(STANLEY'S POV) "Gov, Stanley. Ipagpaumanhin mo kung natagalan ako. Patawad din kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo," narinig ko anas ng isang private investigator na binayaran ko. "No problem, as long as you bring me good news." Nakita ko namang tumawa ang lalaki. "Sa totoo lang ay sobra akong nahirapan sa taong pina-iimbestiga mo. Dito lang ako natagalan. Alam kong bawal ang aking ginawa. Lalo at isang kasapi ng malaking organization ang aking sisundan. At oras na malaman ng mga namumuno ng organisayon ang ginawa ko ay tapos na ang maliligayang araw ko sa mundong ito. Ngunit alam kong hindi makakalabas ang aking ginawa dahil tayong dalawa lang ang kakaalam..." Huminto muna sa pagsasalita ang lalaki. Nakikita kong may pangambang nakapaskil sa mukha. Lalo tuloy kumunot ang noo ko.

