Nagpalita-lipat ang tingin ni Stanley sa amin ni Zero. Nakikita kong gusto niyang suguring ang aking tauhan. At kung nakakamatay lamang ang titig ay nakakatiyak akong bumagsak na sa lupa ang lalaki. "Tamara! Sino ang lalaking iyan?!" muling tanong ng lalaki at mas malakas na ang tono ng boses nito, kaysa kanina. Kaya naman tumikhim muna ako bago magpaliwanag. "Sa loob na tayo mag-usap, Stanley," pagyaya ko sa lalaki at nasa mahinahon na boses. Walang salita naman ang lalaki na sumunod sa akin. Ganoon din si Zero. Ngunit ramdam ko pa rin ang galit ng binatang Governor. Napapailing na lamang ako. Pagpasok sa loob ay mas lalo pang hindi maipinta ang mukha ng lalaki nang makita ang iba ko pang tauhan. Pansin ko'y ano mang oras ay mananapak na talaga ito. Bigla naman akong humarap sa lalaki

