dito dahil narin sa suot nyang pang office work kaya lang sa itsura ni gwapong manong mas bagay sa kanya ang maging may ari ng K.A.C. "Ahmm isa po ako sa member ng Alpha Photography na kinuha po ng K.A.C  para sa magazine po nila.Kami po yung magiging Photography team para po sa magazine issue po nila for young billionaire in Asia." sagot ko na parang ikinamangha nya. "Kung ganun bakit ikaw lang ang naandito?" tanong nya na mabilis kong sinagot. "Nauna po kasi ako sa kanila pero parating narin po sila.Hinihintay ko po sila dito." "Nakakapagod ang nakatayo sa paghihintay.Mas mabuti pa Hija na sa loob ka na maghintay,aabisuhan ko nalang ang security pag dumating na ang mga kasamahan mo, okay ba yun." alok nya sa akin na pinagisipan ko. Hindi kaya pagalitan ito ng boss nya dahil papasok sya ng papasok ng ibang tao? Nanghindi ako sumasagot sa alok nya ay bahagyang natawa si gwapong manong bago nilahad ang kanan nyang kamay sa harapan ko na ikinatingin ko. "Ako nga pala si Mr.Ash Tyre Davis,isa ako sa may ari ng K.A.C and yes im inviting you inside our company.Magiging katrabaho namin ang team nyo for our magazines so i hope we can enjoy each others accompany." pagpapakilala nya na ikinalaki ng mata kong ikinatingin sa kanya. Si Gwapong Manong na akala ko'y empleyado lang dito ay isa pala sa may ari ng K.A.C!Sabi na eh,hindi bagay sa kanya lalo na sa kagwapuha ni Manong ang maging empleyado lang dito. "So shall we Ms.?" "Ericka Geronimo po.Salamat po sa pagiimbita." sabay sabi ko at yumuko pa ako sa harapan nya "Sasabihan ko nalang ang mga securities na ihatid sa office ko ang mga kasamahan mong darating dito.So,tara na sa loob?" pag aaya nya ulit na ikinatango ko na. Nauna nang naglakad si gwapong manong este si Mr.Davis sa loob kaya agad kong isinukbit ang back pack ko at agad sumunod sa kanya sa loob ng company nila at grabe ang pagkamangha ko sa loob nito.Ang ganda sa loob ng K.A.C sobra. Nakasunod lang ako kay Mr.Davis hanggang sa pagsakay sa elevator.Nasa likuran lang ako ni Mr.Davis at nakatitig sa likuran nya.Ang sabi nya isa sya sa may ari so ibig sabihin may kasosyo sya sa bussiness na ito?Napababa naman ang tingin ko sa kaliwang kamay ni Mr.Davis at napukaw ng atensyon ko ang singsing ni Mr.Davis na suot nya.Mukhang may asawa na si Mr.Davis,hindi ako magtataka kasi gwapo sya eh. Nakasunod lang ako kay Mr.Davis hanggang sa paglabas ng elevator hanggang sa pagpasok sa isang malaking opisina na ikinatigil ko sa dahil hindi lang si Mr.Davis ang kasama ko sa loob ng opisina kundi may tatlo pang nag gagwapuhang mga manong na nakaupo sa kanikanilang lamesa na napatingin sa akin. Don't tell me hindi lang ito opisina ni Mr.Davis?kung ganun kung tama ang naiisip ko,apat silang may ari ng K.A.C? "Oh Ash sino yang batang kasama mo?" tanong nung isang gwapong manong na singkit. "Upo ka Hija." alok ni Mr.Davis sa akin na ikinatango ko at agad lumapit sa sofa na tinuturo ni Mr.Davis. "Isa sya sa member ng Alpha Photography,nauna syang dumating dito kaya pinapasok ko na muna dito habang hinihintay ang mga kasamahan nya." ngiting sagot ni Mr.Davis kay Manong singkit na ikinatango nito. "Okay lang ba Titus?" biglang baling na tanong ni Mr.Davis doon sa isang gwapong manong na seryoso lang sa mesa nya na tumango lang kay Mr.Davis. "Photographer ka?" tanong sa akin nung isa pang gwapong manong na naglakad palapit sa pwesto ko. "O-opo." sagot ko na ikinangiti nito "Magkakasundo kayo ng anak kong babae.She loves photography too." sabi nito na bahagya ko nalang na ikinangiti. "They are my co-owner here in K.A.C,that man sitting on the right side is Tomi Hideki and that man standing in front of you is Onyx Samaniego and that serious man siiting in his chair in the middle is Raizen Titus Yvanov,he's the main boss here." pagpapakilala ni Mr.Davis sa mga kasama nya sa loob ng opisina. Although nasa mid 40's na silang apat makikita mo parin na may laban ang kagwapuhan nila lalo na si Mr.Yvanov na kahit seryoso lang sa kinauupuan nya and i think that this four older men are happily married.Ang swerte naman ng mga babaeng minahal nila. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at ako naman ang nagpakilala sa kanila. "Hello po!Ako po pala si Ericka Geronimo.Nagpapasalamat po ako dahil binigyan nyo po ng chance ang Alpha Photograhy na makatrabaho kayo." sabi ko sa kanila na ikinangiti nila sa akin maliban kay Mr.Yvanov na mukhang busy sa laptop nya. "Masaya din kaming makatrabaho kayo,anyway just relax here habang hinihintay mo ang mga kasama mo Hija.Do you want anything to eat or drink?" alok ni Mr.Samaniego na agad kong ikinailing. "Wag na po.thank you po." sabi ko na ikinatango nalang nito. Bumalik na si Mr.Samaniego sa lamesa nya kaya umupo narin ako.Nakita kong nagsimula ng magtrabaho silang apat at nakikita ko na kaya umunlad at naging kilala ang K.A.C dahil masisipag ang mga nagtayo nito.Tahimik lang ako sa kinauupuan ko ng magsalita si Mr.Hideki kay Mr.Yvanov. "Oy Titus kailan ang balik nyo ni Aza sa Royal Palace?" tanong nito kay Mr.Yvanov na sa laptop parin nya nakatingin. "Next week.Achilles need to familiarize the K.A.C,i'll trained him before me and my wife back in Royal Palace." sagot ni Mr.Yvanov. Royal Palace?as in Palasyo? "Im sure namimiss na kayo ni Artemis." sabi naman ni Mr.Samaniego "I think she's not!basta kasama nya sina Mikael at iba pa nyang pinsan sa Royal Palace hindi nya maiisip na mamiss kami." sagot ni Mr.Yvanov na ngayon ay nakangiti na. Magsasalita na sana si Mr.Davis ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang babaeng may hawak na mga folder. "Mr.Yvanov your son is here na po together with his friends na magiging frontview po ng magazine issue po natin ngayon.Nasa may studio na po sila." sabi nito na ikinatango ni Mr.Yvanov Hindi ko alam pero biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nung babae sa pagdating ng mga young billionaire na kukuhanan namin.Bigla kasing pumasok sa isip ko ang Ford Rosales na yun.Baka kasi mamaya pag nakita ako nun eh pagkamalan na naman nya ako na may atraso sa kanya.Huwag naman sana "Ako na ang pupunta kina Achilles sa studio Titus,may report ka pang tatapusin diba?" sabi ni Mr.Davis na ikinatango ni Mr.Yvanov. "Yeah!F*cking paper works." sagot nito na ikinatawa nina Mr.Hideki at Mr.Samaniego. Tumayo si Mr.Davis sa kinauupuan nya at lumapit sa akin. "Sumama ka na sa akin sa studio Hija,doon ko na papaderetsuhin ang mga kasama mo pagdumating na sila." aya nito na agad kong ikinatayo sa pagkakaupo ko. Naglakad na si Mr.Davis palabas ng opisina nila kaya agad akong sumunod.Hindi na ako nakapagpaalam kina Mr.Hideki dahil busy na sila sa pagtingin sa mga kani-kanilang laptop. Nilalakad lamang namin ang pasilyo papunta siguro sa studio nila.Ng may tumawag kay Mr.Davis sa phone nya na agad nyang sinagot. "Hello?. .ah yes paki samahan na sila sa studio." sabi nito sa kausap nya bago binaba ang phone nya at bahagyang sumilip aa akin. "Naandito na ang mga kasama mo pinapasamahan ko na sila papunta sa studio." sabi nito sa akin na ikinatango ko "Salamat po." Ilang pasilyo pa ang nilakad namin ng pumasok kami sa isang kwarto na sobrang lawak na sa tingin ko ay ito na ang studio nila.Sa dami ng studio na pinuntahan namin sa tingin ko ang studio ng K.A.C ang malawak at maganda.Nakakamangha! "Hey!Achilles this is your first job given by your father and i think your doing a good job." Napatingin ako kay Mr.Davis na nakalayo na pala sa akin at naandun sa may gitna ng studio habang kausap ang limang lalaki na nakatalikod naman sa akin.Sila siguro ang mga young billionaire na kukuhanan namin pero diba apat lang yun?bakit lima sila? "Thank you Uncle Ash although nahirapan ako sa pagpayag kay Taz na sumama sa project na ito." sabi nung lalaking kausap ni Mr.Davis. "And your friends are here.Im happy dahil may mga kaibigan kang handang tumulong sayo." sabi ni Mr.Davis na napalingon sa akin. "Anyway,naandito na ang kinuha nating mga photographer para sa project mo Achilles.Naandito na ang isa sa kanila at papunta na dito yung mga kasama nya." sabi ni Mr.Davis na sabay-sabay ikinalingon sa akin ng limang kausap ni Mr.Davis. "SORAAA??!!!" biglang sigaw nung isang lalaki na gulat na gulat na nakatingin sa akin habang nakaturo pa sa akin na ikinataka ko Bakit parang gulat na gulat sya sa akin?Hindi lang sya dahil nakita ko na may gulat din sa mukha nila yung tatlo pa sa kanila habang walang emosyong nakatingin sa akin si Ford Rosales. Pero teka?tama bang tinawag akong Sora nung lalaking nakaturo sa akin?Sino yung Sora? "Do you know her Travis?" tanong ni Mr.Davis na naguguluhan din dun sa lalaking sumigaw. Bakit ba kung makatingin sila sa akin parang kilala nila ako? "Hey!Ms.Minchin ang aga mo ah!" Nawala ang atensyon ko sa mga awkward na tingin ng mga kasama ni Ford ng napalingon ako kay Dennis na nasa tabi ko na at nakaakbay sa akin. Naandito na pala sila. Ngiting nilingon ako ni Dennis at bahagya pang inilapit sa katawan nya. Anong ganap ng mokong na ito? Nasilip ko sa likuran namin ang paglapit nina Ate Max kasama si Kuya Erick at ang iba bang team dala-dala ang mga gamit na gagamitin namin. "Alisin mo nga ang pagkakaakbay mo sa akin Dennis." bulong na sita ko kay Dennis na ngiti lang ang sinagot sa akin. Sikuhin ko kaya sikmura nito! "Oy!Ford saan ka pupunta?" Lahat kami ay napalingon kay Ford Rosales na naglalakad palabas ng studio.Saan pupunta yun? "Oy Ford!!" tawag nung lalaking gulat sa pagkakakita sa akin kanina. Huminto sa paglalakad si Ford bago lumingon dun sa mga kaibigan nya bago lumingon sa pwesto ko.Wala paring emosyon ang mga mata nya pero yung klase ng titig na binibigay nya sa akin ngayon hindi ko alam pero parang kakaiba sa pakiramdam ko. Nakita mo ang pagbaba ng tingin nya sa kamay ni Dennis na nakaakbay sa akin bago tumalikod sa amin. "Lalabas lang,i'llbe back!" malamig na sabi nito bago tuluyang umalis sa loob ng studio. Tahimik lang ang lahat sa loob ng basagin ni Mr.Davis ang katahimikan na yun "Okay!Mag aayos pa naman siguro ang mga bagong dating na photographer bago magsimula ng shoot.Anyway,mauna na ako sa inyo.Achilles ikaw na ang bahala dito." Sabi ni Mr.Davis bago lumabas na din ng studio. Mabilis kong siniko sa tiyan nya si Dennis na ikinaalis nya sa pagkakaakbay nya sa akin. "Aray naman Ms.Minchin.Aga-aga ang sadista mo!" angal ni Dennis na ikinasimangot ko. "Sipain pa kita dyan eh!Mag ayos ka na nga para makapagsimula na tayo." sita ko sa kanya bago nakasimangot na umalis sa harapan ko. Naglakad narin ako sa pinagpwestuhan nina Kuya pero may pakiramdam ako na parang may mga mata na nakatingin sa akin kaya ng dumako ang mga mata ko sa may gitnang bahagi ng studio ay bahagya akong nagitla ng makita kong titig na titig sa akin yung apat na sa tingin ko ay kaibigan ni Ford Rosales.Agad akong umiwas ng tingin sa kanila dahil naguguluhan ako sa klase ng tingin nila sa akin. "Hindi mo ko ginising bago ka umalis kanina." Napalingon ako kay Kuya na nakalapit na pala sa akin "Sorry Kuya ayoko kasing istorbuhin ang tulog mo eh.Maayos naman akong nakarating dito " ngiting sagot ko na ikinatango ni Kuya sa akin. Nagpaalam na si Kuya na mag aayos na sa may platform para makapagsimula na pagbumalik na si Ford Rosales kaya habang inaayos ko ang camera ko sa may pwesto namin ay nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na yung lalaking nagulat sa pagkakita sa akin kanina. "Ikaw nga Sora.Hindi ko akalain na makikita ka ulit namin sa nakalipas na dalawang taon." sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Sino bang Sora ang tinutukoy nito?Bakit nya ako tinatawag na Sora? "Hindi ako naniwala kay YoRi na nakita ka nya sa restaurant nya pero ngayong nasa harapan kita,bakit nawala ka ng dalawang taon Sora?" sabi pa nya na mas lalo kong ikinalito Ano bang pinagsasasabi nito?Bakit ba tinatawag nya akong Sora? "Excuse me Mr.pero sino ka ba?Bakit ba Sora ang tinatawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya na ikinanganga nya sa harapan ko. "Se-seryoso?Hindi mo ko kilala Sora?" gulat na tanong nya sa akin. Hindi ko naman talaga sya kilala eh! "Hindi kita kilala at hindi Sora ang pangalan ko.Ericka,Ericka Geronimo ang pangalan ko." sabi ko sa kanya na mas lalong ikinalaki ng mata nito sa akin. Naguguluhang iniwan ko yung weird na lalaking yun na tinatawag ako sa ibang pangalan.Lumapit ako kay Dennis na sinimulan na naman akong inisin pero ang isip ko ay nasa lalaking weird na yun.Kung makatingin sya sa akin tulad ng tingin ni Ford Rosales sa akin kagabi.Yung tingin na kilala nya ako? Sino ba ang Sora na yun at napagkamalan pa akong sya?At bakit parang pamilyar din sa akin ang pangalan na yun. Sino ba ang Sora na tinutukoy nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD