Mabilis namang hinawak ni Stanley ang aking damit na balak mo sanang hubarin sa harap nito. Alam kong nagtitimpi lamang ang lalaki. "Okay! Okay! Itaas mo na ang iyong paa, kung saan ka masaya, sige lang. Hindi na kita pupunahin," mahinahon pa ring sabi ni Stanley sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita at muling bumalik sa pagkain. Ngunit hindi ko na itinaas ang aking mga paa. Walang salita na lang akong kumain. Ngunit ramdam kong panay ang tingin sa akin ni Stanley. Pero hindi pa rin ako bumaling dito. Pagkatapos kumain ay walang paalam akong umalis. Bahala na itong magligpit ng pinagkainan namin. Sabihin ng tamad ako. Wala akong pakialam doon. Hanggang sa lumapit ako sa pinto ng kubo. At nakita kong malakas pa rin ang ulan sa labas. Sobrang dilim pa rin ng kalangitan at tila gabi pa

