Unang Halik 3

1130 Words
Hindi na muling nagsalita ang kapatid ni Tine. Alam siguro nitong naiinis na ang babae kaya tumahimik na lang si Tikbalang. Panay naman ang hingi sa akin ng paumanhin ng kaibigan ko dahil sa inasta ng kapatid nito. "Ayos lang ako Tine, huwag mo akong alalahanin marunong akong magpatwad sa taong hindi mapagpasensya," patama ko sa lalaki. Nakita kong ngumisi naman si Tine sa aking sinabi. Pagkatapos ay agad na hinila ang kapatid nito papalabas ng munti kong bahay. Nag-aalala rin siguro ito na baka patulan ng kapatid nito ang aking mga tinuran. Ako naman ay pumanhik na sa aking silid para magpalit ng kasuotan. Balak kong maglakad-lakd para naman hindi ako maburyo rito sa bahay. Isang black na t-shirt at maong na short lamang ang aking suot. Diyan lang naman ako sa Mall kaya tama lang itong suot ko. Pagkatapos kong i-lock ang pinto ng aking munting bahay agad akong naghanap ng taxi na masasakyan. Para magpahatid sa aking patutunguhan. Nakakita naman ako. Hindi naglaon ay nakarating na nga ako. Tuloy-tuloy naman akong pumasok sa loob ng gusali. Baka kasi mayroon akong magustuhan sa loob. Nakita ko rin ang mga babaeng tila kinikilig at mukhang nakita ang nakilang mga crush. "My Gosh! Totoo ngang gwapo siya? Ano kayang ginagawa ng isang katulad niyang negosyate dito sa Mall?" narinig kong tanong ng isang babae. "Baka naman may kadate siya rito?" sagot naman ng kausap nito. Sayang hindi ko na siya nakikita ngayon sa tv. Lalo at napag-alam kong tatakbo siyang gobernor sa lugar nila," sabi pa ng isang babae. Iwan ko ba kung bakit pinakikinggan ko ang usap nila. "Ang swerte ng babaeng mapapangasawa nito. Pero alam mo pagkakataon na natin ito para makadaopang palad si Mr. Spark. Makisiksik na rin tayo sa mga taong nagkakagulo para lang mapansin tayo," kinikilig na sabi ng isang babae. Napataas ang kilay ko nang banggitin ng mga ito ang Spark. Iisa lang ang kakilala kong Spark ang apelyido walang iba kundi si Stanley Spark, ang kapatid ni Tine. So, kaya pala parang pamilyar ang mukha nito noong una kong makita dahil isa pala itong business tycoon. Napabuga na lang ako. At pagkatapos ay muling pinagpatuloy ang paglalakad. Naririnig ko na lang nagkakaingay ang mga tao. At kilig na kilig sila. Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga nagsisigawan. Habang patuloy akong nagtitingin sa mga damit na nakadisply ay mas lalo akong naiinis sa lakas ng sigawan. Siguro'y tuwang-tuwa ang lalaking iyon dahil pinagkakaguluhan siya ng mga babae. Kaya naman nagdesisyon na lang akong umuwi. Naririndi ako sa lakas ng boses nila. Subalit hindi pa ako halos nakakalabas nang may humila sa aking braso. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Para bang lindol at ito'y tumama sa aking katawan. Nagulat na lang ako na may humahalik na sa aking mga labi. Hindi ako halos makakilos dahil sa kabiglaan. "Ay! may girlfriend na pala siya," narinig ko pang bulong ng mga tao sa paligid. At doon lamang ako natauhan. Kaya naman nagpupumilit akong makawala rito. Medyo tumigil naman ito sapaghalik sa akin. Pero hindi pa rin tuluyang inalis ang pagkakadikit ng mukha naming dalawa. "Umayon ka na lang sa plano ko, huwag kang mag-alala babayaran kita," abnormal na sabi nito. Pagkatapos ay itinaas nito kamay patungo sa aking buhok sabay alis ng pagkakatali kaya naman sumabog ang buhok ko at natakpan ang mukha ko. Humawak naman ang isang kamay nito sa aking beywang at iginaya ako papaalis sa lugar. "Ang swerte naman noong girl," narinig ko pang sabi ng ilang mga babae. Mayamaya pa'y may tumigil na isang kulay itim na kotse sa aming harapan agad nitong binuksan ang pinto at agad na pinapasok ako sa loob. Sumunod naman ito papasok sa loob ng sasakyan. Masamang tingin ang ibinigay ko sa lalaki. Ngunit hindi naman ako pinansin nito. Nakita kong may kinuha itong maliit na puting papel at pagkatapos ay nagsulat doon. Hindi nagtagal ay inabot sa akin ang isang cheque. Tiningnan ko ang nakalagay roon at nakita ko ang halaga nito. Twenty five thousand pesos iyon. So, ito ang bayad niya sa ginawang paghalika sa akin sa maraming tao? "Siguro naman ay sapat na iyan, kung tutuusin ay malaking halaga na iyan. Mabuti na lang at nakita kita at nakaalis agad ako sa lugar na iyon," sabi pa nito. At tila walang balak na humingi ng sorry sa akin dahil sa paghalik nito. Sa totoo lang ay nanggigigil ako sapagkat twenty five thousand pesos lang ang halaga ng unang halik ko, na dapat ang aking asawa ang makakauna sa akin. Hindi na ako nakatiis. "Twenty five thousand pesos? Ito ang bayad mo sa akin? Alam mo bang ang first kiss ko ay nakalaan sa magiging asawa ko! Pero ano'ng ginawa mo? Basta mo na lang ninakaw!" sigaw ko sa lalaki. "Damn! Ang inagy mo? Fine! Magkano ang gusto mo?" naiiritang tanong nito. "Hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga first ko na dapat sana ay sa magiging asawa ko!" sigaw kong muli sa lalaki. Nakita ko naman lalong naiinis ito sa akin at tila gusto akong sakalin dahil maingay ako. Nakita kong kumuha ito ng packing tape. Alam ko na agad kung ano ang gagawin sa akin ng lokong lalaki. Kaya naman itinaas ko ang aking paa para sipaan ito. Kaya napasol ko ito sa mukha. Nagulat din ito sa aking pag-ataki. Pero sadyang makulit ang lalaking tikbalang bagkus muli na naman lalapit sa akin kaya naman umigka ang kamao ko patungo sa ilong nito. "Boss, ayos ka lang?" tanong ng driver nito nakita kong nag-aalala ito dahil dumugo ang ilong ng binata. "Yeah! Ayos lang ako," sagot naman ng lalaki sabay punas ng dugo nito sa kanyang ilong. Muling tumingin sa aking ang lalaki. At nakita ko roon ang matinding galit sa akin. "Hindi ko alam kung ano pa ang ikinagagalit mo sa aking babae? Samantalang ay babayaran ka na nga!" asar na sabi nito sa akin. "Nagtanong ka pa talaga kung ano ang aking kinagagalit? Alam mo bang gusto kitang patayin ngayon dahil ninakaw mo ang unang halik ko!" sigaw kong muli na lalong kinainis nito. Ngayon ay alam ko nang ayaw nitong sinisigawan ng isang katulad kong babae lamang. Pansin kong lalapit muli ito sa akin. Kaya naghanda ako. Muli ko na namang itinaas ang aking kaliwang paa para sana sipain ito. Subalit mas mabilis na ang kilos nito sapagkat maliksi nitong nahawakan iyon. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palagi kang makakatama babae. Para sa kaalaman mo mas malakas pa rin kaming mga lalaki kaysa sa inyong mga babae!" mayabang na sabi nito. Hindi ako nagsalita. Pero muli kong pinagalaw ang isang paa ko na hindi pa nito hawak at balak sipain ito. Kaya lang pati ito ay nahawakan nito. Nakita ko naman ngumisi ang lalaki. At tila minamaliit ang aking kakayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD