Kuyom ang mga kamao ni Stanlay habang nakatingin sa akin. Ako naman ay pinilit kong huwag matawa, lalo at nakikita kong namumula na agad ang mukha nito sa dahil sa pagsipa ko sa lalaki. Ngunit hindi pa ako tapos dito. Dahil nagsisimula pa lamang ako para naman kahit papaano ay makaganti ako sa tikbalang na ito. "Hey, Gov, relax ka lang! Masyado ka namang high blood. Saka, ikaw naman ang may sabi na sayawan kita. At nang galing din sa bibig mo na ayos lamang kahit--- mala-Bruce Lee ang datingan ng sayaw ko. Kaya huwag kang magalit o umangal riyan, kasi kagustuhan mo iyan," anas ko sa lalaki, habang panay ang iling ng ulo. Hindi naman nagsalita si Stanley. Ngunit madilim pa rin ang mukha. Kahit sinong mahusay na pintor ay hindi kayang i-guhit ang pagmumukha ni Stanley Spark. Ngunit hindi

