AYAW ko siyang patulan hahaba lang kung makikipag matigasan ako sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto. "Anak kumain nalang kayo at may niluto akong chicken curry diyan. Nauna na akong kumain at papatulugin ko na itong kapatid mo," salubong ni Mommy sa akin. "Sige po," kinarga ko si Baby Jr na nasa crib habang nagtitimpla pa si Mommy ng gatas. "Ang pogi mo naman, mana ka kay ate,"sabay pinang-gigilan ko ng halik. "Oo ang ganda ng ate mo ang haba pa ng hair!" nanunudyong sabi ni Mommy. Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ako makatingin sa kanya. "Akin na iyang kapatid mo at ng mapatulog ko na." Ibinigay ko naman kay Mommy si Baby Jr at humalik sa pisngi ni Mommy. "Goodnight Mommy! Goodnight little bro!" "Sa kwarto ka namin matutulog Chantal!" sabi ni Mommy bago tumalikod. Hi

