"WHOOOO!THIS IS LIFE!!PARTY PARTY PEOPLE!!!"
Napahilot ako sa sintido ko dahil sa kaingayan ng isa sa kasama namin.Hindi na sya tumigil sa pagsisigaw ng dumating kami sa bar na pinagpasyahan naming pagda-usin ng victory party namin dahil success ang naging project namin.Malaki ang naging bayad sa amin dahil magaganda ang mga litratong ibinigay namin sa kanila para sa mga magazines nila.
"WHOOO!!ANG SAYA!!"
Napapikit ako dahil kaunti nalang sasabog na ang pasensya kong kanina ko pa nagpipigil para batukan ang maingay na lalaking ito.Kung akala nya natutuwa sa kanya ang iba naming mga kasama pwes sila ayun dahil ako nabubwisit na.
Huminga ako ng malalim bago nagmulat ng mata at tumayo ako sa kinauupuan ko na ikinalingon sa akin ng katabi ko.
"Oh?Saan ka pupunta?" pasigaw na tanong sa akin ng katabi ko dahil alam nyang hindi kami magkakaintindihan dahil sa lakas ng tugtugan sa bar kung nasaan kami ngayon.Sinenyasan ko nalang sya bago mabilis na nilapitan ang lalaking pumutol sa pasensya ko dahil sa kaingayan nya.
Pagkalapit ko sa kanya ay mabilis ko syang binatukan sa ulo na ikinatigil nya sa pag iingay at gulat na ikinalingon nya sa akin.Bahagya ko pang narinig ang pag 'woaah' ng mga kasama namin at nakita ko ang bahagyang pagtawa ng kuya ko sa may gilid.
"Bakit ka nambabatok?problema mo?Ang sakit nun ha!" reklamo sa akin ng lalaking ito habang hinahaplos ang ulo nyang malakas ko lang namang binatukan.
"Nabubwisit na kasi ako sayo!Ang ingay na nga sa bar na ito nakikisabay ka pa.Pwede ka namang magsasayaw dyan ng hindi na sumisigaw pa ah!" sita ko sa kanya na ikinasimangot pa nito sa akin.
Sapakin ko ulit sya eh!
"Ang kj mo naman!kaya nga tayo naandito para mag enjoy,mag celebrate tapos pipigilan mo ko.Common where's the fun on that!" sabi nya na akmang babatukan ko ulit sya na agad nyang ikinalayo nya sa akin at mabilis na lumapit kay Kuya
"Erick bakit ba ang sungit ng kapatid mo sa akin.May gusto siguro sa akin yan.Lagi nalang mainit ulo sa akin." sabi nito sa Kuya ko na halata namang ipinarinig nya sa akin kaya masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
Ang lakas maka assume ng lalaking parrot na ito.
"Dennis huwag mo nang dagdagan ang inis sayo ng kapatid ko baka bigla ka nalang tumilapon sa gitna ng dancefloor na may baling balakang." nangingiting suway ng Kuya Erick ko sa bwisit na Dennis na ito na ikinatawa lang nito.
Pag hindi talaga sya tumigil talagang itatapon ko sya sa labas ng bar na ito ng matahimik naman ang buhay ko.Nasa may pinaka dulo kasi kami ng bar dahul narin ayaw ng mga kasama namin sa masyadong mataong pwesto.
"Tantanan mo na sya Dennis baka hindi ka makasama sa photoshoot natin bukas dahil nabalian ka na ng buto." natatawang suway naman ni Kuya Gil sa damuhong Dennis na ito.
"Para kayong aso't pusa baka mamaya kayo ang magkatuluyan dyan." kumento naman ni Ate Maxine na nobya ni Kuya Erick na ikinasimangot ko
"YUCK!Hindi ako napatol sa lalaking nakalunok ng mega phone Ate Max.Please don't say bad words." sabi ko na ikinaangal naman ng damuhing Dennis na ito.
"Kung maka yuck ka naman!Hindi ko type ang masungit na gaya mo wag kang umasa!" sabi nito na akmang susugurin ko ng sapak ng mabilis itong lumayo sa akin na ikinatawa ng lahat
Sa lahat ng mga kasamahan namin ni Kuya Erick sa trabaho si Dennis lang hindi ko makasundo dahil nakakabuwisit sya.Gwapo nga kasapak sapak naman ang mukha.
Hinila ako paupo ni Kuya Erick at inakbayan dahil alam nyang nabubwisit na talaga ako kay Dennis.
"Chill kapatid,pumapangit ka pag nakasimangot." lambing ni Kuya sa akin na ikinairap ko kay Dennis.
"Nakakapangit kasi ang isang tao dyan.Sarap ipatapon sa bulkang mayon." inis na sabi ko na ikinatawa nalang ni Kuya.
Nagtawanan nalang silang lahat dahil sa amin ni Dennis.Alam kong sanay na sila sa aming dalawa dahil hindi lang kami madalas magtalo ni Dennis,sa araw-araw ata na ginawa ng Diyos ay hindi mawawala ang pang aasar nya sa akin at pagkabwisit ko sa kanya.
Minsan nga inaasar na sya sa akin nina Kuya pero imbis na matuwa ako eh lalo lang ako nabubwisit.Hindi ang lalaking maingay na yan ang gusto ko,weird mang pakinggan pero may nagugustuhan na ako at ang mas nakakaweird pakinggan ay nasa panaginip ko sya pero hindi ko makita ang mukha nya.Blurred kasi at sa mga araw na lagi kong napapanaginipan ang lalaking yun minsan gusto kong isipin kung panaginip pa ba yun o hindi na.
Sinabi ko yun kina Mama at Kuya pero sinabi lang nila sa akin na huwag ko nalang daw iyon pansinin dahil panaginip lang naman daw yun.
Nagkasiyahan nalang kami sa pwesto namin at kahit gusto ko ulit na batukan si Dennis dahil nagsisimula na naman sya ng kaingayan nya ay tiniis ko nalang dahil wala din namang mangyayari kahit batukan at sapakin ko sya ng ilang beses.Iingay at iingay parin ang Dennis na yan.
Uminom nalang ako ng juice na inorder ni Kuya sa akin dahil bawal daw sa akin ang alak.Hello!Legal age here pero pag kasama ko si Kuya Erick alcohol is forbidden for me.Sila puro beer ang iniinom samantalang ako ay pine apple juice lang.
Nakinig nalang ako ng mga kwentuhan nila hanggang sa matigil iyon dahil nawala ang tugtugan na naging dahilan para magsi-upo ang mga taong kanina lang at nagsasayawan.Napatingin kaming lahat sa isang stage sa may unahan ng may isang lalaking umakyat doon na may hawak ng mic.
Ano kayang meron?
"Good evening everyone?Are you enjoying your night here at JEYA'S bar?" ngiting tanong nito na ikinahiyaw ng mga tao kasama na doon sina Kuya at nag uumapaw sa sigawan ng mga tao dito sa bar ang nakakainis na boses ni Dennis.
"YEAHHH!!THIS BAR IS TOTALLY ROCK!!" malakas na sigaw ni Dennis na asar na ikinailing ko nalang.
Batuhin ko sya ng maraming rock eh!Hindi ko nalang pinansin ang kaingayan ni Dennis at itinuon ko nalang ulit ang paningin ko sa unahan at dahil nasa may pinaka dulo kami ay di ko masyado makita ang nasa unahan.
"That's good to hear!Anyway kaya ako naandito sa harapan nyong lahat ay dahil binulungan ako ng isa sa mga kaibigan ng may ari ng JEYA'S bar na tawagin sa stage si Mr.Ford Rosales the owner of this bar upang kantahan naman tayong lahat." sabi nung lalaki na muling ikinahiyaw ng lahat ng tao at mga nagsipalakpakan.
Mukhang sikat ang may ari ng bar na ito ah dahil sa sigawan ng mga tao lalo na ng mga kababaihan na naandito.
Hindi ko alam pero parang hinihintay ko na umakyat sa stage ang Ford Rosales na yun na kahit malayo ay nakita ko ang isang lalaking umaakyat sa stage habang may hila-hila pang isang lalaki.Dinala nung lalaki yung hila-hila nyang lalaki doon sa isa pang lalaki na may hawak ng mic.
Hindi ko maaninag yung mukha nila at kung sino sa dalawang lalaking umakyat si Ford Rosales.Nakita kong tinapik nung lalaki yung hinila nya bago mabilis na bumaba sa stage.So ang naiwan ay yung may hawak ng mic at yung lalaking hinila paakyat sa stage.Sya ba si Ford Rosales?
"Mr.Rosales can you sing us one song?" tanong nung lalaking may hawak ng mic doon kay Ford Rosales na pansin kong ikinailing nito.
Kinuha nito ang mic na hawak nung lalaki na agad bumaba sa stage.Naglakad yung Ford sa may dulo ng stage at kinuha nya ang isang acoustic guitar doon bago umupo sa isang stool na nasa may parteng gitna ng stage at inayos ang mic nya.Narinig ko ang palakpakan ng mga tao na ikinalingon nung Ford sa unahan.
"Damn my friends!Damn you Lancellot!I'll beat you later." sabi nito sa tapat ng mic nya na ikinatawa ng lahat.
Nakatingin lang ako sa lalaking nasa unahan ngayon na may hawak ng gitara na nagsisimulang tumugtog at nagsimula ng umawit.
Oceans apart day after day
And I slowly go insane
I hear your voice on the line
But it doesn’t stop the pain
If I see you next to never
How can we say forever
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa uri ng pagkanta nang Ford Rosales na yun sa kantang inaawit nya.Iba kasi yung pag kanta nya eh parang walang buhay at malungkot although malungkot naman talaga yung kanta pero sa pag awit nya iba eh!He sang the song with no emotions.
Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you
"Kaya ko ding kantahin yan." rinig kong kumento ni Dennis na sinaway nina Ate Max at hindi ko nalang pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa lalaking kumakanta sa unahan.
Bakit kinakanta nya ang kantang yun ng walang emosyon?Ramdam ko eh,ramdam ko na parang wala lang sa kanya ang kantang yun.
I took for granted, all the times
That I though would last somehow
I hear the laughter, and I taste the tears
But I can’t get near you now
Oh, can’t you see it baby
You’ve got me going crazy
Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you
Hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking yun,hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa lalaking yun na nakakuha ng atensyon ko.
I wonder how we can survive
This romance
But in the end if I’m with you
I’ll take the chance
Oh, can’t you see it, baby
You’ve got me going crazy
Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you
Natapos ang kanta nya na hindi nagbago ang himig nya,Wala paring buhay.Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagbaba nya sa gitarang hawak nya ng may marinig kaming nagsalita.
"ARE YOU STILL WAITING?" rinig kong sigaw na tanong kung sino man ang nagtanong nun na walang emosyong sinagot ni Ford Rosales.
"Im not and i stopped." huling rinig kong sabi nito bago bumaba sa stage.
Ganun parin ang himig ng boses nya sa pagsagot sa tanong na binato sa kanya.Walang buhay.
Ano kayang nangyari sa lalaking yun?
Umakyat ulit yung lalaking may hawak ng mic kanina at sinabi na ituloy ang party kaya muling umalingawngaw ang tunog ng musika na muling ikinatayo ng mga tao at muling sumayaw sa saliw ng tugtugan.
Hindi mawala sa isip ko ang malamig na tinig ng lalaking yun.Bakit kaya ganun nya kantahin ang awitin na yun?
Nawala ang pag iisip ko tungkol kay Ford Rosales ng tumayo si Kuya sa pagkakaupo nya na ikinalingon naming lahat.
"Okey guys i think our party will ends here Umuwi na tayong lahat." sabi ni Kuya na ikinasang ayon ng lahat at ikina angal naman ni Dennis
"Dude naman!Uuwi agad tayo?" angal nito.
"Ayos lang naman sa amin kung magpaiwan ka eh.Mag enjoy ka pero pag nalate ka bukas sa trabaho natin Dennis Cortez your dead." banta ko na ikinanguso nito.
"Cut the war both of you.Umuwi na tayo." sabi ni Kuya Erick na agad hinawakan ang kamay ni Ate Max at hinila na ito palabas ng JEYA's bar na ikinasunod na naming lahat.
Pagkalabas namin ay kanya-kanya nang sakay ang iba sa dala nilang mga sasakyan at nagpaalam sa amin.Ako si Dennis ,Ate Max at Kuya Erick ang natira
"Ms.Minchin hatid na kita sa inyo gusto mo?baka makaabala ka pa sa kuya mo sa moment nila ni Max." suhestiyon ni Dennis na ikinairap ko sa kanya.
"Thanks but no thanks.Hindi mo ko mapapasakay sa kotse mong naghuhumiyaw sa kayabangan.Lumayas ka na nga." pagtataboy ko sa kanya.
"Grabe sya sa akin.Kung palayasin ako parang hindi tayo close ah."
"Hindi naman talaga.asa ka." sagot ko na ikinakamot nya ng batok nya.
"Lagi nalang kayong nagtatalo.Lil'sis sumabay ka na kay Dennis pauwi gabi na at delikado kung magbibike ka lang pauwi sa atin." sabi ni Kuya na ikinailing ko.
"No way kuya.You knew me. .ayokong sumakay sa kahit anong sasakyan.Mas safe ako sa baby bike ko and don't worry Kuya makakauwi ako sa bahay ng ligtas." sabi ko kay Kuya na ikinabuntong hininga nito.
"Ericka. . . "
"Im fine kuya promise." putol ko sa sasabihin ni Kuya na ikinatango nya
Alam nya kasing hindi nya ako mapipilit.
"Don't worry dude susundan ko nalang sya pauwi." sabi ni Dennis na ikinasimangot ko.
Kahit kailan talaga nakakaasar ang isang ito.Epal.
"Okey.Mag iingat ka Ericka." sabi ni Kuya bag ako lapitan at halikan sa noo ko.Nilapitan din ako ni Ate Max at niyakap bago sila sumakay sa kotse ni Kuya at umalis na.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Kuya at agad ko nang nilapitan ang baby bike ko at sumakay doon.Inayos ko ang bike ko ng magsalita ang asungot na nasa tabi ko na pala.
"Bakit kasi nagbibike ka lang pag may lakad ka o pag pupunta ka sa trabaho natin kung pwede ka namang sumabay sa Kuya mo." tanong nito na poker face na ikinalingon ko sa kanya.
"Wala kang pake." sagot ko lang sa kanya
"Sungit mo talaga sa akin kahit kailan.Susundan kita hanggang sa makauwi ka sa inyo." sabi nya na hindi ko pinansin at pinaandar ko na ang bike ko at iniwan ang madaldal na lalaking yun.
Ayoko sa mga sasakyan sa hindi ko malamang dahilan.Pakiramdam ko kasi mapapahamak ako at kakaibang takot ang nararamdaman ko.Nung isang beses na sumabay ako kay Kuya ay grabeng takot ang naramdaman ko kaya never na ulit akong sumakay sa mga sasakyan at piniling magbike nalang.
Ang totoo nyan hindi ko naman talaga tunay na Kapatid si Kuya Erick,nang makilala ko sila ay nasa Ospital ako at walang kahit na anong maalala.Kaya napagpasyahan nilang kupkupin ako dahil wala namang naghanap sa akin.Wala akong maalala ng kahit ano at tinanggap ko yun Masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon at hindi na inisip ang mga ala-alang nawala sa akin.Ang sabi nina Mama isang taon at tatlong buwan akong comatose at pag gising ko wala na akong maalala.Gusto ko man alamin ang tungkol sa mga nakalimutan ko ay sumuko nalang ako dahil di ko alam kung saan ako mag uumpisa.
Kuntento na ako sa piling nina Kuya at Mama kaya hindi ko na hahanapin ang nakaraan ko.
Ericka Geronimo ang pangalan na ginagamit ko dahil hindi ko naman matandaan ang tunay kong pangalan.Isa pa,sa dalawang taong lumipas na wala akong maalala siguro sign yun na kalimutan ko na ang nakaraan at huwag nang umasang babalik pa iyon.
Ang tanging isang bagay na sa tingin ko ay parte ng nawala kong ala-ala ang isang singsing na may naka engrave na forever sa loob nito na ngayon ay ginawa kong pendat sa kwintas ko.Hindi ko alam kung anong koneksyon ng singsing na ito sa akin pero pakiramdam ko mahalaga ito sa akin kaya lagi ko itong suot.Isa pa pakiramdam ko parang may nawala sa akin na hindi ko matukoy kung ano?Pakiramdam ko kulang ang pagkatao ko.
Ano mang meron sa singsing na ito ay hindi ko na iisipin o kung ano ang mga ala-ala na nawala sa akin.Im happy being what i am right now and contented.
My forgotten memories is now my past and the important to me now is my future.